"Aray!" Daing niya, tumingin ako sa kamay niya. Napahawak ko pala sa kaniya 'yung parte ng tsanse na panghalo mismo, hindi 'yung hawakan.
"Ay... pasensya na- Aaaah! ayaw ko na rito!" Sigaw ko tsaka pumunta sa likod niya.
Siya na lang po ang paltusan niyo, 'wag ako.
"God damn it." Aniya. "Umalis ka nga riyan!" Dagdag niya at ginalaw-galaw niya ang likod niya, tinataboy ako.
"Ayaw 'ko! 'Yung mantika tumatalsik, tignan mo- waaaah! D'yan ka lang!" Sigaw ko sa kawali.
Nangangamoy nasusunog na. Hindi naman ako makalapit dahil natatakot ako. Pwede bang sipain na lang ang kawali para tumahimik na? Binitawan ko ang laylayan ng damit ni Kayden.
Lumapit siya sa may kawali at pinatay ang apoy no'n. Pinanood ko lang siya na isalin ang tocino sa may mangkok, buti naman at hindi masyadong nangitim 'yon, baka hindi na namin makain.
"Next time, I won't let you help me in the kitchen. Sa mantikang tumatalsik takot ka pero sa suntok ng iba, hindi?" Sarkastikong sabi niya tsaka tumalikod na.
Sumimangot ako, inambahan ko siya ng batok pero naibaba ko rin ang kamay ko ng lumingon siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. Nakita niya ba 'yun?
Nginuso niya ang lamesa at sinabing umupo na lang ako ro'n at hintaying maluto ang ulam. Tiis-tiis muna sa ngayon, kasama natin ang dragon. Umupo lang ako st dumukmo.
Nakakapanibago rin pala na nandito kami tapos hindi namin ang mga hudlong. Walang maingay, walang nang-aasar, walang mga nag-aaway. Walang nagluluto ng masarap.
Nakaidlip na pala ako ng hindi ko namamalayan. Nagising lang ako dahil sa pag-alog sa 'kin ni Kayden, amoy ko na rin ang sabaw na niluto niya. Umayos ako ng upo dahil inaabutan niya na pala ako ng plato.
"Ilang minuto lang akong nagluto, nakatulog ka na."
"Hindi ko rin alam e. Ano pala 'yung niluto mo kanina?"
"Soup."
"Oo nga, alam ko."
"Alam mo naman pala e. Why are you still asking?"
Talaga naman. Magtimpi ka, Heira. Saglit lang 'yan, wala lang isang araw na kasama mo 'yan. Hinga ng malalim, inhale-exhale. 'Wag kang mapipikon sa kaniya kahit ngayon lang, baka magkaro'n bigla ng world war iii.
"Ang ibig kong sabihin... ano ang pangalan nung soup."
"I don't know."
"You don't know pero niluto mo. Anong klase kang cook niyan?"
"Shut up. Nakita ko lang 'yan sa youtube, I didn't read the title so I don't know as long as I did what the person in the video was doing."
"Ah..." Tumango na lang ako tsaka kumuha nung tocino at kanin.
May sabaw sa harapan namin pero hindi namin ginagalaw. Wala rin naman akong balak tikman 'yon, maganda naman ang kulay pero baka nilalason lang ako nitong lalaking 'to.
"Taste that first." Utos niya at tinuro ang soup.
"Hala, bakit naman ako? Ikaw ang nagluto niyan e. Mauna ka na, sige. Sabihin mo na lang kung ayos lang ang lasa."
"Hindi na. Ikaw na ang mauna, alam ko naman na hinintay mo 'yang maluto."
"Bakit hindi ikaw? Siguro may lason 'yan 'no?!"
"What the fuck-!"
"Wag kang magmura sa harap ng pagkainan!"
"I mean... ugh! Why whould I'll add poison on that soup?" Inis na tanong niya.
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Roman pour AdolescentsPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 180
Depuis le début
