Hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko. Magkalapat ang mga kamay namin tapos ramdam ko talaga na malamig 'yon! Tapos malamig din 'yung side na kinatatayuan niya.
Ayaw ko na! Spongebob tulong!
Tinabig niya ang kamay ko na siya namang ikinagulat ko. Nakakagalaw ba 'yung mga multo? Ang ibig kong sabihin, nahahawakan pa ng mga multo 'yung mga tao? Hala! Baka naman level up na multo na 'to.
"Are you really staying here all night? Watching a show and eating chips? we can hear the tv upstairs, go back to your rooms now!"
Napaangat ako ng tingin dahil sa pagsigaw niya. Si Kayden pala 'yun, seryoso ang mukha niya tapos masama ang tingin niya sa 'ming dalawa ni Kenji. Napalunok naman ako.
May hawak siyang baso ng tubig, malamig 'yon, kaya pala malamig ang kamay niya. Jusme. Napagkamalan ko pang multo. Nakakabigla naman kasi siya, parang kabute na sumusulpot sa kung saan.
Hilig niya pa naman ang pasuspence. 'Yung tipong titignan niya muna ang kabuuan mo, kapag pinagpapawisan ka na ro'n pa lang siya magsasalita. Kinuha niya ang remote saka pinatat ang tv.
Nagkatinginan kami ni Kenji at parehong hindi alam ang gagawin. Anong gagawin ko? Sasagutin ko siya at sasabihing 'ayaw namin dahil hindi na kami makakatulog nito?'
"Go back to your rooms now!" Mas madiin na pagkakasabi niya. Parang tatay siya na nahuli ang anak na naglalaro pa rin sa kalaliman ng gabi.
Tumakbo kami kaagad ni Kenji, wala na kaming pakialam kung may makakarinig man sa mga yabag namin. Nakakatakot si Kayden, baka bugahan niya kami ng apoy. Naiwan tuloy 'yung mga kinakain namin sa baba.
"Ji... matulog na tayo ulit, baka mahuli ulit tayo nung halimaw." Bulong ko sa kaniya bago pumasok ng kwarto namin nung mga babaita.
Gaya ng ginawa namin kanina. Dahan-dahan lang ang mga paghakbang naming dalawa hanggang sa makarating kami sa kama. Nando'n na si Eiya at natutulog sa pwesto ko kanina, sa'n ba nakapwesto ang babaeng 'to kanina?
Gumapang na lang kami, pinagbawalan ko kaagad si Kenji dahil baka bigla na lang siyang tumalon at magising 'tong isa. Nakagitna si Kenji sa 'ming dalawa ni Eiya, nakakatawa nga dahil sa may mga unan pa sa tabi namin. Baka raw kung ano pang isipin nila.
Hindi ko alam kung paano ako pupwesto dahil hindi na talaga ako makatulog. Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Nag-vibrate ang cellphone kong nasa gilid kaya tinignan ko 'yon.
'Chadley Rios Valencia sent you a friend request'
Kumunot ang noo ko. Gising pa pala ang hudlong na 'to ah. Pinindot ko muna ang profile niya bago ko I-accept ang friend request niya. Wala siyang post ni isa pero may profile siya.
Bigla akong kinabahan ng pindutin ko 'yon. Dalawang bata... mga kaedad ni Kenji, parehong nakatalikod at nakatingala sa kalangitan. Sila... sila 'yung nakita ko noon sa panaginip ko.
"...Magkaibigan na tayo ah."
"...Sige ba, magkaibigan!"
Naaninag ko ang dalawang bata, isang babae at isang lalaki. Nakaupo sa ilalim ng isang puno habang naka-pinky promise.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 175
Start from the beginning
