Sa mga hudlong naman ako tumingin. Si Mavi at Kenji lang ang parang normal lang ang mukha, lahat na sila ay seryoso na, lalo na sina Adriel at Asher. Ultimo sina Vance at Xavier na mga luko-luko ay ang sama ng titig sa 'kin.

Ngumuso ako. Wala naman akong kasalanan sa nangyari. Oo pabaya ako kasi hindi ako humawak ng mabuti kay Kio pero hindi ko ginustong mahulog at magpakalunod. Ginawa ko nga lahat ng kaya ko para umahon pero hindi talaga kinaya ng mga paa ko.

"Pasensya..." Sinserong sabi ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi 'sorry' ang sinasabi ko kapag humihingi ako ng pasensya, dati ay sinasabi ko 'yon pero naisip ko na hindi kaagad na sinasabi, 'yon. Hindi na kayang sambitin pa 'yon, may pumipigil sa 'kin... 'yung sarili ko mismo.

"...Gusto ko ng magpahinga." Dagdag ko pa.

Huminga naman siya ng malalim. Muntik pa 'kong mapatili ng buhatin niya ako, bridal style. Narinig ko ang mga pagsinghap ng mga kasama namin, nagtatanong sila kung ayos lang ba raw ako, nagthumbs up lang ako sa kanila.

Sumunod sila sa 'min ni Kayden, itong isa naman ay masyado ng seryoso. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong naabala siya sa pagliligtas sa 'kin. Mamaya na ako magpapasalamat sa kanila, sa ngayon gusto ko munang humilata.

Pagkapasok namin sa kwarto namin, akala ay ihihiga niya ako pero nagkamali ako, bigla niya akong pinasok sa banyo tsaka nilapag sa bathtub.

"Fix yourself first, I'll get you some clothes from Zycheia. Change. Because it's not good for you to sleep with your clothes wet." Sabi niya tsaka lumabas ng banyo.

Binuksan ko ang shower at nagbanlaw lang, hindi na ako nagsabon dahil sa parang wala sa hulog ang katawan ko para gumalaw ng gumalaw ngayon. Kinuha ko ang towel, nakita ko pa ang repleksyon ko sa salamin. Nakasimangot at bagsak ang balikat.

Narinig ko ang pagkatok, hindi ko naman nilock 'yon kaya hinayaan ko na lang tutal hindi pa naman ako nakahubad. Nakalagay lang sa balikat ko ang twalya.

"Oh, ito 'yung damit na pinakalkal ni Kayden... magpalit ka na tapos pwede ka nang magpahinga." Sabi ni Eiya, mugto pa ang mga mata niya, pumiyok pa siya.

Tumango, akmang isasara niya na ang pinto ng tawagin ko ulit siya, binuksan niya ulit 'yon tsaka tumingin sa 'kin. Nginitian ko siya, kahit na tipid lang 'yon ay nakita kong nakahinga siya ng maluwang.

"Salamat... 'wag ka ng mag-alala, ayos na 'ko." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at tuluyang lumabas.

Nilock ko ang pinto tsaka nagbihis. Naramdaman ko pa ang pagkahilo, siguro dahil na rin 'yon sa nangyari kanina. Pagkatapos kong magbihis ay pinatuyo ko na lang ang buhok ko at dumeretso sa kama namin.

Nakaupo ro'n si Eiya, kumpleto ang mga babaita at nandito ang muse este ang escort naming lahat, si Kenji. Tumingin silang lahat sa 'kin, nahiya naman ako dahil sa laki pala ng abala na ginawa ko sa kanila. Pagapang akong humiga sa pwesto ko.

Deretso lang ang higa ko, nakakumot ako at nakatingin sa kisame. Pasimple namang umakyat si Kenji sa kama at isang iglap ay nasa tabi ko na siya, nakahinga rin pero may unan sa pagitan namin. Loko talaga. Hindi ko naman siya hahalayin.

"Okay ka na ba, Heira?" Boses ni Trina.

"Oo..."

Paos ang boses ko. Pumikit ako saglit pero kaagad din akong nagmulat dahil parang nararamdaman ko pa rin ang tubig, pakiramdam ko ay nasa ilalim pa rin ako ng dagat, ultimo 'yung tunog ng tubig ay naririnig ko.

Gano'n naman talaga.

"Mabuti naman..."

Mabuti naman talaga. Mabuti naman at mahinahon ka ngayo—!

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now