Ang mga gago, tumingin nga sila sa 'kin, hindi naman nila ako tinulungan o kaya nilapitan man lang. Tinawanan pa talaga nila ako. Sinamaan pa nila ako ng tingin, hindi ata nila alam na nasa talampakan na ang puso ko.

"Mavi, sinasabi ko talaga sayo, kapag ako nakababa rito... sasapakin kita 360°!"

Unti-unting bumagal ang paggalaw ng swing. Nakahinga naman ako ng maluwang ng tigilan niya na ang pagtulak sa 'kin. Bumuga ako sa hangin. Parang nilipad na ng hangin ang kaluluwa ko.

Nang tumigil na ng tuluyan ang swing, hindi na ata ako makatayo ng maayos dahil sa halupaypay na ang katawan ko. Lumingon ako sa likod at mas nainis ako ng wala na si Mavi.

Ang gagong 'yun, tumakas na.

Ilang beses muna akong huminga ng malalim hanggang sa bumalik na ako sa huwisyo. Lumapit ako sa mga hudlong at isa-isang binatukan.

"King ina niyo, sabi ko naman sa inyo tulungan niyo 'ko pero tumawa pa kayo!" Panenermon ko.

"Aray ko naman!" Reklamo ni Vance. "Hindi naman ako kasama sa mga tumawa- aw!"

"Anong hindi kasama? E nangunguna ka pa nga kanina."

"Sorry naman. Nakakatawa kasi 'yung itsura mo kanina, para kang witch na nililipad- aray! Biro lang e!" Reklamo niya ng muli ko siyang binigyan ng kaltok.

Maggagabi na ng mang-aya silang bumalik sa resort. Alas sais na pala nun, hindi ko na namalayan ang oras. Ang dami rin naming pinamili, kaniya-kaniya kami ng mga bitbit.

Sabi nga nila, hindi mo na talaga namamalayan ang oras kapag nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. May nagawa nananaman ang Twenty-third Section na hindi nagagawa ng iba. Sama-samang namasyal at namili... ng hindi kasama ang pangalan ng B.U.A.

Mabilis lang kaming nakabalik, wala naman kasing traffic dito. Sabi pa nila, tutal daw last night na namin bukas, mag-ni-night swimming daw kami, 'yon daw kasi ang hindi pa namin nasususubukan.

Gusto ko mang tumutol wala naman akong magagawa, sang-ayon naman ang lahat e, sa baybayin lang naman kami, hindi naman sa malalim. Hindi naman siguro mauulit ang nangyari, kasama ko naman sila e.

Naiwan ako saglit sa labas dahil tumawag si mommy sa 'kin. Nangungumusta lang siya at tinanong kung ano ang ginawa namin maghapon, syempre ikinuwento ko lahat sa kaniya. Palagi naman siyang tumatawag kapag ganitong oras.

Sinabi ko sa kaniya na may pasalubong ako, gusto niya raw 'yung sampalok, sabi ko puno ng sampalok ang binili ko, ipapalipat ko sa Maynila. Tawa ako ng tawa ng sermunan niya ako, keyso wala raw talaga akong magawang tama.

Buti na lang pala at nakabili ako ng gano'n kanina, hindi ko kasi alam ang gusto nila kaya naman kahit ano na lang ang dinampot ko. Sabi niya, ipagluluto niya raw kami ng chicken pastel kapag nakauwi na kami.

Gusto ko na tuloy umuwi. Wow, parang nasa abroad lang ah.

Pinatay niya rin naman ang tawag ng sinabing mag-uumpisa na raw 'yung korean drama na pinapanood niya, mas mahalaga pa talaga 'yun kaysa sa 'kin 'no? Parang batang kinikilig, sus, mas maganda pa ro'n 'yung sofia the first e.

Akmang papasok na ako sa bahay ng hilahin ni Vance ang palapulsuan ko at dinala sa gilid kung saan walang makakakita sa 'min... hindi naman siguro maririnig ng iba kung ano man ang pag-uusapan namin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Ha?" 'Yung boses niya, parang nababalisa siya.

"Bakit mo 'ko dinala rito, nakakatakot dito ih!"

"Yakie..." Bilang lumamlam ang mga mata niya.

"Ano?"

"Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin 'to..."

"Ang alin nga?"

Umupo ako sa may duyan, nagkalat ang mga duyan dito ah. Asensado ata talaga ang mga may ari. Maggagabi na nga kaya medyo malamig na ang hangin na dumadampi sa balat ko.

Kiniskis ko ang mga palad ko sa mga balikat ko para maibsan ang lamig. Mukhang importante itong pag-uusapan namin dahil lumilinga-linga pa siya sa paligid at parang ayaw iparinig sa iba ang gusto niyang sabihin.

"Yakie..."

"Bakit nga? Puro ka Yakie r'yan e."

"May sasabihin ako."

"Ano naman 'yun? Dalian mo, nilalamig na 'ko rito."

"Gusto kong magpatulong sayo... sa inyo."

"Para sa'n este anong klaseng tulong ba?"

Baka naman kasi nagpapatulong siyang magbenta ng droga, hindi ko naman magagawa 'yun 'no, isaksak niya sa baga niya ang mga 'yun. Kahit na anong klaseng tulong pa 'yan basta legal.

Huminga muna siya ng malalim at inayos ang sarili niya. Pinasadahan niya ng palad ang buhok niya bago tumayo ng maayos. Hindi ata talaga niya alam ang sasabihin niya.

"I want to confess how I really feel to Trina."

Nanlaki ang mga mata ko. Ito na ba 'yun? Ito na ba 'yung hinihintay naming lahat? Akala ko kasi manhid itong isa e.

"Sige, sige. Ano 'yon?"

"I bought flowers and candles for my preparation."

"Oh, e anong gagawin ko? Ako ang magbubuga ng mga petals sa mga pagmumukha niyo?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya kaagad at nagseryoso, pinaliwanag niya sa 'kin ang lahat ng gagawin at ang lahat mg mga pinapagawa niya sa 'kin at sa mga babaita, um-oo naman ako dahil madali lang naman ang mga 'yon.

"Sige. Copy. Alam ko na." Sagot ko.

Ayusin mo ang pagtatapat ng nararamdaman mo, Vance. Baka maunahan ka pa ng iba kapag naging torpe ka pa.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now