"Alam mo namang hindi ako kumain no'n kaya naman tumahimik ka o iihawin ko 'yang dila mo?"
"As if you can."
"Ah, as if you can pala ha?! Kenji!" Tawag ko.
"Bakit?" Inosenteng tanong niya, nasa isang tabi lang siya, kumakain ng pandesal at naglalaro sa cellphone niya.
Gusto niyang sumama kanina pero hindi siya pinayagan, baka raw bulabugin niya lang ang mga seafoods tapos wala pa silang makuha. Mas mabuting maiwan na lang daw siya kaysa naman wala kaming kainin mamayang gabi.
"Kuha ka ng plais, dali!"
"Hala! Bakit? Hindi mo naman sinabi sa 'kin na karpintero ka na pa—!"
"Kunin mo na dali!" Mas mariing utos ko habang nakatingin dito sa hudlong na nanghahamon sa 'kin.
Akala mo hindi ko tototohanin ah.
"Bakit muna?"
"Hihilahin ko lang ang dila nito!" Turo ko kay Chadley. "Iihawin ko raw." Dagdag ko pa tsaka ngumisi.
"Hoy, joke lang. Hindi ka naman mabiro." Bawi niya sa sinabi niya. "Joke lang 'yun, sige upo ka na." Inalalayan niya akong umupo sa swing habang may hawak pang tongs.
"Ubusin mo na 'to... pakabusog ka." Dagdag niya pa, binigay niya sa 'kin ang isang paperbag ng pandesal.
Ang dali lang pala nitong takutin e. Biglang nagiging maalaga kapag natatakot. Hindi ko naman gagawin 'yun 'no. Hindi ko ata kayang makita ang sarili ko na nag-iihaw ng dila.
Kaderder.
Pinanood ko lang siya. Nakisakay na din si Kenji sa duyan. Nabubulabog ang tenga ko dahil sa lakas ng nilalaro niya. Kung hindi ko pa siya binantaan na tatakpan ko ulit ang cellphone niya at itatago, hindi niya pa hihinaan.
"Chadley..." Tawag ko.
"Hmm?"
"'Diba sa Italy ka galing?"
"Uhm..." Tumango siya.
"Marunong ka kasi na mag-Italian?"
"Uhm..." Tumango ulit siya.
"Ano ba! Huy! Sumagot ka naman ng maayos. Wala ka bang dila?"
"Mero'n."
"E bakit puro hmm at uhm ang sagot mo sa 'kin?"
"Baka hilahin mo ang dila ko kapag ginamit ko kaya 'yun ang sagot ko."
"Sira na ulo mo."
"Why are you asking me if I can speak Italian?"
"Wow, englishero." Natatawang sabi ko sa kaniya. "Turuan mo nga ako."
"Bakit naman? Magbasa ka lang sa mga online."
"Ayaw ko, tinatamad ako e. Tsaka hindi naman ako matututo sa basa-basa lang."
"Hindi ko na kasalanan 'yon. Pumunta ka sa Italy kung gusto mo pero hindi kita tuturuan."
"Bigyan mo muna ako ng pamasahe papunta ro'n."
"How much?"
Napatayo ako ng wala sa oras. Ang bilis niyang sumagot. Hindi man lang nag-isip sa hinihingi ko.
"Hindi nga?! We? Totoo?"
"Of course not. Maniwala ka naman kaaga—!"
"Pwe! Pwe! Tulong, pwe!" Lumingon kami sa nagsasalita no'n.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 182
Magsimula sa umpisa
