"Sige pa! Sylvia! Tumakbo ka lang hanggang mapagod ka, Heya!"

Tumagundong ulit iyon sa pandinig ko, mas hinigpitan ko pa ang pagkakatakip ko sa tenga ko, namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak, panay ang pag agos ng luha sa pisngi ko.

Bakit ko pa ulit naririnig ang mga ito? Bakit bumabalik nananaman ang mga alaalang hindi ko alam kung saan nagmula. Mga boses na hindi ko alam kung kanino ba o sino ang may ari nito. Naguguluhan na 'ko. Ayaw ko na nito.

Humagulgol na lang ako dahil sa kawalan ng pag asa na makaalis ako dito at makatakas sa mga demonyong umaaligid sa 'kin.

"Wala kang katakas sa 'min. Gawin mo ang nararapat gawin kung ayaw mong masaktan."  Naroon ang mga lalaki sa pintuan, pawang mga walang mukha at malalaki ang mga katawan.

Nasinghap ako sa hangin bago tumakbo, dumaan ako sa kabilang pinto, kung saan malayo sa kinatatayuan nila.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para tumakbo at lumayo hanggang sa makarating ako sa dulo ng pasilyo, panay ang patay sindi ng mga ilaw, walang tao, maraming kalat, amoy sigarilyo at nakakatakot.

Nung muli kong nilingon ang likod ko para sana ay bumalik na lang ako at maghanap ng ibang daan ay isang iglap ay parang nagbalik kami sa ibang dimensyo. Nawala na sa paningin ko ang lugar na aking tinahak. Napalitan 'yon ng pawang madilim na lugar. Nakakapangilabot na lugar, pumaspas ang malamig na hangin sa katawan ko.

Kasabay ng paghakbang ko ay siyang panghihina ng tuhod ko dahil sa malakas na hampas sa likod ko.

"Ang sabi ko naman sayo, Sylvia, wala kang katakas." Aniya tsaka ako hinampas ulit.

"AAAAAAAH!" Daing ko. Ayan na na naman ang mata kong parang gripo kung maglabas ng luha. Lumapit ang napakaraming lalaki sa gawi namin. Napailing na lang ako, alam kong wala na 'kong pag asang makawala rito pero kailangan kong sumubok.

Walang ibang tutulong sa'yo kung hindi sarili mo, Heira. Kailangan mong sanayin ang sarili mo na mag isa dahil hindi sa lahat ng oras ay may kasama ka.

"Sige, takbo! Hindi mo kami matatakasan. May atras ka pa sa 'min pagkatapos ay tatakbuhan mo kami? Alam mo naman na hindi mo kami kaya!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa pagsigaw na 'yon. Isang iglap ay pinalilibutan na 'ko ng mga taong nakaitim. Pawang mga walang mukha pero nakakatakot. Napaupo na lang ako sa sahig at tinakpan ang mga tenga ko at umiiyak. Ayaw ko silang marinig.

Sasaktan nila ako. Ayaw kong lumapit sa kanila. Papahirapan nila ako, mananakit sila kapag hindi ko ginawa ang pinapagawa nila. Gusto ko ng umuwi. Kio... daddy, mommy, Zycheia, tulungan niyo ako. Ayaw ko na rito, sasaktan lang nila ako. Masasaktan nananaman ako.

"Alam mo bang bumagsak ako dahil hindi mo ginawa at palagi mong tinatanggihan ang mga proyektong pinapagawa ko sayo? Ngayon! Itinakwil ako ng mga magulang ko dahil hindi ako pumasa!"

"Napakabata mo lang at hindi ka pa marunong sumunod sa mga nakakatanda sayo!"

Ayaw ko na! Tumigil na kayo! Gusto ko ng matahimik. Mas tinakpan ko pa ang mga tenga ko, nagbabakasaling hindi ko na sila muling maririnig pa. Ang mga pagtawa, paghalakhak at mga pagngisi... mga nakakatakot na pigura.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now