Chapter 175

Mula dari awal
                                        

"Sino raw?" Tanong ko sa sinabi ni Shikainah.

"Teka, isipin ko lang saglit." Sabi niya.

Si Kenji na lang ang sumagot. "Yakie, pogi siya pero mas pogi ako. Matangkad ako pero mas matangkad siya, kasingtangkad niya siguro si Kayden tapos gano'n din 'yung katawan niya." Paglalarawan niya.

"Idagdag mo pa 'yung yummy fafabolz siya! Grabe! Parang anghel na mala-Adonis ang katawan!" Pagpapantasya ni Trina.

Ngumiwi ako. "Wala akong naintindihan sa sinabi mo, ano raw ba ang pangalan niya?" Tanong ko sa kanila, wala naman akong ideya sa mga sinasabi nila.

Sabi raw nila may naghahanap sa 'kin e wala naman akong kilala rito. Wala rin naman akong kaibigan o pamilya na dito nakatira. Nagkibit balikat ako, baka naman delivery lang 'yon tapos sa 'kin ipinangalan, gano'n kasi ang gawain ni Kio.

Mag-oorder tapos ang pangalan ko ang ibibigay niya kaya naman minsan nagtataka na lang ako dahil biglang may maghahanap sa 'kin ang masaklap pa no'n, ako mismong ang magbabayad.

Ni hindi man lang ibabalik ni Kio ang nagastos ko.

"Breeze ata ang pangalan." Sagot ni Hanna.

Tumawa naman si Eiya. "Ginawa mo naman siyang sabon."

"'Yun kasi ang narinig ko e. Breeze."

"Breeze... simoy ng hangin. Ang galing mo riyan, Hanna." Sabi naman ni Trina.

Binato ko sila ng unan, pinagtutulungan talaga nila ang bata. Baka naman malapit na ro'n 'yung pangalan nung tinutukoy nila. Breeze, may lakas ng sampong kamay.

"Braze." Lumingon kami kay Alzhane ng sabihin niya 'yun. "Brazen Cale Landon, iyon ang pangalan nung naghahanap sayo."

"Ha?"

"Oo, 'yon nga! Ang galing mo, Mareng Alzhane, tumpak ka! Memoryado mo talaga ang pangalan 'no?"

"No. It's not like that. Uh... basta 'yon kasi ang narinig ko."

"Brazen Cale Landon nga, kumpletong pangalan pa ang binigay sa 'min." Boses ni Eiya.

"Kailan niya naman ako hinahanap?"

"Kahapon, nung tulog ka, biglang may kumatok sa pinto... hindi rito, ro'n sa baba." Sagot ni Shikainah.

"Bakit naman kaya...?" Bulong ko sa sarili ko, ano nananaman kayang kailangan nung lalaking 'yon sa 'kin?

"Sino 'yon, Yakie? Kakilala mo ba?" Parang nanghihinalang tanong ni Kenji.

"Oo. Pero hindi ko 'yon kaibigan ah, basta na lang 'yun sumupot sa tabi ko tapos nagpakilala."

"Kailan mo naman nakilala 'yon? Bakit parang hindi ko naman nakita 'yon nung mga nakaraang araw." Si Eiya ang nagsalita.

Bumuga ako sa hangin. "Nung araw na tumakbo ako palabas, pumunta 'nun ako ro'n sa dulo, 'yung may puno ng mangga." Paunang paliwanag ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang