"Isha! Gumising ka na... please naman!" Boses iyon ni Eiya... umiiyak siya.

'Wag... 'wag kang iiyak.

Naramdaman ko na lang na may labing lumapat sa labi ko at may hangin na dumadaloy sa lalamunan ko. Ilang ulit na pinasukan ako ng hangin pero bakit hindi pa rin kaya ng katawan ko na gumising.

Kasunod no'n ay parang may kung anong bagay ang pumipindot at tumutulak sa dibdib ko. Iyon ang dahilan kung baki ako tuluyang napasinghap at nailabas ko ang tubig na kanina pa nananatili sa dibdib ko.

Umubo ako ng ilang beses at nilabas ng nilabas ang lahat ng tubig na nainom ko sa dagat. Ligtas na 'ko, hindi na 'ko hihilahin ng tubig pababa. Hindi na 'ko makakarinig ng mga boses na siyang nagpapahirap sa 'kin.

Nagmulat ako ng mata at nakitang pinalilibutan pala ako... kami ng mga tao. Kasama na ro'n ang mga hudlong lalo na si Kenji na ngayon ay humagulgol. Gago to ah... hindi pa naman ako patay pero wagas umiyak.
Tumingin ako sa harap ko, nakatingin pala sa 'kin si Kayden, nasa tabi ko siya... ibig sabihin siya... siyang ang nag-CRP sa 'kin?

Patay! Kaya pala pamilyar ang mga labi na dumadampi sa labi ko kasi siya 'yun! Sa lahat ng pwedeng sumagip sa 'kin siya pa talaga? Hindi pa nga ako nakaka-get-over sa pagkakalunod ko ay bigla niya na akong hinila at niyakap ng mahigpit.

Nagtaka ako pero niyakap ko rin siya pabalik. Nag-aalala siya... silang lahat at kasalanan ko lahat ng 'to. Pinag-alala ko sila, kung kumapit lang ako ng mabuti sa bewang ni Kio... hindi ako mahuhulog at mas lalong hindi ako malulunod.

Nakita ko si Kio na nasa tabi niya, nakaupo lang siya at nakalagay ang mga palad niya sa batok niya, mukha siyang problemado. Narinig ko na lang bigla ang mga paghikbi niya. Hala!

"I thought I would lose you... I can't afford to lose you! Damn it!" Bulong nitong Kulapo at mas lalong humigpit pa ang yakap niya.

Yakap na nag-aalala dahil sa may nangyari sayong hindi maganda. Yakap na may pag-aalalaga at hindi ka na papabayaan pa. Yakap na malambot at mararamdaman mong ligtas ka na sa mga bising niya.

"Hindi... ako makahinga." Utal na sabi ko dahil siniksik niya na ako sa dibdib niya. Kakakuha ko nga lang ng hangin tapos ngayon binabawi niya nananaman.

Unti-unti niyang kinalas ang yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Seryoso ang mukha niya pero malungkot ang mga mata niya. Walang emosyon ko siyang tiniganan. Diretso sa mata at inalala ang mga sinabi niya.

"I thought I would lose you... I can't afford to lose you! Damn it!"

"I thought I would lose you... I can't afford to lose you! Damn it!"

"I thought I would lose you... I can't afford to lose you! Damn it!"

Totoo ba 'yon? Totoo ba ang mga sinabi niya? Para namang hinaplos ang puso ko... masaya ako dahil sa sinabi niya pero alam kong sinabi niya lang 'yon dahil sa nadala lang siya sa emosyon niya.

Gustuhin ko mang ngumiti, hindi ko magawa dahil parang wala akong lakas na gawin pa 'yon. Ang tanging gusto ko lang na gawin ngayon ay humiga sa kama at buong araw na magpahinga.

Ilalabas ko muna 'yung tubig dagat sa baga ko, baka may isda pang nasama ro'n.

"Never do that again." Seryosong sabi niya sa 'kin. "We can almost all go crazy because we're worried about you!"

Nakonsensya naman ako bigla. Tumingin ako sa lahat ng tao na nananonood sa 'min. 'Yung mga babaita, hindi mo maipinta ang mga mukha nila. Mero'ng parang nag-alala na maiiyak na. Mero'n namang masaya pero may takot ang mga mata.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now