"Hinay-hinay naman, baka mabulunan ka." Sabi nitong katabi ko.
Inabot ko sa kaniya 'yong baso at stick. Grabe, ang dami niya palang binili, naka-styro kasi ang mga 'yun, hindi pa ata nga namin nakakalahati 'yun e.
"Ang dami mo namang binili, sa tingin mo ba mauubos natin 'yan?"
"Sayo lang kulang pa 'to."
"King ina mo, pakyu!" Inis na sabi ko sa kaniya, tumawa naman siya.
Nakatunog ang mga hudlong, mukhang naamoy nila ang pagkain. Kinuha ko kaagad ang baso at sinalinan 'yon, hinayaan ko na lang na dumugin si Chadley, tutal hawak niya naman 'yung plastic.
"Hoy, pahingi!"
"Masiba! Nanarili kayong dalawa!"
"Pahingi nga ako nung suka!"
"Aray ko, 'yung paa ko, gago naaapakan mo."
"Akin 'yang egg ball na 'yan e! May sarili ka na ngang itlog, dalawa pa nga tapos kukunin mo pa 'yung akin!"
Nasa likod ako ng puno, nagtatago. Baka ako naman kasi ang dumugin nila kung makita nila ako. Buti na lang naging mabilis ang mga naging pagkilos ko, kundi pati ako hindi na makakain.
Tatawa-tawa ko silang pinanood, ang gugulo pala ng mga hudlong na 'to pagdating sa pagkain. Parang hindi kami kumain kanina ah, pare-pareho kaming mga gutom. Buti na lang binilhan ako nung Chadley ng pagkain.
"Won't you offer me what you eat?"
"Ay palakang inihaw!"
Tumingin ako sa likod ko. Kanina pa nila ako ginugulat ah, parang pinapalabas talaga nila ang kaluluwa ng katawan ko ngayon. Mga pinaglihi ba kayo sa mga kabute at bula?
'Yung tipong bigla na lang susulpot sa isang tabi tapos mawawala rin no'n pagkatapos niyong mag-usap. Ang gagaling ng mga hudlong na 'to e. Grabe talaga.
"Anong ginagawa mo r'yan?"
"You must be the one I'm asking you that question."
Humarap ako sa kaniya. Nakasandal ako sa puno habang nakatayo naman siya, at hindi mawawala ang mahiwagang kape na kahit na anong oras o panahon, kasama niya sa pagbangon.
"Ano 'yan? Kape nananaman? Nakakatulog ka pa ba?" Natatawang tanong ko sa niya.
"Yes. Kapeng barako, nakita ko lang kanina so... I bought it. Masarap. You want to try?"
Pinakita niya pa sa 'kin 'yon, napangiwi ako, sobrang itim no'n at parang purong-purong kape lang ang nilagay do'n, parang hindi man lang binigyan ng asukal o ano pa man 'yan.
Sa huli, tinikman ko rin naman 'yon. Konti lang naman ang nainom ko at inamnam. Sumama ang mukha ko. Ang pait ng lasa, matapang. Ngayon lang ako uminom nito, parang ayaw ko ng ulit subukan pa.
Parang kapag nakaubos ka ng isang tasa nito, magigising ang diwa mo buong maghapon. Jusme, Asher, pa'no mo naiinom ang ganito katapang na kape? Hindi pa ba sumasakit ang sikmura mo kakainom niyan?
"Is it tastes good?"
Umiling ako. "Hindi ko alam... ang tapang!" Reklamo ko at kumain, baka sakaling mawala ang tapang no'n at mapalitan ng lasang suka.
"I found it more different than the coffees I had drunk before."
"Syempre 'yon may gatas tapos 'yan parang nasa puno pa lang 'yung kape kinatas na e!" Komento ko. "Gusto mo?" Alok ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 176
Magsimula sa umpisa
