"Shut up, Austine!" Singhal naman nitong isa kaya naman tumahimik si Xavier.

Second name basis pala 'to ah. Talagang umaatras na lang ang dila nila kapag naririnig nila ang pangalawang pangalan nila.

"So... pa'no tayo kakasya sa mga 'yan?" Tanong ni Chadley.

"Sa manibela 'yung iba tapos 'yung iba maglagay na lang ng tali... hihilahin na lang." Walang kwentang suhestyon ni Mavi.

Gago talaga 'to.

"Sige ba, i try muna natin sayo, kapag okay sayo. Edi okay." Pambabara ni Kenji.

Tumawa naman kami dahil sa kakulitan nila. Lima lang naman 'tong jet ski. Hindi kami pwedeng gumamit ng sabay-sabay, hindi kami kakasya. Ang dami namin dito e.

"Ganito... We need to make a two batch. Two person each jet ski." Sabi ni Alzhane na sinang-ayunan naman namin.

Isang lalaki at isang babae sa bawat sasakyan. Hindi naman kami marunong na magpatakbo no'n kaya naman sila ang mag-guguide sa 'min. Ayos na sa 'min kahit na hindi kami ang magmaneho basta makasakay lang kami. Experience rin kasi 'to.

Pinauna na namin 'yung mga hudlong dahil mas excited pa sila kaysa sa 'min. Mas excited pa sila sa taong nag-aya sa 'min na gawin 'to. Si Kio ang kasama ko sa jet ski. Marunong pala siya no'n. Akala ko kasi walang dagat sa New York kaya naman nagtaka ako kung pa'no siya natuto.

'Yon pala, kapag bakasyon niya o kaya naman kapag may libreng oras sila ay nagkakayayaan sila nung mga kaklase niya na magliwaliw sa dagat kapag hindi malamig ang panahon do'n. Doon siya natuto. Sana ako rin naman. Bike lang ang natutunan ko, may sasakyan nga pero takot pa sila kaysa sa 'kin.

Sigaw ng sigaw ang mga mokong habang ninanamnam ang hangin na humahampas sa mga mukha nila. Nasa gitna na sila ng dagat kaya naman parang ga-ipis lang ang laki nila sa nakikita namin pero rinig pa rin namin ang mga pagsigaw nila. Nakaupo lang kami ngayon sa may buhanginan at pinapanood sila.

Susunod kami nina Eiya at Elijah, Trina at Vance, Shikainah at Xavier, Ako tsaka si Kio at si Hanna kasama si Kenji. Si Alzhane tsaka si Asher. Aba ang batang hapon marunong palang magmaneho ng ganitong sasakyan. Kinakabahan tuloy ako dahil baka ihulog niya lang si Hanna sa tubig.

Ang lakas pa naman ng impact no'n kapag nahulog ka, parang walang nakakita sayo dahil sumasabay ang tunog nung jet ski sa paglagapak mo sa tubig. May tiwala naman kami sa kaniya, kapag hindi niya inayos ang pagmamaneho niya, makokotong siya sa 'ming lahat.

Mukhang dumarami ngayon ang mga tao ah. Kahapon ay parang lima o sampung pamilya lang ang nandito sa resort tapos ngayon parang isang barangay na. Maganda naman 'to dahil nakikilala na unti-unti ang negosyo nina Elijah. Buti nga libre lang kami rito e, walang entrance fee.

Sabagay, maganda naman ang lugar na 'to. Maganda ang paligid. Wala kang makikitang nga basura na nagkalat sa paligid. Maraming tao pero responsable sila. Malamig at masarap sa ilong ang hanging pumapalibot dito. May mga islang pwedeng puntahan. Asul na kalangitan, berdeng mga puno at mala-crystal na tubig.

Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa ay dadagsain na ng mga tao itong resort nina Elijah. Mababait ang mga taong nag-aasikaso tapos maayos pa ang serbisyo nila. Hindi naman sa sinasabi kong puntahan niyo ang resort nila pero parang gano'n na nga.

Ang sabi ni Mang Elong ay may resort pa silang iba. Ibig sabihin, malaki ang negosyong ginagalawan nila. Gano'n din ba ang negosyo ni daddy sa ibang bansa kaya siya hindi nakakauwi dati? Para sa 'kin, magulo ang takbo ng mga negosyo, maraming kaaway, kaagaw tsaka mga kalaban.

"Ang tagal naman nila. Dapat pala nagdala tayo kahit na konting pagkain lang. Isang oras pa sila ro'n e." Nakangusong sabi ni Hanna.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now