"Can I have a bite?"

"Bili ka. Tsaka bawal 'yung kagat-kagat dito, dapat isang subuan. Ganito." Pinakita ko sa kaniya kung pa'no kumain no'n.

Anak mayaman ata 'to kaya naman pati pagkain ng fishball hindi magrunong, bite raw, ano ka, bampira? Binigay ko sa kaniya 'yung natira tutal busog na rin naman ako.

"Sige, subukan mo, dapat gano'n ah. Kung paano ko kinain dapat gano'n ka rin." Sabi ko.

Nag-aalangan pa siya na gawin 'yon pero ginaya niya rin naman ako. Tumawa kami parehas at nag-appear-an. Sabi ko sa kaniya gano'n ang tamang pagkain no'n, sagot niya naman 'I know, you just misunderstood my statement.'

Kakausapin na nga lang ako tapos mag-eenglish pa. Sabay kaming lumapit sa mga hudlong at sumali sa kalokohan nila. Napailing na lang kami dahil sa sinasakop ng bunganga nila ang buong lugar.

"Yakie, picture-an mo nga ako." Utos sa 'kin ni Kenji.

Ginawa ko naman 'yon, hinintay ko lang siya na gawin ang pose niya. Umakyat siya sa may monkey bars, nakaindian sit siya tsaka nagpogi sign, papahirapan talaga ako nitong batang singkit na 'to e. Ang init-init papatingalain niya ako.

Pinicturan ko na lang siya kahit na nasisilaw ako sa liwanag ng araw. Sumunod naman do'n siya sa may swing, sumakay siya... hindi nakaupo, nakatayo siya sa mismong swing.

Delikado pa talaga ang mga ginagawa niya. Kapag nahulog ka, hindi ko na kasalanan. Huling pinapicture niya 'yung nasa slide siya, pabaligtad pa siyang nagslide, una ulo. Hindi niya napigilan ang pagbaba niya kaya ayun...

Hulog una mukha.

"Ano? Masakit?" Natatawang tanong ko sa kaniya, sumimangot naman siya. "Ayan, tanga. Bakit ba kasi baligtad ang utak mong kumag ka?"

"Hehehe! Ang saya kaya, isa pa!"

Natampal ko naman ang sarili kong noo. Bahala siya. Umupo na lang ako sa swing at tinawag si Mavi para itulak ako. Buti naman at hindi 'yong cellphone ko ang ginamit niya.

"Yakie, ako naman ang itulak mo. Kanina ka pa e."

"Mamaya. Konti pa, parang nakaapat ka pa lang na tulak nagrereklamo ka na."

"Sabi ko nga."

Tinulak niya naman ako. Una mabagal lang 'yun hanggang sa pagbilis ng pabilis, pataas ng pataas. Anak ng gago. Humigpit ang hawak ko sa kadena ng swing. Nasa kaniya ang cellphone ni Kenji kaya safe 'yon sa mga kamay niya, hindi mahuhulog... ako lang.

"Aaaaah! Putangina ka, Mavi! Tigil na!" Sigaw ko sa kaniya, parang lumilipad kasi ako, konti na lang singtaas ko na 'yung puno. Wala na akong pakialam sa mg nakakarinig sa 'kin.

"Ayaw ko. Sabi mo itulak kita e kaya ngayon itutulak kita. Wish granted."

"Aaaaah! Tangina kang hinayupak ka! Kapag ako nakababa rito!" Sigaw ko, naiiwan ata sa ere ang puso ko dahil sa ginagawa niya.

"Hindi ko naman titigilan, kung gusto mo tumalon ka na lang." Tumawa pa siya.

"Sasapakin kita mamaya, tangina aaaaaah! Ayaw ko na!" Namumutla na ata ako, para akong nasa roller coaster nito.

"Paki ko? Hehehe, enjoy."

"Gago! Eiya heeeelp! Tulooong ibaba niyo 'ko rito!" Sigaw ko ulit.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now