"Biro lang." Bawi ko tsaka tumawa ng malakas.

"Hindi maganda ang biro mo." Hala patay, napikon ata, sumama bigla ang mukha.

"Oh? Dalian mo na kasi, ang dami mo namang pasikot-sikot e!"

"Pagkatapos niyong magpalit ng damit, ilabas niyo muna si Trina tapos ilakad niyo siya sa banda ro'n."

"Saan?" Tumingin ako sa lugar na nginunguso niya.

"Basta 'yung malayo sa bahay na 'to. Do'n sa harap na 'yon, do'n ako maglalagay ng lamesa. Ayaw ko lang na makita niya ang gagawin namin para naman magulat siya mamaya." Kinindatan niya pa talaga ako.

"Sige. 'Yon lang ba ang gagawin namin?"

"Last na. Ayusan niyo siya, kahit light make up lang ayos na, gusto ko kasing maging memorable ang gabi na 'to para sa 'ming dalawa. 'Yon lang naman."

"Sige. Copy. Alam ko na." Sagot ko.

Tumango naman siya sa 'kin. Tumayo na ako at naglakad papunta sa bahay. Bago ako pumasok sa loob ay muli ko siyang nilingon at kinindatan. Nag-okay sign pa ako sa kaniya, nagningning naman ang mga mata niya.

Tuluyan akong pumasok sa kwarto namin, nando'n ang lahat at nag-uusap-usap tungkol sa mga nangyari kanina. Pumunta ako sa pwesto ko na para bang walang nangyari. Na para bang walang alam sa mga sinabi ni Vance.

Ligtas naman sa 'kin ang sikreto ni Vance pero hindi ko naman masasabi na hindi ako madudulas, nagiging madaldal pa naman ako kapag masaya ako. Iniwasan ko ang tumingin kay Trina.

Anak ng tinapa...

Ako ang kinakabahan sa gagawin ni Vance e. Pa'no kung tanggihan siya ni Trina? Pa'no kung si Valere talaga ang gusto niya? Pa'no kung hindi siya ang gusto ni Trina at takbuhan lang siya nito?

Agad naman akong umiling. Hindi. Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na 'yun, dapat think positive lang dahil sa magiging masaya silang pareho pagkatapos ng gabing 'to.

Hindi ko rin naman kasi maiwasan. Sanay sila sa isa't isa na palaging magkasama, na palaging nag-aaway na parang aso at pusa, sanay sila sa prensya ng bawat isa, pa'no kung hanggang magkaibigan lang talaga ang turingan ni Trina ro'n sa isa.

Kasi kapag nireject ni Trina ngayon si Vance, parang magkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila, syempre kaibigan namin silang pareho kaya naman pati kami maapektuhan. Mag-iiwasan silang dalawa tapos kaming lahat apektado. Parang titigil ang pag-ikot ng mundo.

Hayyyys! Ilang beses kong binatukan ang ulo ko. Halata naman kay Trina na gusto niya rin 'yung isa e. Bakit ko ba naiisip ang mga 'to? Epekto ata 'to ng pag-inom ko ng kapeng barako.

"Mauuna na akong maligo ha. Ang asim ko na! Bye mga girlaloose!" Paalam ni Trina tsaka pumasok sa banyo.

Nakuha ko naman 'yung pagkakataon na 'yon para kausapin ang mga babaita. Sinenyasan ko silang lumapit sa 'kin, ginawa naman nila 'yon. Sumampa sila sa kama at gumawa kami ng bilog.

May meeting kami ngayon. Silent meeting. Bumulong lang ako dahil sa hindi ko naririnig kumanta ngayon si Trina. Kadalasan kasi, kapag naliligo siya, nagcoconcert din siya no'n..

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now