"Ano pang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya bago nagkumot. Gusto ko na talagang matulog.
"Dito muna ako, matutulog hehehe." Tugon niya tsaka tumalikod.
Sinapo ko na lang ang noo ko, hinayaan ko na lang siya, mukha namang wala talaga siyang balak na iwan ako rito. Dumalikod din ako sa kaniya at humarap sa kabilang direksyon. Nakatulog na rin ako pagkapos ng isang sandali.
-
Nagising ako dahil sa nakaramdam ako ng gutom. Madilim na, hindi ko alam kung natutulog na ba ang lahat ng mga kasama namin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitignan ang oras. Patay, alas dyes na ng gabi. Pa'no ako bababa nito? Baka magising ang mga hudlong.
Dahan-dahan akong gumalaw at ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Pati ang pagtatanggal ko ng kumot ay mabagal din, hindi na nga ako humihinga dahil baka magising ko sila. Akmang hahakbang ako ng magsalita si Kenji.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya, tinututok ko sa kaniya ang flashlight ng cellphone ko.
Akala ko ba natutulog ang batang 'to?
Nang marinig ko na gumalaw 'yung iba ay pinatay ko kaagad ang ilaw. Bumulong na lang ako sa kaniya para hindi namin mabulabog ang iba.
"Sa baba. Kakain ako." Sabi ko sa kaniya.
"Sama ako." Tugon niya tsaka tumayo.
Para naman kaming mga magnanakaw sa dilim nito, nakatingkayad kami at nakasandal sa pader habang naglalakad. No'ng makalabas na kami ay saka ko binuksan ulit ang flashlight ng cellphone ko, mahirap na, baka mahulog pa kami sa hagdan.
Bumaba kami ng walang ginawang ilaw. Panay naman ang pagkalbit nitong isa dahil natatakot daw siya, baka raw may multo, siraulo 'to, ang liwanag kaya ng buwan, hindi pa naman nakasara 'yong mga kurtina.
Dali-dali kaming pumunta ng kusina, binuksan ko ang ilaw. Siguro naman hindi na mapapansin pa ng iba na nandito kami. Naghanap ako ng tirang ulam sa ref, samut-sari pa naman ang mga 'yon, buti na lang at hindi naubos ng hudlong 'to.
'Yung tatlong putahe na lang ang kinuha ko, konti na lang naman 'yon, kasya na sa 'min ni Kenji, mukhang hindi rin siya kumain dahil kung ano ang pwesto niya kaninang natulog kami, gano'n din ang pwesto niya nung magising ako.
Robot ata 'to e.
Binuksan ko ang microwave at ininit doon ang ulam. Kumuha ako ng baso tsaka nagsalin do'n ng chuckie, isang malaking chuckie 'yon tapos tatlo pa 'yon kaya naman hindi kami naubusan. Buti na lang at may kanin pa kaya naman nagsandok ako tsaka inilapag sa lamesa.
"Hindi ka rin kumain ng hapunan?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami.
"Hindi. Ang ganda ng panaginip ko, Yakie, kaya hindi na ako nalingat!" Pagmamayabang niya.
"Ano naman ang napanaginipan mo, aber?"
"Na... nakahiga raw ako sa isang malaking cookie!" Aniya.
Ilang araw ko na siyang hindi kumakain ng cookies. Wala naman kaming mabibilhan dito tapos hindi rin kami nakabili nung pumunta kami ng mall. Kaya pala tulo laway e. Takam na takam.
Ngumiwi ako. "Maganda nga." Sagot ko sa kaniya. "Hindi man lang nila tayo ginising para kumain."
"Hala! Ginising ka nila pero sabi mo 'fiive minutes pa' tapos bigla mong sinampal 'yung pisngi ni Adriel kasi ginigising ka niya."
Nalaglag naman ang panga ko. "Ginawa ko 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango naman siya. "E bakit mo alam?"
"Syempre nagising ako nun pero hindi ako tumayo hehehe."
"Dapat ikaw na lang ang nanggising sa 'kin!"
"Ayaw ko, baka ako pa 'yung masampal mo. Sayang ang kapogian ko."
Tinignan ko siya na parang nandidiri. Ang taas ng tingin nito sa sarili niya, palaging naisisingit 'yun ah. Parang natauhan naman ako ng maisip na nasampal ko si Adriel kanina, ayaw ko kasi 'yong ginigising ako.
Kaya nga si Kio kapag ginigising niya 'ko, hindi niya ako nilalapitan, kakatukin niya lang ako ng kakatukin, katok na walang katapusan. Katok na niyayanig ang buong bahay. Wala na akong magagawa no'n kundi ang tumayo.
Ayaw niyong paniwalaan ang 'five minutes pa' ko.
"Muntik ka na ngang buhusan ng malamig na tubig ni Kayden e, ang hirap mo raw gisingin, buti na lang pinigilan siya ni Kio." Dagdag niya pa.
Agad namang umusok ang ilong ko. 'Yong kulapo na 'yon! Talagang gagano'nin niya ako ha? Isaksak ko kaya sa baga niya 'yung malamig na tubig na ibubuhos niya sa 'kin? Humigpit ang hawak ko sa kutsara.
Kunwari pa niya akong tinulungan kanina, tapos hinatid niya pa ako sa kwarto namin para magpahinga tapos bubuhusan niya ako ng malalig ba tubig? Ano ako, si Elsa?
Yari ka sa 'kin bukas! Grr!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 174
Start from the beginning
