Hindi ako sumasagot sa kanila dahil baka kapag nagsalita ako, isang sampal nananaman ang makuha ko mula sa kanila. Magkakapasa nananaman ako, papagalitan nananaman ako ni mommy, mag-aaalala nananaman si Eiya... ayaw kong madamay pa siya.

"Kung hindi ka rin naman susunod sa 'min, paglalaruan ka na lang namin!"

"Napakasutil mong bata ka! Putangina ka! Sino ka sa akala mo para hindi mo kami sundin ha? Simpleng mga projects at mga reports lang hindi mo pa magawa!"

Ramdam ko ang galit nila sa 'kin. Pero bakit? Bakit nila ako ginaganito? Bakit sinasaktan nila ako. Bakit nila ako sinisigawan ng ganito? Pwede naman nila akong makausap ng maayos pero tinatakot nila ako. Masasama ba ang mga taong ito?

"Sige, kunin niyo na 'yan."

"Yes, boss."

Naalarma ako dahil sa ginawa nila. Hinawakan nila ang magkabila kong mga braso. Mahigpit na hawak, sinubukan kong magpumiglas ngunit sinabunutan lang nila ako kaya tumigil ako. Hindi na tumigil ang mga luha ko. Hindi ba nauubos ang mga luhang ito?

Kahit ngayon lang gusto kong maging matapang. Gusto kong lumaban dahil ayaw ko ng ulit masaktan. Kailangan kong patigilin ang mga luhang ito dahil... ito 'yung dahilan kung bakit ako nagmumukhang mahina.

Sabi ni mommy... 'ang takot ay siyang magdudulot sayo ng pagkatalo at pagkasira.' Fear... destruction.

Sa hindi ko malamang dahilan, nakikita ko ang sarili ko na hawak ng dalawang mga matitipunong lalaki at may mga nakasunod pa sa 'min. Humahaklak na parang isang demonyo. May mga hawak na kahoy, tubo... kutsilyo.

Dumaan kami sa isang madilim na pasilyo ng pamilyar na lugar. Pumasok kami sa isang kwarto na walang ilaw at tanging sikat ng araw lang na nagmumula sa isang siwang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto.

Magulo... masukal ang paligid. Parang dinaanan ng bagyo. May mga upuan at puro kahoy na nagkalat na lang sa paligid. Anong klaseng lugar ito?

"Wala kang silbe!"

"Wala kang kawala, Sylvia!"

"Takbo, Sylvia! Takbo!"

"Gawin mo na ang pinapagawa!"

"Dagukan niyo ng magtanda!"

"Masasaktan ka talaga!"

Rumehistro sa isip ko ang mga salitang 'yan. Mga salita mula sa iba't ibang tao. Mga salitang hindi ko alam kung paano ko tatakasan. Mga salitang hindi ko alam kung parte ba ng aking nakaraan. Isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa isang tao.

Napapikit na lang ako ng mariin ng sabunutan niya ako tsaka inilapit sa isang drum ng tubig. Nakikita ko ang repleksyon ko sa tubig. Magulo ang buhok, mugto ang mata, puno ng sugat, paa at bubog sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

"Pagbabayaran mo ang lahat! Ako ang boss mo, hindi ba? May utang ka pa nga sa 'kin at hindi mo pa lubusang nababayaran iyon."

"Kung makaasta ka ay parang kung sino ka na ah? Hindi ba umutang ka sa 'min? Kami ang nasandalan mo nung may kailangan ka pero ano? Ano ang naging kapalit ng pagtulong namin sayo?"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now