May twalya pa akong nakalagay sa likod ko, naka-t-shirt ako pero nilalamig pa rin ako. Buti na lang nakakayanan nila ang lamig na 'to habang nasa dagat sila.

"Buhatin na 'yan!" Biglang sigaw ni Kenji.

Lahat sila sumama sa tubig at dahan-dahang lumapit sa 'kin. Umatras naman ako ng umatras habang napapalunok pa. Ayaw kong maligo ngayon! Dadalhin ko na lang ang dagat bukas sa Maynila!

"Maliligo na 'yan. Maliligo na 'yan. Maliligo na 'yan. Maliligo na 'yan. Maliligo na 'yan. Maliligo na 'yan."

Paulit-ulit nilang sinasabi 'yon habang humahakbang papalapit sa 'kin. Ang lalaki pa naman ng mga boses nila, parang mga kapre. Kapre na mapuputi.

Tumingin ako sa mga babaita, kay Asher tsaka kay Adriel. Nasa dagat pa rin sila habang pinagtatawanan ako. Masaya kayo r'yan? E kung tulungan niyo na lang ako ritong makatakas sa kanila.

Buti na lang wala si Kayden, baka manguna pa siyang itapon ako sa tubig. Nasa loob siya, gumagawa raw ng pwedeng dessert. Baka naman pati dessert niya maalat.

"'Wag kayong lalapit!" Tinaas ko ang kamay ko para pigilan sila.

"...D'yan lang kayo, sisipain ko kayo!" Pagbabanta ko pero patuloy pa din sila sa paglapit sa 'kin.

"...Hindi nga ako maliligo, mamaya pa! Aaaaah! 'Wag kayong lalapit sa 'kin!" Sigaw ko, napasandal na kasi ako sa isang puno.

Pinaligiran nila ako, tatakbo pa sana ako pakaliwa pero may humarang sa daraanan ko. Sino pa ba? Sinasabi ko pa lang kanina na wala siya, ngayon nandito na siya sa harapan ko. Ang lakas naman ng pandinig nito.

"Where do you think you're going?"

"Doon. Doon sa malayo kaya tabi na." Sinubukan ko siyang itulak patagilid pero hindi man lang siya nagalaw kahit konti.

Tumingin siya sa mga hudlong at tumango. Lumapit silang lahat sa 'kin at hinahawakan ang braso at mga binti ko. King ina binuhat nila ako na ni-sway na parang isang duyan.

"Waaaah! Putangina niyo, ibaba niyo ko!" Sigaw ko sa kanila at kumakawag-kawag ang mga paa ko.

"D'yan ka lang, ayaw mong maligo ah." Nakangising sabi ni Alexis.

"Nahihilo ako, bwisit kayo, ibaba niyo ko— Aaaaaah!" Sigaw ko nang bigla nila akong ihagis sa tubig.

Buti na lang mababa lang 'yon pero hindi agad ako nakatayo dahil pahinga akong bumagsak. Pumasok sa ilong at bunganga ko ang tubig. Pati ata tenga ko nalagyan na.

"Tangina niyo! Pakyu!" Singhal ko sa kanila. "Nalagyan na ng tubig ang tenga ko! Bwisit!" Dagdag ko pa tsaka tumalon-talon habang nakatabi ang ulo ko, pinapalabas ko ang tubig sa tenga ko.

Hanggang bewang ang tubig na kinalulubugan ko ngayon. Suminga ako dahil may tubig din ang ilong ko, ang sakit kaya nun sa ulo.

"Binyagan na 'yan!" Sigaw naman ni Lucas. Napasinghap ako ng paluin nila ang tubig papunta sa mukha ko.

Tikpan ko ang mukha ko tsaka tumalikod sa kanila. Hindi ata ako malulunod dahil sa malalim na tubig, malulunod ako dahil sa mga pinagagagawa nila.

"Hindi naman malamig, 'diba, Yakie?" Nang-aasar na tanong ni Xavier.

"Manahimik ka!" Sagot ko sa kaniya tsaka humarap na, sinabuyan ko rin siya ng tubig sa mukha.

"Ganito ang night swimming. Dapat walang KJ. Hanggang mamayang alas tres tayo rito!" Boses ni Timber.

"Walang matutulog!" Anunsyo ni Aiden tsaka tinaas ang isang kamay, parang lalaking darna.

Superman na nakashorts.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora