Chapter 179

Mulai dari awal
                                        

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

"La la la la la, wala akong naririnig. Blah blah blah blah, wala akong naririnig." Paulit-ulit na chant ko, nakatulong naman 'yon dahil nakatulog ako pagkatapos ng ilang minuto.

-

Alas otso na ng magising ako. Palagi na lang akong nahuhuling magising sa mga babaita, ni hindi man lang talaga nila ako ginising para makasabay sa kanil. Tapos tunog ng tunog ang cellphone ko.

Umupo ako sa kama tsaka tinignan 'yon. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil nag-iingay nananaman ang nga hudlong sa ginawa nilang gc. Nagsesendan sila ng mga pictures nila na nakuhanan kahapon.

Vance: Ang gwapo ng nakuhanan ko shet! Ang gwapo ko rito;

Aiden: D'yan ka lang gwapo.

Kenji: Sa picture lang 'yan, sa personal, ewn😆😆😆😔

Xavier: 'Dre, pinagtutulungan ka nila.

Alzhane: You also have a picture of you on my cellphone.

Trina: Ako ang nanguha no'n, mare. Wala ng space ang cellphone ko e, kaya 'yon ang ginamit ko.

Alzhane: No worries ^-^

Elijah: I have Vance's wacky faces, do you want to see it, Trina?

Asher: Patay kang bata ka.

Chadley: 'Wag mo na, Eli. Baka maturn-off si Trina.

Vance: Mga ulowl!

Heira: Good morning.
Ginising niyo 'ko.

Pagkatapos kong isend 'yon ay tumayo na ako tsaka nagpunta na ng banyo. Naghilamos lang ako at nagsipilyo ng ngipin. Bumaba na rin naman ako no'n.

Dapat, pagkalabas ko palang ng kwarto, naririnig ko na ang ingayan nila, bakit parang tulog pa ang lahat? Ang tahimik ngayon. Ah, baka nasa kusina o kaya naman nasa labas sila. Bumaba ako tsaka pumunta sa kusina.

"Teka... nasa'n ang mga 'yon?" Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko 'yong ilalim ng lamesa dahil baka nagtatago lang sila. Napakamot ako ng ulo. Wala naman sila e. Sinubukan ko rin silang hanapin sa mga kabinet, kaya ba nilang umakyat at magtago rito?

"Wala rin... sa'n nagpunta ang mga kumag na 'yon?"

Pumunta ako sa mga kwarto nila pero wala rin. Sa ilalim ng kama at mga sofa, nagsususuot pa 'ko, naka napagkasya nila ang sarili nila ro'n. Pati nga sa sink tinignan ko sila. Anak ng tupa., anong ganap nananaman 'to? Tagu-taguan gano'n?

Lumabas ako, tinitignan ko sila kung nando'n lang sila at lumalangoy. Nagtanong na 'ko sa mga taong nakikita ko, para akong naghahanap ng mga nawawalang bata sa ginagawa  ko.

"Nakita niyo po ba 'to?" Tanong ko sa babae, pinakita ko ang litrato ni Kenji, siya lang naman ang may litrato sa cellphone ko e.

Umiling namam siya. "Hindi e. Kahapon nakita ko siya."

Ako rin.

"Sige salamat."

Umalis ako sa harapan niya at nagtanong-tanong pa. Nalibot ko na ata ang buong resort pero hindi ko nakita kahit pa hibla ng buhok nila. Ultimo sa hotel nagtanong ako, malay ko ba kung nagcheck-in sila dahil trip lang nila.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang