Hindi na 'ko magtitiwala sa kaniya pagdating sa mga lasa.
Pagkatapos kong kumain. Ako na rin ang naghugas ng plato, bigla na lang kasing nawala ang Kulapo na 'yon pagkalagay niya sa mga pinagkainan namin sa may lababo.
Akalain niyo 'yun, kumuha lang ako ng malamig na tubig sa ref, pagkaangat ng ulo ko wala na siya, nagteleport ata bigla. Subukan niya naman akong iwanan mag-isa riti, lalangoy ako papunta sa kabilang isla.
Kumuha ako ng tubig tsaka pagkain ko at umakyat sa taas. Nilock ko ang pinto tapos binuksan ko ang tv para manood ng mga bagong palabas. Sa totoo lang, wala naman akong hilig sa mga ganito, wala lang talaga akong magawa.
Nakaupo ako at nakasandal ang likod ko sa headboard ng kama. Stitch ang pinapanood ko. Buti na lang pala at mero'ng access ng wifi rito saka makakapanood ako. Mga isang oras na rin naman ang nakakalipas, maayos na sana akong nanonood, patapos na e.
"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." Sabi ni Kayden, narinig ko lang ang boses niya, hindi man lang siya kumatok, basta na lang siyang nagsalita.
"Sa'n?"
"Our classmates go to the other island, we'll go to them."
"Sandok."
"Okay. if you want to stay there, go ahead, I'll go now."
"Hoy, biro lang. Sige, magbibihis na 'ko!"
Para kaming mga tanga na nagsisigawan, siya nasa labas ng pinto tapos ako nasa loob ng kwarto. Pwede namang pagbuksan pero wala akong tiwala sa kaniya. Niligpit ko ang pinagkainan ko tsaka pumunta ng banyo para maligo.
Floral dress lang ang sinuot ko. Binili 'to ni mommy sa 'kin pero hindi ko sinusuot. Ngayon pa lang, buti nga kasya pa sa 'kin e. Off-shoulder 'yon. Nagtsinelas na lang ako para mas maganda sa paa. Hindi maalinsangan.
Dinala ko 'yong mga kinain ko, hindi ko man lang nakalahati. Hindi ko na lang dinala ang cellphone at wallet ko, wala naman akong bulsa at isa pa, imposible namang may tindahan sa mga isla.
Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si Kayden. Paakyat naman siya. Nakaputi siyang long sleeves, nakabukas pa ang dalawang butones no'n. Blue na shorts naman ang suot niyang pang-ibaba.
Tinignan niya ang kabuuan ko tsaka niya ako inismira. Bigla niya akong sinagi kaya naman muntikan na 'kong mahulog ng hagdan.
"Napakasama ng ugali..." Bulong ko atsaka nilagay sa kusina ang mga dala ko
"Let's go." Aniya matapos ang ilang sandali.
Tumango ako tsaka ko siya sinundan. May tinawag siyang tao. Si Mang Elong pala 'yon at binilin sa kaniya ang bahay, magbantay muna raw siya kahit saglit lang. Pumayag naman ang matanda.
Hindi naman namin mailock dahin wala kaming susi. Hindi namin alam kung mero'n ba si Elijah ng susi nito, basta niya na lang kasing binuksan nung unang araw na dumating kami rito.
"D-d'yan tayo sasakay?" Kabadong tanong ko sa kaniya ng makalapit kami sa mga jet ski.
"Bakit? Are you scared?" Pang-aasar niya sa 'kin.
"Ha? Ako? Ako, takot? Hindi ah!" Pagtutol ko sa kaniya.
Sumakay siya sa isang jet ski. "Hop in!" Utos niya, ayaw humakbang ng mga paa ko.
Sa totoo lang, takot pa rin ako dahil sa nangyari no'ng isang araw. Naaalala ko pa rin 'yun. Ni ayaw ko na ngang tignan ang mga jet ski dahil kapag nakikita ko ang mga 'yon, parang nakikita ko rin ang sarili ko na nalulunod.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Подростковая литератураPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 180
Начните с самого начала
