Kayden Ace Williams, isa kang animal, isa kang walang pusong animal. Sarap mong katayin at ihawin hanggang sa madulok ka na. Bwisit ka!
Hinagis ko sa kaniya 'yong keychain na nakita ko. Kanina pa kami nagbabatuhan, baka mamaya bato na talaga ang gagamitin namin. Nilagay namin sa parang lalagyan ang mga 'yon. Binilang kasi nung nagtitinda.
Si Alzhane ang nagbayad no'n, siya na rin ang nagdala. Sa bahay na lang daw namin pagpaparte-parehan. Huminto kami sa mismong park, umupo kami sa bench, masakit na rin ang mga paa ko dahil sa kanina pa kami lakad ng lakad dito.
"Picture tayo!" Pang-aaya ni Eiya.
Syempre hindi mawawala 'yun. Kanina niya pa gustong sabihin 'yon pero hindi lang siya makabuwelo, ngayon, may pagkakataon na siya. Hindi ko na lang siya pinansin tutal nando'n naman si Trina.
"Water?" Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Si Chadley 'yon.
Inabutan niya ako ng mineral na tubig, dalawa 'yon, hawakan ko muna raw saglit dahil may bibilhin pa siya. Tumango na lang ako tsaka uminom. Nakalahati ko nga dahil na rin siguro sa pagod.
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat... ang kabuuan ng lugar. Malayong-malayo 'to sa itsura ng nakagisnan kong lugar. Ang layo at ang laki pala ng diperensya ng syudad at probinsya.
Bumalik na rin si Chadley na may dalang isang plastic. Inabot niya sa 'kin 'yon at hingal na hingal na umupo sa tabi ko.
"Tubig?" Ako naman ang nang-alok sa kaniya. Dalawang kamay pa naman ang tinaas ko.
Nagulat ako ng kinuha niya 'yung boteng nainuman ko. Parang wala man lang siyang naramdamang kakaiba. Patay na. Hindi ba niya alam na sa 'kin 'yon? Hindi niya ba napansin na bawas na 'yon?
"Hoy, nainuman ko na 'yan."
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Is that so?"
Lumunok naman ako at ngumiwi. Baka hindi siya laway conscious kaya siya ganito. Binuksan ko ang plastic, kaagad namang nagkagulo ang mga bituka ko. May fishballs, kikiam at egg ball, mero'n ding mga chicken balls. Kailan ba ako huling kumain nito?
"Sa 'kin lahat ng 'to?"
"Oo. Kung gusto mo namang mamigay, bakit hindi?"
Ayaw ko nga.
May baso naman pala siyang hiningi, isa lang 'yun, talagang naghanda ang lalaking 'to ah. Tumuhog na lang ako at kumain, hindi naman ako napapansin ng mga hudlong dahil panay ang pacute nila sa camera.
"Give me some water." Bumagal ang pagnguya ko ng magsalita si Kulapo, nasa harap ko na pala siya.
Salo lang kami ni Chadley sa isang baso at isang stick, sinigurado ko munang wala siyang sakit, mahirap na baka mahawa pa ako. Kung hindi ba naman gago, isang baso lang ang hiningi.
"Oh." Inabot ko sa kaniya 'yung tubig na hindi pa nabubuksan.
"I want to drink this." Sabi niya, umawang ang labi ko ng ininuman niya rin 'yong bote na ininuman ko.
Pinanood ko lang siya. Bakit ba nagawa 'tong perpektong mukha na 'to? Pati paglunok niya... ang gwapo niya, alam mo 'yung pakiramdam na parang nagliliwanag siya. Napailing ako, ano ba 'tong mga iniisip ko na 'to?
Pagkatapos niyang uminom ay tinapon niya na lang basta-basta ang bote, sakto pa 'yun sa basurahan. Umalis na rin siya pagkatapos no'n. Anyare ro'n? Anong ganap 'yon?
Tinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. Sumubo na lang ako ng sumubo hanggang sa pumuno ang bibig ko. Tanggalin ko sa utak mo ang mukha ni Kayden, Heira. Hindi 'yan nakakabuti sayo.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 176
Start from the beginning
