"Ayoko."

Unti-unting nawala ang mga ngiti niya sa mukha niya, tumahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Parang gusto na kaming daanan ng mga kuliglig.

"Ayokong tumanggi kasi yes na yes!" Bawi ko tsaka ko siya patakbong niyakap habang nakaluhod pa rin siya.

Tumayo na siya tsaka niya ako niyakap pabalik. Sino ba naman ako para tanggihan ang ganitong alok ng mahal ko sa 'kin 'diba? Mahal ko siya... mahal niya ako, 'yon ang mahalaga. Masaya ako dahil kami na... kami na nung lalaking pangarap ko lang 4 years ago.

Nanghihinayang din ako sa pagkakaibigan naming dalawa. Kaming dalawa ang naging malapit sa isa't isa higit sa iba. Mukha lanh kaming nag-aaway palagi pero ang totoo no'n ay magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Siguro... naging daan na rin ang paglipat namin sa Twenty-third Section para higit ko pa siyang maalala. Higit ko pa siyang magustuhan... at mahalin.

   ———————————————

HEIRA'S POV

Kanina pa kami nakatayo rito at pinapanood ang dalawa. Parang sa kanila ang mundo ngayon, hindi iniintindi ang nasa paligid nila. Masaya ako dahil nakikita ko sa mga mata nila na masaya silang dalawa.

"Lady Trina Ramirez... will you be my girlfriend?"

Nagiging lalaki na ngayon si Vance ah. Nasa'n na 'yung isip bata at maingay na Vance? Nasa'n na 'yung lalaking palaging nang-aasar sa 'min? Nasa'n na 'yung Vance na walang hiya-hiya sa iba. Bakit nasa harapan namin ang Vance na kinakabahan sa mga sinasabi niya?

"Sagutin mo na 'yan!"

"Sa wakas naman nasabi niya na, ang tagal niya ring kinimkim 'yan e!"

"Kung hindi pa pala tinawagan ni Trina si Valere hindi siya kikilos."

"Trina, 'wag ka kay Valere, bumubuga 'yon ng apoy, masusunog ka lang, mukha ka pa namang letchon."

"Naks, 'dre! Ayahaaay! Ang corny mo sa mga sinabi mo kanina, pahiram mo nga ako ng mga gano'n!"

'Yan ang pananaw na narinig ko sa mga hudlong. Tumawa lang ako, kanina pa kami nagpipigil ng tawa dahil nanibibago kami sa mga pinagsasasabi ni Vance tapos si Trina iyak ng iyak, akala mo naman inaaalok na ng kasal.

"Ayoko."

Walang emosyon si Trina ng sabihin niya 'yon. Ibig sabihin no'n tinatanggihan niya si Vance? Pero, ang sabi ni Eiya sa 'kin, gusto ni Trina 'yung Vance na 'yun. Sinabi niya 'yon kanina kaya naman mataas ang komyansa namin na o-oo siya.

Natahimik kaming lahat. Nakita namin ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Vance. Umawang ang labi ko at kumurap-kurap, talaga bang... si Valere na ang gusto niya? Anong nangyari bigla?

"Ayokong tumanggi kasi yes na yes!"

Parang gusto ko na lang umakyat sa puno at kumuha ng buko para ipukpok sa ulo ni Trina. Grabe, pinakaba niya kami ro'n ah. Kung alam niya lang na pinigilan namin ang mga paghinga namin kanina.

Magkayakap sila ngayon. Nagbubulungan lang silang dalawa. Naging parang clown na si Trina dahil kumalat na ang make up niya sa pisngi. Kumuha nga siya ng tissue kanina, hindi niya naman ginamit, hinawakan niya lang.

"I love you too!"

'Yon ang narinig namin na sinabi ni Trina, sunod-sunod na pumutok ang mga fireworks sa ere. Ang gaganda ng mga 'yon at talagang sinakop ng mga 'yon ang lugar na 'to na nagbigay ng liwanag sa paligid.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Место, где живут истории. Откройте их для себя