"...Mabuti naman kasi kapag hindi ka pa okay, baka masakal ko na lang 'yong kakambal mo. 'Diba! Wala naman saysay na sisihin siya dahil wala namang may gusto sa nangyari pero pinabayaan ka niya! Siya 'yong kasama mo pero hindi niya man lang napansin na nahulog ka pala!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hiningal siya. Kaming lahat naman ay nananahimik na lang habang pinapakinggan ang mga sermon niya. Umatras ata ang dila namin. Sa 'ming lahat, siya ang nagsisilbing nanay namin, palagi siyang nag-alala sa 'min kahit ilang minuto pa lang kaming nawawala.

Masaya ako dahil may ganito akong kaibigan.

"I'm sorry... We did nothing to save you, if I could just swim I would have done it... Kung may nararamdaman kang kakaiba, sabihin mo lang sa 'kin... sa amin." Halos pabulong na lang ang mga sinasabi ni Alzhane.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Wala kang kasalanan. Wala kayong kasalanan, kapabayaan ko 'to kaya naman 'wag niyong sisihin ang mga sarili niyo. Ayos lang talaga ako." Sabi ko sa kaniya.

"Kahit na! Dapat pala hinintay na lang namin kayo, dapat pala sumabay na lang kayo sa 'mi edi sana hindi nangyari ito." Ani Shikainah.

"Wala na tayong magagawa, nangyari na. Iwasan na lang natin na hindi na mauulit 'to dahil baka ipasara ko na 'tong resort nina Elijah kapag nagkataon!" Frustrated na sabi ni Trina, nahihilo na nga ako sa kaniya dahil sa pabalik-balik ang paglalakad niya sa harapan namin.

"Ate Heira... 'wag na uli tayong sumakay ng gano'n, ayaw ko na may mahulog pa sa 'tin ulit." Parang batang galit sa jet ski si Hanna.

Tumango ako sa kaniya. "Oo, hindi na talaga." Natatawang sabi ko. Ayaw ko ng malunod uli.

Tumingin ako rito sa katabi kong sumisinghot-singhot, parang may sipon. Nananahimik lang siya rito sa gilid.

"Napa'no ka?" Tanong ko sa kaniya.

Sininghot muna siya. "Wala. Yakie naman ih..." Aniya.

"Inaano nananaman kita?"

"Akala ko mamatay ka na kaya tignan mo! Namamaga ang mata ko, hindi na 'ko pogi niyan!" Sabi niya ng nakanguso.

Gago 'to ah. Ang lawak ng pag-iisip, sa sobrang lawak nasama pati kamatayan ko.

"Aba, bakit ako ang sinisisi mo? May sinabi ba akong umiyak ka?"

"Wala! Pero kasi... nakakatakot ka kanina, para kang sirena na mukhang syokoy."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sumusobra na 'yang bibig mo ah! Salpakan ko kaya ng bato?" Pagbabanta ko sa kaniya, tumawa naman 'yung mga babaita.

"Ayos ka lang 'diba, shishūta?" Tanong niya na pumupungay pa ang mga mata, parang asong kumukurap-kurap pa.

"Oo... ayos na. Natatakot ka lang na wala ng manlilibre sayo kapag nawala na ako—!"

"Yah!" Nagulat ako nung sumigaw 'yung mga babaita. Nananaway. "Wag ka ngang magsalita ng ganiyan, gusto mo ba, ako na lang ang papatay sayo?" Pagbabanta ni Trina.

Sumimangot lang ako. May kumatok sa pinto kaya nabaling doon ang atensiyon naming lahat. Nung hindi kami sumagot ay kumatok ulit siya. Si Vance pala 'yun.

"Lumabas na raw muna kayo, hayaan niyo raw munang makatulog si Syokoy este si Yakie." Sabi niya.

Um-oo naman 'yung mga babaita. Sinamaan muna nila ako ng tingin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Tumingin ako kay Kenji dahil parang wala siyang balak na lumabas. Ano, tatabihan niya ako hanggang sa mamaya?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Место, где живут истории. Откройте их для себя