Nakita ko ang sarili ko na nakatayo na, napatayo na pala ako dahil sa stress ko sa mga pesteng boses na 'yon, parang binubulungan ako ng demonyo. Gago kasi 'tong kulapo na 'to ih...
"Hell.. What did i do to you?" Natatawang tanong nitong lalaking 'to.
Nakaduro na pala sa kaniya ang hawak kong tinidor. Hindi man lang siya natakot na baka sasaksakin ko siya? Sabagay, wala namang kinakatakutan 'tong Kulapo na 'to.
Hindi siya takot sa kamatayan niya. Mahaba ang buhay ng masamang damo. Aissssh!
"Napa'no ka, Isha?" Tanong ni Eiya pero pinanatili ko ang paningin ko sa Kulapo.
Ang sarap niyang saksakin ng toothpick!
"Baka naman nanananigip ng gising." Bulong ni Kio.
Sige lang, kapatid ba talaga kitang putragis ka?
"Manahimik? Wala naman akong sinasabi ah." Maang-maanga pa 'tong isa na 'to.
Akala mo lang wala pero mero'n!
"Epekto na 'yan ng sobra sa kanin." Boses ni Xavier.
"Ikaw!" Turo ko sa kaniya, pinagtaasan niya naman ako ng kilay. Pasalamat ka makapal ang kilay mo, Kulapo, baka ahitin ko ng wala sa oras ang mga 'yan. "Aissssh!" Sabi ko na lang tsaka umupo ulit.
"Anong ganap 'yon?" Bulong ni Kio sa 'kin.
"Gusto mo ng sapak?" Pagbabanta ko sa kaniya.
"Yakie..."
"Bakit?!" Nagulat pa si Kenji ng biglang tumaas ang boses ko.
"Sinasapian ka nananaman!" Sabi niya tsaka pinitik ang ilong ko. "Kung sino man ang kaluluwa na nandiyan sa katawan ni Heira, lumabas ka na!" Nagritwal pa talaga siya at parang nagkakame-kame-wave.
"Bawas-bawasan mo muna ang pagkain ng marami. Nakakasama sa utak ang sobra sa taba." Parinig ni Timber.
Hindi ko sila pinansin. Kumain na lang ako. Ayaw ko na rito. Nakatingin silang lahat sa 'kin e! Bakit ba kasi hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na lang ako bigla? Pahamak ang mga paa ko na 'to e.
Napapadyak na lang ako dahil sa inis. Ilang beses ba ako mababadtrip ng ganito dahil sa kagagawan nitong Kulapo na 'to? Friends na raw kami pero tignan mo naman ang ginawa niya. Ayaw ko na lang sabihin, ayaw ko ng alalahanin.
Kakapadyak ko, mero'n akong nasipa ng wala sa oras. Tumingin ako sa mga katabi ko, parang hindi naman sila ang nasipa ko dahil magrereact naman ang mga mukha nila kung gano'n.
Dahan-dahan ang ginawa kong pagtingin kay Kayden. Uminom muna ako para paghandaan kung ano man ang itsura niya ngayon. Naibuga ko ng wala sa oras ang ininom ko sa mukha niya dahil... nakangising aso kasi siya.
Siya nga! Siya 'yung nasipa ko. Hindi ko naman sinasadya tsaka karma mo na 'yan, bwisit ka!
"What the fuck?" Inis na tanong niya tsaka niya pinunasan ang mukha niya gamit ang panyong binigay ni Hanna sa kaniya.
"You kicked me and now you have splashed water on my face?!"
"Hindi ko sinasadya!" Sigaw ko tsaka mabilis na naglakad papalayo. Syempre dinala ko 'yung pagkain ko, buti na lang puno pa ang plato ko ngayon.
Narinig ko pa ang pagtawag nila pero hindi ko na lang sila pinansin. Bahala sila. Wala na, sira na nga ang mood ko, sira pa ang pagkain ko. Ang sarap ng pagkain ngayon e. Bwisit ka, Kayden! Isinusumpa talaga kita kay Sadako!
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 179
Magsimula sa umpisa
