Nang mapagod ako, huminto rin naman ako sa tabing dagat. Malayo na ako sa kanila pero kita ko pa rin na nakatingin sila sa 'kin. Naiinis ako sa sarili ko ngayon, bakit ba kasi nagpapaapekto ako sa Kulapo na 'yon?
Tignan mo ang nangyari ngayon, nandito ako sa dalampasigan tapos mag-isang kumakain. Pisteng mga paa 'to, bigla na lang gumagalaw. Kumain na lang ako. Padabog ang mga pagsubo ko.
"Kung alam mo lang ngayon na naiinis ako sayo ng todong todo!" Inis na bulong ko sa sarili ko.
"...Ang tino ng araw ko tapos isang iglap napalitan na ng inis. Bwisit naman kasi..."
"...Una nagpaalila ako sa kaniya, pwede ko namang hindi gawin 'yong dare niya tutal tapos na rin naman 'yun, ano bang alam nila kung hindi ako tumupad sa usapan?"
Para akong tanggang kinakausap ang sarili habang nakatingin sa dagat. Kung may pupunta mang isda rito sa harapan ko para kausapin ako, edi mabuti, atleast may kausap ako.
"...Pangalawa, hinalikan niya ako sa kusina, wow naman! Porke ba may kulay ang labi ko ngayon, manghahalik na siya? Bakit sino ba siya?"
Dapat kasi talaga hindi ako naglalagay ng liptint e. Tutol na talaga ako sa plano ni Trina kanina, kung sanang tinanggal ko na kanina pa 'yung kulay na 'yon edi sana hindi na mangyayari 'to.
Hinayupak na liptint!
"...At ang huli... ito! Nabugahan ko lang naman siya dahil sa pagngisi niya, kamukha niya si Penny Wise e. Tapos hindi ko naman sinasadya na masipa ko siya, malay ko bang nando'n pala ang paa niya!"
Nakikita ko sa repleksyon ng dagat ang mukha ko. Nakakunot ang noo ko at hindi maipinta ang korte ng labi ko, nakangiwi na parang natatae na ewan. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na rin ako sa bahay.
Tinapon ko lang sa basurahan ang pinagkainan ko tapos pumasok ako ng kusina. Nakayuko lang ako dahil baka asarin nananaman nila ako. Kukuha na sana ako ng tubig sa ref ng may bumangga sa 'kin.
Isang araw na puno ng kamalasan.
"Ay sorry! Sorry! Bakit ba mukha kang sadako r'yan?" Tanong ni Alexis sa 'kin. May dala siyang malaking kaldero kaya siguro hindi niya ako nakita.
"Wala naman. Sige. Mauna na ako sa taas." Nagmadaling sabi ko.
Uminom na lang ako, panay ang pagsipat ko sa paligid dahil baka bigla nananamang sumulpot ang kulapo n 'yon, tapos may mangyayari nananamang kamalasan sa 'kin.
Umakyat na ako tsaka humiga sa kama. Ako lang mag-isa rito. Baka nagliligpit pa ang mga hudlong at mga babaita sa labas. Gusto kong tumulong sa kanila pero baka makita ko lang ang matigas na pagmumukha ni Kayden.
Huminga ako ng malalim. "Kakalimutan ko na ang nangyari magmula bukas. Period." Bulong ko sa sarili ko tsaka pumikit.
"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."
Anak ng... pati ba naman sa pagtulog maririnig ko ang mga 'yan? Ayaw niyo na ba talaga akong patahimikin? Kahit ngayon lang oh, kahit ngayon lang na patulog ako. Baka naman pati sa panaginip nando'n ang Kulapo na 'yon?!
Pumikit ako ulit.
"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."
Arrrrgggh! Punyeta naman! Kinuha ko ang unan sa gilid ko at tinakip sa tenga ko. Patahimikin niyo na ako! Gusto ko ng matulog, alas onse na ng gabi oh! Kapag ako nagka-eye bags bukas, gagawin kong lady bug ang Kulapo na 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 179
Start from the beginning
