Wow pumalaot.

"Oh." Abot ko kay Chadley nung pamaypay na hinihintay niya.

Ginagamit ko kasi 'yon para maibsan ang init, hindi naman kami makapaglabas ng electric fan dahil wala namang saksakan dito sa labas.

"Parang galit ka pa ah. Oh, ito na, binabalik ko na sayo." Sagot niya at pinagtutulakan sa 'kin ang pamaypay.

"Sabi mo iabot ko sayo tapos ngayong inabot ko na ibabalik mo sa 'kin? Mag-isip ka nga."

"Baka naman galit ka pa dahil kinuha ko 'tong pamaypay, pwede ko namang hipan na lang."

"Sa tingin mo kaya mong hipan 'yan, Chadley? Baka namang maubos na ang hangin ng lungs mo bago mo matapos ang mga iniiihaw mo."

May namarinade kasi kami kagabi. Manok 'yon at iba pa. 'Yon muna ang ulam namin ngayon. Nasa kusina si Trina at Jharylle, nagluluto ata ng soup.

Ayan nananaman si soup e. Sana lang hindi kasing alat nung ginawa ni Kayden ang lulutuin nila. Hindi kakayanin ng mga bato, lungs pati na ang apdo ko. Maalat na nga ang ulam tapos maalat pa ang sabaw.

Nasa maalat na hospital na kami niyan pagkatapos nito.

Binilin pa sa 'kin ni Vance ang girlfriend niya bago siya umalis. Ginawa niya akong guardian nitong si Trina, malaki na 'yun, hindi na kailangang bantayan.

Sabi ni Vance, sapakin ko raw 'yung mga lalaking lalapit at magpapakilala kay Trina. Baka raw agawin sa kaniya ang girlfriend niya. Hindi ba naman gago, may tiwala raw siya kay Trina pero walang tiwala sa mga lalaking lalapit sa babaita.

May lumapit sa kaniya, dalawa. Kaibigan ata ni Brazen ang mga 'yon dahil kasama niya kanina e. Napadaan lang daw. Oo, napadaan lang pero kalahating oras ata kaming kinausap.

Syempre hindi ko naman sinapak ang mga lalaking 'yon. Mukha naman silang mabait at walang intensyon na agawin si Trina. Baka gantihan pa nila ako kapag ginawa ko 'yon.

Panay ngiti naman nitong isa. Hindi na 'ko nagtataka. Hindi na rin naman ako nanghihinala dahil ganiyan lang talaga siya sa lahat. Nginginitian niya tapos maya-maya aasarin niya na hanggang sa mapikon.

Hindi ko alam kung anong sinabi niya pero parang napika talaga 'yung tatlo kaya ayun, umalis. Feeling ko kasabwat niya pa si Eiya dahil nag-appear-an pa sila nung umalis 'yong mga lumapit sa 'min.

"Sabi ko nga. May oxygen naman d'yan kung sakali mang— aray!" Binatukan ko kasi siya.

"Manahimik, ituloy mo na lang ang pag-iihaw mo r'yan, kapag dulok ang mga niluto mo, patay ka kina Kayden."

"I don't care. Sila ang umalis ngayon, kung sila na lang ang nagluto rito, edi hindi nila masusunog ang mga lulutuin nila."

"Ang sama mo 'no? Isusumbong nga kita."

"Joke lang. Sige, kain, ayan!" Sabi niya tsaka niya biglang sinalpakan ng pandesal ang bunganga ko.

Tinanggal ko naman 'yon dahil mainit. Hindi ko naman tinapon, kinain ko pa rin pero pakonti-konti lang. Umupo na lang ako sa duyan sa may likod niya.

"Anong oras umalis 'yung mga 'yun?" Patukoy ko sa mga hudlong.

"Mga alas sais ata."

"Ang aga naman? Limang oras na sila halos?"

"Yep. Para raw maraming huli. Baka raw kulang pa sayo ang isang pusitaray ko naman!" Daing niya, sinipa ko ang pwet niya e.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now