"Naninigurado lang."

"Tsk."

"Bakit ba ayaw mong tikman? Kanina bang niluluto mo 'yan hindi mo man lang tinantya ang lasa?"

"No..."

"Ay gago-!"

"You say it's forbidden to swear in front of the table?!"

"Oo nga, hindi ko lang napigilan ang sarili ko, ikaw kasi ih..."

"Inaano nananaman kita? Look, I have not forgiven you for making me spit water in my face."

"Hindi ko naman hinihingi ang kapatawaran mo."

"Tsk. You freek!"

"Mama mo."

"Heira..." Nakakapangilabot na tawag niya sa 'kin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Sumandal siya sa upuan tsaka pinagkrus ang mga braso. Ang talim ng titig niya, 'wag kang papagitna kung ayaw mong mabutas. Pinagtaasan ko siya ng mga kilay saka ngumisi.

"Nothing. Let's eat." Bumuntong hininga pa siya.

'Yon na talaga 'yon?

"Mauna ka ng tikman ang niluto mo. Ikaw naman ang nagtimpla niyan e." Nakangiting sabi ko sa kaniya, 'yung ngiting abot hanggang sa tenga para lang kumbinsihin siya. Ngiting peke.

Napa-yes ako ng kinuha niya ang kutsara at tinikman ang luto niya. 'Yung totoo lang, gusto ko na talagang
tikman 'yon. Kapag pasado, edi ubusin. Char.

Nakatingin lang ako sa kaniya, parehas kaming mga nakayuko, siya dahil tinitikman niya 'yung sabaw tapos ako, pinapanood ko ang reaction niya. Napangiti ako ng tumango-tango siya sa 'kin.

"Ano? Masarap?" Tanong ko.

"Pwede na." Sagot niya.

Ako naman ang kumuha ng kutsara tsaka ko tinikman 'yon. Ang dami ko pa namang kinuha, excited pa naman ako sa magiging lasa, masaya pa sana ako dahil sa sinabi niyang 'pwede na.'

Naibuga ko sa mukha niya ang sabaw na kinain ko, saktong nadikit pa lang ang sabaw sa dila ko para na akong papatayin. Sobrang alat no'n na may pagkaasim. King ina, papatayin ata ako nitong Kulapo na 'to.

"Gago, bakit gano'n ang lasa?!" Inis na sabi ko tsaka tumayo at nagmumog sa sink. Nadikit na ata sa dila ko, ayaw matanggal. Ilang beses pa akong dumura. Lason 'to, lason.

Pinunasan ko ang bibig ko tsaka uminom ng juice, baka mapalitan na ang lasa kapag ginawa ko 'yun. Bumalik ako sa hapag kainan at wala sa sariling kinaltukan si Kulapo na ngayon ay tatawa-tawa pa.

"Mautot ka sana dahil sa pagpigil mo sa tawa mo, bwisit ka!"

"So... how's the taste of my specialty?"

"Specialty mo 'yang mukha mo! Sisirain mo ba ang bato ko?"

"Hindi ka naman si Darna."

"Kinakausap kita ng matino!"

"Ako rin naman. I'm not joking around."

"Ubusin mo 'yang soup mo! 'Wag mo ng ibigay sa iba baka bigla na lang bumulagta sa sahig at bumula ang kanilang bibig!"

"No. Thanks, I'm full."

"Edi ikaw na ang busog." Sabi ko na lang sa kaniya tsaka kumain. Buti na lang at maayos naman ang lasa nung mga iba pang pagkain.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now