["Huh?"]
"I know kung hindi mo pa masasagot 'yan... I just want to say that Trina likes you."
["Huh?"]
"King inang 'to, puro huh na lang ang naging sagot." Bulong si Yakie kay Kenji, natawa ako pero hindi pa rin nawawala ang inis ko.
Bakit iba?!
"I dare her to call the boy or should I say... the man she likes and she called you. Now you know." Sabi ni Alzhane.
["Ah... She said that she likes me? Tama ba?"] Narinig pa namin ang makapanindig balahibong pagtawa niya.
"Hindi lang 'to aning sa kaka-huh? niya, bingi rin pala." Sabi naman ni Eiya ng nakangiwi.
"Yes! I'm happy that my friend is happy because he likes you, I hope you like him back, he will be happier with that."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Naiinis na nababadtrip. Parang malulukot na ang latang hawak ko. I'm jealous! Damn this feeling!
"Tama na 'yan, ayos na..." Bulong ni Yakie. Kanina niya pa ako sinusulyapan. Tumayo ako, gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Lumayo na lang ako sa kanila, humarap ako sa bonfire. Bahala kayong kausapin 'yan.
["Don't worry, I like her too..."]
Napasinghap kaming lahat dahil sa naisagot nung lalaki. Nagngitngit ang mga ngipin ko at umigting ang panga ko. Kaya ba siya ang tinawagan ni Trina kasi gusto nila ang isa't isa? Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko iyon.
"Really?! Then I am glad to hear that! I know that Trina is happy right now!" Masiglang sabi ni Alzhane. Sinubukan siyang patahimikin nung nga kaibigan niya pero hindi rin nila nagawa.
["Yes. I'm sure she's happy. I'm happy too, if he hears what I'm saying, Trina... I hope you're happy, take care, you'll pay for this, lovelots."]
Lovelots your foot.
"Hay, buti naman pinatay niya na ang tawag. Nakakatakot sumabat sa usapan niyo, baka marinig niya pa ang mga sasabihin namin." Sabi ni Aiden.
"Hindi mo nsman sinabing may gusto ka pala ah! Bakit hindi namin alam 'yon?" Parang kuya si Alexis na nanenermon ngayon.
"Last na. Ituloy na natin tapos nagkwentuhan na lang tayo!" Sigaw ni Lucas.
That night, sinabi ko sa sarili ko, kung hindi ko pa sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, baka tuluyan na siyang mawala sa 'kin. Wala namang mawawala kung umamin ako sa kaniya, kung ayaw niya man sa 'kin, ayos lang... ang mahalaga alam niya na gusto... mahal ko siya.
♫♪ Tell me that you love me, I will always be with you
Maybe this is lo lo lo lo lo lo lo love
Baby, this is lo lo lo lo lo lo lo love
Baby, this is love
Baby, this is lo lo lo lo lo lo lo love... ♫♪
This is the night I will tell her everything I want to say. This is the night when I will release the words I have long kept in my heart. I love her... and no one knows it.
Ibinaba ko ang gitara, kinuha ko ang isang box sa bulsa ko, habang ginagawa ko 'yon ay lumapit si Adriel tsaka inabot ang bugkos ng mga bulaklak. Nagulat pa si Trina pero kinuha niya rin naman 'yon. Shocked lang?
Kinindatan ako ni Adriel bago bumalik sa pwesto nila. Ngumiti ako. Isa pa sila e. I am lucky because they have become my friends, I can count on them in times of need. Hindi ka iiwan sa ere na mag-isa.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 178
Start from the beginning
