"...Alam mo, kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala, parang ang bait mo na!"
"...Tse! Hindi ako mabait. Gusto mo bang kurutin ko yang kilay mo?"
Sino kayo? Kaninong boses ang mga 'yon?
"...Sa'n naman tayo pupunta? Ang sakit na ng paa ko!"
"...Sa park. Ang ganda ro'n, sakay tayo sa swing."
"Sige, basta ikaw ang tagtulak ko."
"Pwede naman, itutulak kita hanggang sa umikot yung swing! Hahaha!"
"Gusto kita..."
"Ha?"
"Heira, ang sabi ko sayo, gusto kita."
"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"
"Kasi naramdaman ko. Basta alam ko na lang na gusto kita. Gustong gusto."
"Lee. Mali, magkaibigan tayo 'di ba? Sabi mo nga ay mag-bestfriends tayo. Hindi mo 'ko gusto, a-ano ka ba!"
"Pero... paro, Heira. Pa'no na 'to? Pa'no kung gusto na kita? Hindi dahil kaibigan lang kita?"
"Itigil mo na habang maaga pa..."
"...Ano bang sinasabi mo, Heira. Ang sabi nila, hindi mo naman mapipigilan ang naramdaman."
"Tigilan mo na lang kung hindi mo mapigilan. Bata pa tayo, tsaka a-ano... kaibigan kita ayaw kong masira yun."
"Ayos lang naman sa 'kin 'yon. Magkaibigan pa rin naman tayo, g-gusto ko lang t-talagang masabi ang feelings ko."
"Huh? Grade 8 pa lang tayo. Bawal pa tayong magkagusto."
"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"
"Wala lang, basta alam ko lang talaga."
"Heira..."
"Iwasan muna natin ang isa't isa, baka sanay lang tayo sa presensya ng bawat isa sa 'tin kasi nga lagi tayong magkasama."
Naibaba ko kaagad ang cellphone ko, pinatay ko 'yon at deretsong tumingin sa kisame.
Ano nananaman ba 'to? Talagang bang patuloy akong guguluhin ng magulo at misteryosong nakaraan ko? Nakaraan na hanggang ngayon nandito pa rin sa kasalukuyan? Nakaraan na dapat na nananatili lang sa nakaraan at hindi na pwedeng halungkatin pa.
Malalaman ko rin ang lahat...
-END OF FLASHBACK-
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa 'kin 'yun, siya ba 'yung lalaki? Sino naman 'yung babae? Bakit pati ako naguguluhan sa buhay ng iba? Hindi naman kami nagkakilala ni Chadley dati pa. Wala akong maalala.
Ngayong pumasok lang siya Twenty-third Section ay do'n ko lang siya nakilala. Ang isa pang nakonekta ko sa isip ko ay 'yung galit ni Eiya sa kaniya. Isa 'yong dahilan kung bakit naiisip ko na baka magkakilala nga kami.
Hindi sila nag-uusap dalawa. Kung mag-uusap man sila, galit sa kaniya si Eiya, nagsisigawan at puno ng tensyon, siya naman ay walang nagagawa kundi ang yumuko na lang talaga.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 175
Start from the beginning
