Totoo 'yon, isang oras kasi ang usapan namin. Alas otso y media pa lang ng umaga kaya maganda pang maggala. Gustuhin man naming bumili ng mga souvenirs, bukas na lang daw namin gagawin 'yon para naman may magawa kami habang nandito kami.

Nakakatawa nga e. Nagplano kaming magbakasyon ng limang araw dito pero wala kaming naplano ng mga pwedeng gawin ngayong nandito na kami sa lugar na 'to. Kahapon, picnic tsaka bonfire, ngayon, jet ski raw tsaka swimming. Baka niyan kapag umuwi na kami ay maitim na ang mga balat namin.

"Lumangoy na lang kaya muna tayo saglit? Alangang magpatuyo tayo rito sa ilalim ng araw." Sabi ni Trina.

Tumayo naman sila tsaka pumunta sa dagat. Nakipaglaro pa sila sa mga batang nananahimik lang sa may tubig. Inagawan pa nila ng bola. Napailing na lang ako. Pati bata talaga inuuto.

"May tumawag daw sayo kagabi. Ikaw ha, isusumbong kita kay mommy!" Pabirong pagbabanta ko rito sa kapatid ko sa gilid ko. Buti naman at hindi niya kinakalikot ngayon ang cellphone niya, baka hindi online 'yong kachat niya.

Pinagtaasan niya 'ko ng kilay. "None of your business."

"Wala naman talaga akong business. Teka nga, bakit ba ang suplado mo nitong mga nakaraang araw." Nahahalata ko 'yon, parang nawala 'yung Kio na palaging tumatawa, laging nang-aasar, laging sumasabay sa trip ko.

Sa'n na nagpunta ang Kio na 'yun?

Baka naglakbay na talaga.

"Yakiesha..." Biglang lumambot ang mukha niya.

"Oh, bakit? Nagsisisi ka na ba?" Pang-aasar ko sa kaniya tsaka ko sinusundot ang tagiliran niya.

"Psh!" Singhal niya tsaka niya nilagay ang braso sa balikat ko.

Akala ko aakbayan niya 'ko pero nagkamali ako. Bigla niyang pinalipot ang braso niya sa may leeg ko tapos inilapit niya ang ulo ko sa kaniya, hinampas ko ang kamay niya para bitawan ako pero hindi niya naman pinansin. Kiniskis niya ang kamao niya sa ulo ko.

"Aray! Ang init!" Reklamo ko sa kaniya. "Aray! Aray! Aray! Mainit! Gago! masakit!"

"'Wag mo nga akong murahin!" Sabi niya tsaka niya ako binitawan.

"Ang sarap mong saksakin ng sampung beses!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Woaaah! I don't want to have a sister that can stab someone innocent and good looking like me!"

"Good looking? Sa'n banda? Nananaginip ka ba?"

"Magpasalamin ka na, tutal malabo na ang mga mata mo!"

"Ang sabihin mo, napakahangin mo! Masyado kang mataas sa sarili mo!"

"Of course! I'm good looking person, why shouldn't I be proud of my face to others?"

"Wag mo nga akong english-in, masasapak ko 'yang pinagmamalaki mong mukha."

"Target mo talaga ang kakinisan ng mukha ko 'no?"

"Manahimik!"

"Inggit ka 'no? Wala ka nito." Aniya tsaka tinuro ang mukha niya.

"Ayos lang, ayaw ko rin namang magkaroon ng ganiyang mukha." Pambabara ko sa kaniya. Umawang naman ang labi niya tsaka kumurap-kurap, hindi ata mapanilawaan ang sinabi ko sa kaniya.

"Hell... how dare you to say those things at me! Kapatid mo 'ko, dapat proud ka kasi gwapo ako!" Pagmamaktol niya.

"Kapatid kita pero hindi ko naman itotolerate ang kagaguhan ng utak mo." Nakangusong sabi ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now