Pumalakpak sila kaya naman nakigaya na lang ako. Lumapit kami kina Trina at sama-sama naming pinanood ang mga paputok na nagsasayawan sa himpapawid. Hindi sinabi ni Vance na ganito pala kaganda ang mga 'to.
Mula noon pa, gustong-gusto ko ng nanonood ng mga paputok. Iba-iba kasi ang mga kulay no'n tapos may mga kaniya-kaniya pa silang mga disenyo. Kahit na maiingay ang mga 'yon, naiibsan nila ang lungkot sa paligid.
Naalala ko ang mga sinabi ni Katy Perry sa Firework.
“After a hurricane comes a rainbow...Maybe the reason why all the doors are closed so you could open one that leads you to the perfect road...Cause’ baby you’re a firework!”
- Katy Perry
Tama siya, siguro ang dahilan kung bakit nakasara ang lahat ng mga pintuan upang mabuksan mo ang isa na hahantong sa iyo sa perpektong kalsada. Kailangan nating buksan ang isa sa pinto ng puso natin para na rin maging masaya tayo.
Hindi kasi magiging mabuti sa 'tin kung nakasara ang puso natin para sa iba. Nagiging matigas at mapride tayo na nagiging sanhi kung bakit tayo nasasaktan.
"Yakie! Ang ganda!" Masayang sabi ni Kenji. "Picture-an mo dali!"
Tamo, inutusan pa 'ko.
"Oh, bakit ako? May cellphone ka naman."
"Ayan." Inabot niya sa 'kin ang cellphone niya. "Picture-an mo, ang ganda, woooh!" Tumalon-talon pa nga siya.
Anong magagawa ko? Hawak ko na ang cellphone niya e. Binuksan ko ang camera tsaka muling tumingala. Nakangiti akong kinuhanan ng litarato ang mga paputok.
"Congratulations!" Sigaw nung mga hudlong tsaka tumawa ng malakas, sumabay pa siya sa mga paputok.
Anak ng...
Nagkatinginan sina Trina ta Vance. Nagulat na lang kaming lahat ng hapitin siya ni Vance tsaka hinalikan. King ina. Natakpan ko kaagad ang mga mata ni Kenji bago pa siya makatingin.
"Hoy! PDA kayo ah!" Pangungutya ni Aiden.
"Binata na si Warren!" Pang-aasar naman ni Xavier.
Mga sampong minuto lang 'yon at bumitaw na sila. Nangkagulo na ang mga hudlong dahil sa ginawa niya. Nakahinga ako ng maluwang ng makitang tinakpan ni Alzhane ang mata ni Hanna.
"May kasama tayong mga bata! Ano ba!" Saway ko sa kaniya. Binelatan lang nila akong dalawa tsaka nag-appear-an pa. Ngumiwi ako.
'Yung magkaibigan pa nga lang sila nangungunsume na kami, paano pa kaya ngayong sila na? Siguradong pati kami namomroblema nito, anong klaseng pag-aaway pa kaya ang gagawin nila?
Ang mga hudlong, hindi nagpatalo, kumuha rin ng lamesa pero may dalawang metro siguro kina Vance. Tapos na 'yung pagpapakitang-gilaw ng mga fireworks. Gusto raw nilang kumain sa labas, ayan labas nga naman 'yan.
"Dapat do'n tayo sa loob, let's give them privacy." Sabi ni Alzhane.
"Hayaan mo, ayos lang 'yan sa kanila. Tignan mo naman sila oh." Tugon ni Xavier.
Tinignan namin 'yung dalawa na prente nang nakaupo sa mga upuan at tahimik na nag-uusap. May design pa ang mga kinakain nila, parang nasa restaurant talaga. May kandila pa ang lamesa nila at mga bulaklak.
Hindi ko inakalang mga lalaki ang nagdisenyo nitong set-up nito. Kahit simple lang 'yon, ang ganda pa rin.
"Heira, pakikuha muna 'yung mga plato sa loob. 'Yon na lang kasi ang kulang tapos kakain na tayo." Pakisuyo ni Jharylle.
"Ah... sige." Sagot ko.
Tumakbo ako papasok sa loob. Nasa labas sa silang lahat at naglalagay ng mga upuan na gagamitin namin. Nauna na ata 'yung mga ulam at kanin tapos hinuli ang plato. Ang galing naman talaga nila.
Ang tahimik dito sa loob kapag wala kang kasama. Papasok na sana ako ng kusina pero hindi ko inakalang may madadatnan ako rito. Bakit ba sa lahat ng lugar nagkakasabay kami nito.
"K-kukuha lang ang ako ng plato." Sabi ko kay Kayden. Nakatayo siya sa gilid ng sink at umiinom ng tubig, ang dilim ng titig niya sa 'kin.
Inaano ko nananaman ba siya?
Kumuha lang ako nung mga disposable na plato tutal nasa labas lang naman kami, para hindi na kami magliligpit ng marami mamaya. Nilagpasan ko siya pero hindi pa nga ako nakakahakbang palayo sa may ref ay hinawakan niya ang braso ko at hinapit pabalik.
Saktong pagkaharap ko sa kaniya ay tumama ang mga labi niya sa labi ko... 'yung puso ko tumatalon. Na-stiff na ata ako dahil kahit gusto ko man siyang itulak, hindi ko na magawa.
Ilang segundo rin 'yon nangyari bago kami bumitaw at naghabol ng hininga.
Parang namula ata ako ro'n. "H-hoy! Manyak!" Sigaw ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."
Ano raw?
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 178
Magsimula sa umpisa
