"Kung pwede lang na hanggang mamaya tayo ro'n, parang nakakakarera tayo oh!" Si Jharylle.
"Baka hindi na tayo nila papasukin ng bahay kapag ginawa natin 'yon. Kawawa naman sila, kanina pa nasa initan." Tugon naman ni Timber.
"Ang tagal niyo!" Pagsabat ni Hanna. "Masaya ba ro'n mga kuya?"
"Oo! Lalo na kapag humahampas ang tubig tapos nagliliko! Ang galing!" Pumalakpak pa si Mavi.
"Mas naexcite tuloy ako." Boses ni Eiya.
"Can I... can i just not ride that?" Kabadong tanong ni Alzhane kaya naman tumawa kami.
"Madali lang 'yan, 'wag kang kabahan, tubig naman ang babagsakan mo." Pampalubag loob ni Timber sa kaniya.
"Hihintayin ko na lang kayo rito... go, go on, ride now." Napapalunok pa siya habang pinagtatabuyan niya kami.
Sinubukan niyang tumalikod sa 'min pero nagkatinhinan kami nung mga babaita, tumango kami tsaka kami lumapit sa kaniya. Buong lakas namin siyang binuhat at isinakay sa jet ski na sinasakyan ni Asher. Bago pa siya makapagsalita ay nakaalis na ang jet ski nila. Tinawanan lang namin siya tsaka kinawayan.
Pinanood lang namin sila hanggang sa maging maliit na lang sila sa mga paningin namin. Narinig ko ang pagsigaw ni Alzhane na ngayon niya lang ginawa. Mukhang takot talaga siya. Kahit naman ako, kabadong-kabado ako ngayon, hindi lang halata. Ayaw ko ngang sumakay e, baka sumemplang kami ni Kio.
Sumakay na rin sina Eiya, Trina tsaka si Hanna. Naiwan akong nakatayo habang nakatingin sa mga sinasakyan nila. Parang ang sarap sakyan pero nakakatakot pa rin dahil baka tumaob na lang bigla. Marunong naman akong lumangoy pero kapag mababa lang... kapag malalim na, hindi ko na kayang umangat.
"Aatras ka rin?" Natatawang tanong ni Shikainah.
"Sakay na! Sabay-sabay tayong pupunta ro'n." Sabi ni Eiya tsaka niya ako sinenyasan.
"Kapag umatras ka, bahala ka, mukhang masaya pa naman 'to," pangungunsensya nitong punyemas na Trina.
Lumunok muna ako at mabagal na sumakay sa jet ski. Knowing, Kio, alam ko naman na maingat siya sa pagmameho... ng sasakyan pero ito? Lalo na at nandito kami sa tubi? Ewan ko na lang. Sumampa ako. Wala bang helmet na isususot dito? Ilang saglit lang ay pinaandar na sila kaya sumunod kami.
Nung una maginhawa pa ang pakiramdam ko dahil mabagal lang ang pagpapatakbo ni Kio pero nung nangangalahati na kami bigla niyang binilisan, napakapit ako ng mariin sa bewang niya.
"Kapag tayo naaksidente, punyeta!" Sigaw ko sa kaniya, tanging pagtawa lang ang naging tugon niya.
"...Aaaaah! Hindi nakakatuwa! Pagalan mo! Aaaaah!" Sigaw ko na lang sa kaniya. Papunta pa lang kami pero 'yung iba ay nasa gitna na ng dagat, hindi pa sila natatakot?
"Kio, balik na tayo, baka may pating dito!" Sabi ko pa, huminto kami saglit sa pinakagitna.
"Let the game begin!" Bulong niya tsaka niya pinagpatuloy ang pagmamaheho, mero'ng bigla niya na lang niliko 'tong sasakyan kaya humampas ang tubig kina Eiya.
"Animal ka, Kio!" Sigaw niya, pumunta naman sila sa kabilang dako at doon nagliwaliw.
Bakit sila parang nag-eenjoy, samantalang ako parang namumutla na dahil sa kaba. Ayaw ko pang mamatay, ang lalim pa naman ng tubig tapos nakikita ko 'yung mga isda na lumalangoy. May nagtatalunan pa.
"Putangina mo, Vance! Kapag ako nahulog, yari ka sa 'kin mamaya!" Sigaw ni Trina na kapit na kapit kay Vance, tumawa naman 'yung isa.
Parang pinagtitripan kami ng mga 'to ah.
Buti pa si Kenji, ayos lang ang pagmamaneho niya, kampante... kalmado at mukhang nagsasaya silang dalawa ni Hanna. Makipagpalit na lang kaya ako? Kaso baka ihulog lang siya ni Kio, kawawang Hanna kapag nagkataon. Pinalakas ko na lang ang loob ko at pinilit na matuwa sa ginagawang kakera nitong tatlo naming driver.
Ilang beses kaming nagliko, bilis, bagal at huminto. Muntikan pa nga akong masuka, naalog ata ang utak ko sa ginagawa namin. Masaya naman dahil nakakaaliw 'to pero parang ayaw ko na atang maulit 'to. Lalo na kapag si Kio ang kasama ko. Demonyo 'to e. Gumaganti ata sa 'kin.
Nung nasanay na kami sa mga ginagawa nila, natuwa na rin kami. Tinaas namin ang dalawa naming mga kamay tsaka iwinagaygay 'yon sa ere. Humahampas sa 'min ang malamig na hangin, ang sarap sa pakiramdam. Balanse lang naman ang kailangan para hindi mahulog.
"Ang ingay mo, Lady! Kanina ka pa sigaw ng sigaw, hindi ka ba naaawa sa mga ear drums ko?" Narinig kong reklamo ni Vance.
"Wala kang pake! Ikaw ang nagprisintang pagdrive ako tapos magrereklamo ka?" Tugon nung isa.
Isang minuto rin kaming nagpapaiko-ikot, nagpapagalingan, nagsisigawan sa gitna ng dagat bago namin mapagpasyahan na bumalik na sa baybayin, sa tingin ko sumobra na kami sa isang oras e. Naunang umalis sina Eiya. Gusto ko ng bumalik do'n dahil parang may tumutusok sa paa ko ngayon.
Kami ang huling umandar pero sa kalagitnaan ng pagbibilis namin ay hindi ko inaasahan na ililiko pala ni Kio ang jet ski dahilan para magulog ako. Hindi niya man lang narinig 'yon dahil sa ingay ng sasakyan. Tuloy-tuloy siyang bumalik doon at naiwan ako rito sa ilalim ng dagat.
Wala akong life vest, malalim masyado ang tubig kaya hindi ko maiangat ang katawan ko. Pumapayagpag ako, napapikit na lang ako dahil sa humampas kanina ang ulo ko sa jet ski kaya nakaramdam ako ng hilo. Nauubusan na rin ako ng hangin.
Kahit na anong gawin ko, hindi ako makaangat. Kailangan kong huminga. Tulungan niyo 'ko. Sinubukan kong ipayagpag ang mga paa ko pero parang namanhid 'yon at unti-unting naging masakit.
'Wag ngayon... pakiusap.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 172
Start from the beginning
