Anong oras na pero hindi pa rin ako nag-aalmusal. Kapag talaga nakita ko sila, isa-isa ko silang babatukan. Bakit nila ako iniwang mag-isa sa bahay at sa'n ba sila nagpunta ng ganito kaaga?

Sinasama naman nila ako kapag umaalis sila, kahit na natutulog pa ako at paalis na sila, gigising pa rin nila ako. Umuwi na ba sila? Patay! Hindi ko alam ang ruta pauwi sa Maynila.

Umupo ako saglit dahil sa hilo. Dalawang oras na ata ako naghahanap. Baka naman nalunod na ang mga 'yon. Nailing ako agad. Ano ba 'tong mga sinasabi ko, hindi naman pwedeng mangyari 'yon.

Buti na lang pala at nadala ko ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni Eiya. Tatlong beses kong sinubukan 'yon pero nagriring lang at walang sumasagot.

"Nasa'n na ba kayo?" Bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang noo ko.

'Yung number naman ni Trina ang sinubukan kong tawagan. 'The person you have called is unavailable right now'

Anak ng... bakit ba lahat ng mga cellphone nila nakapatay? 'Yung kay Kio! Oo, tama ako, 'yung sa kaniya, sigurado naman akong sasagutin niya 'yon.

Calling Kio...

Wala pang tatlong ring sinagot niya na. Hay, buti naman talaga. Huminga ako ng malalim at pumikit. Umiikot na ata ang paningin ko. Bwisit.

"Hello..." Bungad ko.

["Why?"]

"Nasa'n kayo? Kasama mo ba 'yung iba?"

["Huh? 'Diba magkasama lang tayo?"]

Eh?

"Anong magkasama? Wala nga kayo sa bahay e."

["Oo nga. Umalis tayo 'diba? Pinaglololoko mo ata ako e!"]

Umalis?

"Hindi kita pinaglololoko, nandito pa rin ako sa resort at hindi ko kayo kasama!"

["The fuck... nasa'n ka nananaman?"]

"Ako nga ang nagtatanong sayo niyan?" Inis na sabi ko sa kaniya.

["Nasa isang isla kami. Island hopping."]

"Island hopping?!"

["Yes... wait don't tell me you don't know?"]

"Hindi ko naman talaga alam! Naiwan ako ritong mag-isa!"

["Patay! Bakit hindi mo ako tinawagan kaagad? Hanggang mamaya kami rito dahil pupunta pa kami sa iba pang mga island."]

"Kio naman ih..." Nawawalan na ako ng pag-asa. Anong gagawin ko rito sa resort na 'to maghapon? Bakit ba kasi hindi kaagad ako nagising e!

["I can't do anything about it"]

"Kio—!"

*Toot* *Toot* *Toot* *Toot* *Toot*

"Punyeta pinatayan ako... anong gagawin ko nito?"

Tinawagan ko ulit siya pero unavailable na ang linya niya. Nakapatay din ang mga cellphone nung mga hudlong. Bakit naman nakapatay ang mga 'yon? Bakit pa sila nagdala ng cellphone kung hindi rin naman nila ako sasagutin!

Bagsak balikat akong naglakad pabalik sa rest house ni Elijah. Alangang manood lang ako ng tv maghapon? Hindi naman ako marunong magluto, anong kakainin ko? Tsaka natatakot din akong mag-isa ro'n kahit na tirik ang araw.

Nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Nakasimangot akong pumasok ng bahay at umupo sa sofa. Napapapadyak na lang ako. Bakit nila ako iniwan dito? Hindi ba nila ako kaibigan? Ang sakit nila sa panga.
Huminga ako ng malalim.

"Wala namang namang mangyayari rito kung hihiga lang ako!" Pagpapalakas ko sa loob ko.

Tumayo ako tsaka pumunta ng kusina. May instant noodles naman siguro rito na pwedeng almusalanin 'no? Tumigin muna ako sa ref dahil baka mero'n pang ulam na natira mula kagabi.

Mas humaba ang nguso ko dahil wala na talagang natira. Cheese na lang na nakabukas tsaka gulay na hindi luto ang nando'n. Umakyat ako sa lababo para maghanap ng noodles sa mga kabinet.

Dahan-dahan lang ang paghakbang ko at kapit na kapit ako sa mga hawakan, baka mahulog ako—.

"Aaaaah!" Sigaw ko nung aksidenteng matapakan ko ang basang parte ng sink, nakuha ko na sana 'yung isang pack e!

Pinikit ko na lang ang mga mata ko sa pag-aakalang kakalabog ako sa sahig, hinintay kong buhagsak ako at sumakit ang likod ko pero hindi nangyari 'yon. May bisig na sumalo sa 'kin. Teka! Wala naman akong kasama rito kanina ah.

Baka magnanakaw na 'to o kaya naman baka isa sa mga kapit bahay namin na nanghihingi ng ulam o baka naman 'yung mga naglilinis dito sa bahay dahil akala nila umalis na ang mga tao.

Hayop naman oh!

Binuksan ko ang isa kong mata at sinipat kung sino 'yon. Agad akong tumayo ng makita kung sino 'yon. Ang lalaking dahilan kung bakit ako high blood kagabi.

"Anong ginagawa mo rito?!" Sabi ko tsaka lumayo sa Kulapo.

Mukhang bagong gising lang siya dahil gulo-gulo pa ang buhok niya at parang singkit pa siya. Nakapanjamas at fitted t-shirt pa siya. Iniwasan kong tignan ang bandang tyan niya. May abs pala siya— ay este, basta!

"Maybe to catch you?" Nakangising sagot niya tsaka niya ako tinulak, nakaharang pala ako sa ref.

"Makaharang naman 'to..." Parinig ko sa kaniya.

"I heard that."

"Syempre may tenga ka." Sarkastikong sabi ko, natakpan ko naman ang bibig ko ng tumawa siya na pandemonyo.

"One sarcastic answer one kiss..." Paalala niya, tumingin naman ako sa kisame. Wala naman akong narinig, wala akong sinabi.

"Ha? Anong sinasabi mo?" Patay malisyang sabi ko sa kaniya.

"I know the difference between a philosophical answer and a sarcastic answer and you already know what happens when your answer is sarcastic."

"Wala akong naririnig... blah blah blah blah." Sabi ko at tinakpan ang tenga ko. Nagulat ako ng hilahin niya ako, sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin, hawak niya ang bewang ko.

"Remember that, we are here together... alone."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora