Lumuhod ako sa harapan ni Trina. Natakpan niya naman ang bibig niya dahil bigla siyang humagulgol, tss, kahit kailan talaga. Pati pag-iyak niya ang lakas. I cleared my throat before saying a word.
"Trina ... do you know that in our daily fights, I suddenly fell in love with you. I really don't know what you did to me to make me like you. When you don't fight me or yell at me and hit me... it's like my day isn't complete... " Paunang sabi ko sa kaniya.
"Vance..." Sabi niya sa 'kin at parang hindi pa makapaniwala sa mga ginagawa at sinasabi ko ngayon.
Hindi naman 'to panaginip, Trina. You're not dreaming, this is all true. I can't lie to you. Tumawa ako dahil para siyang batang inagawan ng chocolates sa pag-iyak niya.
"Parang aso't pusa tayo na hindi pwedeng pagsamahin sa iisang lugar dahil siguradong may mangyayaring away. Ako 'yong aso at ikaw 'yung pusa... Cat that got and stole my heart."
"Meow..." She answered. Narinig ko ang pagtawa ng mga kasama namin. She never failed to make me laugh at any time.
"Thankfully, nasasabi ko sayo kung ano ako at kung ano ang nararamdaman ko sa iyo, at alam ko rin at kung ano ang nararamdaman ko kung wala ka. It will be in my best interest to do... kung ano ang tama para sa akin, and that is to spend my forever with you." Nagiging emosyonal na rin ako.
Ano ba 'yan, Vance, nababakla ka na. ang dami mong sinasabi e. Hindi pa naman kasal ang inaalok mo, 'wag kang iiyak, baka ayawan ka ni Trina. Huminga ako ng malalim. 'Yon ang mga salitang gusto kong iparating sa kaniya. Kung nararamdaman niya man ang nararamdaman ko, masaya ako.
Lady Trina... I won't let you to fall in love with him. You're mine.
———————————————
TRINA'S POV
Tulungan niyo ko. Hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa ni Vance ngayon. Hindi ko na alam kung saan ko pa ba ilalagay ang saya sa katawan ko. Kinikilig ako at naiiyak.
Nakaluhod siya sa harapan ko at may hawak na maliit na kahon. Aalukin niya ba ako ng kasal? Hindi pa ako handa para ro'n, hindi pa ako gumaraduate, baka patayin ako ni mama kapag nag-asawa ako ng maaga.
"Thankfully, nasasabi ko sayo kung ano ako at kung ano ang nararamdaman ko sa iyo, at alam ko rin at kung ano ang nararamdaman ko kung wala ka. It will be in my best interest to do... kung ano ang tama para sa akin, and that is to spend my forever with you."
Lumapit sa 'kin si Alzhane at inabutan ako ng tissue. Hindi ko ata kaya pang sumagot sa kaniya dahil may kung ano ang bumabara sa lalamunan ko ngayon. Sayang ang make-up na nilagay ni Alzhane, nasali na sa mga luha ko.
Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon dahil sa pag-iyak ko. Kalat na ba sa buong mata ko ang mascara, may trace na ba sa mukha ko dahil sa mga luha? 'Yung liptint ko nandito pa ba? O baka naman nakain ko na dahil kanina pa 'ko lunok ng lunok dito?
"Trina... mahal kita."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay naghiyawan ang lahat ng mga kasama namin. Kitang-kita ko na masaya talaga sila para sa 'min nitong mukhang paa na Vance na 'to. Pati tuloy ang puso ko lumulundag, baka lumabas na 'to ng ribcage ko at takasan ako.
Dahan-dahang binuksan ni Vance ang box. Nahugot ko naman ang paghinga ko ng makita ko ang laman no'n. Isang kwintas na may pendant, ang design no'n ay parang puso siya na pinana ni Kupido, kulay pink 'yon.
"Lady Trina Ramirez... will you be my girlfriend?"
Girlfriend... kumalabog ng husto ang puso ko. Tama ba ang narinig ko? Inaalok niya akong maging girlfriend niya? Dati pinapangarap ko lang 'to pero... heto na oh, nasa harapan ko na. Anong isasagot ko?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 178
Start from the beginning
