Chapter 180

Mulai dari awal
                                        

Nakita ata niya na nag-aalangan ako sa pagsakay ng gano'n kaya naman huminga siya ng malalim. Nakita ko sa tubig ang repleksyon ko, natatakot ang mga mata ko at walang emosyon ang mukha ko.

"Don't worry, I won't let that happen to you again." Patukoy niya sa pagkahulog ko sa tubig.

Wala sa sariling hinakbang ko ang mga paa ko at lumapit sa kaniya. Sumakay ako sa jet ski... sa sasakyan na dahilan kung bakit muntikan na akong mamatay... dahilan kung bakit narinig at nakita ko ulit ang mga misteryosong bagay na nangyari sa 'king nakaraan.

"Hold on tight to my waist so you don't fall. I'll take care of you, just trust me."

Ayan nananaman ang mga sinasabi niyang hindi ko alam kung saan ba nagmumula. Napangiti na lang ako tsaka naiilang na kumapit sa bewang niya. Nagtaka ako nung hindi niya pa pinaandar ang jet ski.

"Tsk. Stupid." Sabi niya.

Tsaka niya hinahawakan ang dalawang kamay ko na nasa bewang niya, hinapit niya ito kaya naman nabunggo sa mukha ko ang likod niya. Nagulat ako ng ipalupot niya ang mga kamay ko sa tyan niya.

Tinapik niya 'yon. "Don't be afraid when I'm with you. I won't let anything bad happen to you."

Tumango na lang ako at tumingin sa harapan. Iniiwasang tignan ang sinasakyan namin. Pinaandar niya ang jet ski, hindi katulad ng dati na parang nagkakarerahan kami, mas mabagal ito ngayon. Sakto lang ang bilis.

Ngumiti ako at pinagmasdan ang likod niya. Humahampas sa mukha ko ang hangin, nililipad naman ang buhok niya. Gusto kong tanggalin ang mga kamay ko sa tyan niya pero baka mahulog ako.

Bakit ba masaya ako kapag kasama ko siya? Kahit na palagi niya akong ininiinis, inaasar, pinipikon at sinusungutan? Alam ko nung isang araw galit ako sa kaniya at sinabing iiwasan ko siya pero hindi ko magawa.

Ilang minuto lang ay tanaw ko na ang isang maingay na isla. Parang mga may nagkakasiyahan na. 'Yung tunog parang pang-Hawaii. Maraming tao ang nakikita ko, may mga bangka rin.

Bumaba ako sa jet ski. Hinanap agad ng mga mata ko ang mga babaita at mga hudlong. May atraso pa rin sila sa 'kin, pagbubuhulin ko ang mga bituka nila kapag nakita ko sila. Pero bigo ako. Nasa'n na ang mga 'yon?

"Let's go. Nasa loob daw sila." Sabi ni Kayden.

May isang malakin kubo. Hindi 'to gaya ng mga buko na sa normal na nakikita sa paligid. Mas malaki 'to, mga limang beses na lalaki kaysa sa mga normal na size ng kubo. Naka taas din 'yon sa lupa at may limang hakbang na hagdan.

Nandito pala sila ah! Patay ang cellphone nila. Habang nagsasaya sila rito, nasa rest house ako at nagdurusa na kasama ang Kulapo. Muntik pa akong malason.

Sumunod lang ako sa kaniya. Grabe. Ang daming mga tao rito sa loob, may may turista at mga foreigner, may mga matatandang babae ang sumasayaw sa gitna ng 'Dayang-dayang' nakasuot sila ng mga daster at may kwintas sila na gawa sa bulaklak.

Nasa dulo ang mga hudlong, nagtatawanan. Jusme, ginagaya pala ni Kenji ang ginagawa nung mga matatanda, para siyang chop-stick na sumasayaw.

Lumapit kami sa kanila. Hindi ko na lang sila binatukan, sayang lang ang pagod tapos baka mawala pa ang magandang mood nila. Ako na ang mag-aadjust. Huminto kami sa harapan nila, syempre nakuha naman namin ang atensiyon nila.

"Woah! Nandito na ang couples!" Bungad sa 'min ni Xavier.

"Hindi kami couples."

"We're not couples."

Sabay pa kami nitong Kulapo na 'to na sumagot.

"Bakit ngayon lang kayo?! Diba dapat nandito na kayo 2 hours ago?" Nanghihinalang tanong ni Vance. Nasa tabi niya si Trina.

Wow naman. Ang ganda ng mga ayos ng mga upuan nila. Nakakawalang ganang kumain. Si Alzhane nasa tabi ni Timber. Si Eiya nasa tabi ni Elijah, si Hanna naman nasa tabi ni Kenji tapos si Shikainah katabi naman si Xavier. Talaga naman.

Sa lapag na lang ako uupo kaysa naman sa makaharap ko sila. Char.

"We just had a little fun at home." Nginisian niya ako, inirapan ko na lang siya.

Fun ba 'yung buong oras niya akong bwinisit? Fun ba 'yung nagluto siya ng sobrang alat na sabaw? Fun ba 'yung iwanan niya ang mga pinagkainan niya at ako ang naghugas? 'Yon ba ang fun? Electric fun! Bwisit kang hinayupak ka!

"Anong klaseng fun 'yan? Baka naman..."

"Mali 'yang iniisip mo!" Agad na putol ko sa sinasabi ni Jharylle, sa mga ngiti niya parang ang likot ng utak niya e.

Tumingin ako kay Kio, ang sama ng tingin niya sa 'kin at parang nagbabanta na ang mga mata niya. Dahan-dahan akong umiling pero parang hindi niya naman ako pinaniwalaan.

"Wala naman akong sinasabi ah. Bakit defensive ka?" Pang-aasar niya pa.

"Kayo ha! Kaya pala nagpaiwan kayo kasi may gagawin kayong fun." Pagdidiin pa ni Trina.

"Wala nga kasi!" Marahas kong kinamot ang ulo ko. "Kung ano man ang iniisip niyo, mali kayo ng iniisip!" Inis na sabi ko.

"Easy ka lang, kakarating niyo lang high blood ka na." Sabi naman ni Lucas.

"Kayo ang may kasalanan nito e! Bakit niyo 'ko iniwan do'n kasama ang... Kulapo na 'to?" Turo ko sa kaniya.

"What did you call me?!"

"Wala." Sagot ko sa kaniya, bumaling ako ulit sa mga kasama naming pinagtatawanan ako. "Bakit hindi niyo 'ko ginising?! Magigising naman ako e!"

Padabog akong umupo sa tabi ni Kio. 'Yon lang ang bakanteng upuan e. Bahala na si Kayden kung sa'n siya uupo ngayon. Tumayo na lang siua kung gusto niya.

"We have a reason why we did that." Parang naguguilty pa si Alzhane.

"Ano naman 'yun?"

"Hindi mo talaga alam?" Tanong ni Eiya.

"Hindi. Itatanong ko ba kung alam ko?"

"Kayden told us to leave you with him so you can come here together..."

Kinunutan ko ng noo si Elijah. Ano raw?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang