"Tandaan mo 'to, Yakiesha—!"
"What? Sige, anong tatandaan ko?"
"'Tong mukha ko, tandaan mo 'to—!"
"Tandang-tanda ko na 'yan mula pagkabata!"
"Shut up!" 'Yon na lang ang naisinghal niya sa 'kin.
Tumawa lang ako sa kaniya tsaka ko siya binelatan, hinagisan niya pa 'ko buhangin, buti na lang at nakatakbo kaagad ako. Nakisali na rin ako sa mga nagbababad. Nagpapasahang bola sila.
"Buti na lang at napunta tayo sa Twenty-third Section 'no?" Narinig kong sabi ni Eiya.
"Oo! Ang swerte natin kasi libre ang bakasyon natin ngayon!" Bulalas ni Trina.
"I feel like I have a brother because of them. Kahit na gano'n ang mga pag-uugali nila... they're different from others." Sabi ni Alzhane.
Wow others.
"Oo nga e! May ate na 'ko tapos may kuya pa 'ko!" Sabi ni Hanna. Siya kasi ang pinakabata sa 'ming lahat. Nginitian lang namin siya.
"What if hindi tayo dinala ro'n, magkakakakilala pa kaya tayong lahat?" Tanong ni Shikainah.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam. Hindi kami palakaibigan ni Eiya e. Kaming dalawa lang ang laging magkasama."
"Ako rin! Kaklase ko si Shikainah sa 2nd Section pero hindi namamansin! Kahit ata anong kaingayan ng bunganga ko hindi niya naririnig." Nakasimangot na sabi ni Trina. "Buti pa si Alzhane, tahimik, kahit na englihera siya namamansin naman."
"Yah! Stop comparing us!"
"Okay, okay! Sina Heira hindi ko man lang nakita sa loob university, palaging nasa room gano'n? Kung hindi lang tayo pinatawag ni Dean Lucencio hindi ko makikita ang mga fezlak niyo!" Dagdag niya pa.
"Magaling kami magtago, baka raw ma-expose ang beauty namin." Pagmamayabang ni Eiya.
"Pa'no kaya tayo nagkakila-kilalang lahat?" Tanong ni Hanna.
"Si Yakie tsaka si Zycheia—!" Napalingon kami sa nagsalita. Si Kenji, may dalang ice cream at nakasalbabida. 'Yung totoo? Bumalik ka sa pagiging limang taon?
"Sa'n mo nananaman nakuha 'yan?" Turo ko sa salbabidang pang-three years old lang.
"Binili ni dadey Asher sa 'kin." Sagot niya naman.
Napasapo ako sa noo ko.
"Palagi mong nahuhuthutan si Asher 'no?" Sarcastic na sabi ko sa kaniya.
"Hala! Hindi ah! Sinama niya lang ako sa isang shop ka kanina tapos nakita ko 'to."
"Pinabili mo naman?" Sabat ni Trina.
"Syempre! Ang ganda kaya!" Parang batang sagot niya.
"Ji. Para sa mga 5 years old lang iyan paano nagkasya sayo 'yan?" Tanong ko.
"Syempre ako pa!" Pagmamayabang niya.
Isang oras din kaming nakababad sa tubig. Umalis nga 'yung mga batang kausap nina Trina kanina, ang ingay daw namin, mas maingay pa raw kami sa bunganga ng mga mommy nila. Mga sutil na bata. Umalis din sila dahil nababasa sila kapag naghahampasan kami ng tubig.
Konti na lang malulunod na sila.
"Woooh! Ang saya!" Sabi nung mga hudlong, isang oras na ang nakakalipas kaya naman kami naman ang susubok ngayon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 172
Start from the beginning
