Pumasok ako sa kusina. Ang kaninang parang naggegyera sa ingay biglang tumihik na para bang may dumating na anghel, syempre hindi ako 'yon. Tumigil sila sa mga ginagawa nila, saglit lang 'yon dahil bigla na lang silang tumawa ng malakas. Wala naman akong muta o dumi sa mukha kaninang tinignan ko ang sarili ko sa salamin e.
"Good morning." Sabi ko na lang.
"Good morning din, Heira. Sorry..." Sabi ni Maurence tsaka yumuko pero halata namang hindi sinsero 'yon. Teka nga!
"Hala! Bakit ka nagpapasorry?" Tanong ko.
"Kasi hindi ko nahiram ang bag ni Dora, hindi ko siya mahagilap e. Baka naglalakbay pa 'yun." Dagdag niya pa na para bang natatawa.
"Anong sinasabi mo r'yan?"
"Heira..." Nilapitan naman ako ni Aiden. "'Yung bulsa ni Doraemon hindi ko rin nahiram kasi butas na raw 'yon. Butas na ang bulsa ni Doraemon."
"Eh?" Tumabingi na lang ang ulo ko dahil sa pagtataka.
"Ubos na raw ang pixie dust ni Izzy." Kunwaring malungkot na sabi ni Trina.
"Hindi raw makakasama sa paglalakbay 'yung mga powerpuff girls kasi raw ayaw silang payagan ni Professor Utonium." Sabat naman ni Vance.
"Anong pinagsasabi niyo? Baliw na ba kayo?" Natatawang sabi ko sa kanila.
"Hindi tayo pwedeng maging immortal dahil ayaw ipahiram ni Ben 10 ang relo niya. Nakaramot niya." Ani naman ni Jharylle.
"Uh... We can't borrow the ship of Jake and the Never land Pirates because they are going somewhere." Si Elijah ang nagsalita.
"'Yung bahay nina Oggie and the Cockroaches, under renovation daw." Sabi ni Lucas.
"Kung hindi niyo dederetsahin, lahat kayo masusuntok ko na!" Inis na sabi ko sa kanila.
"Here. Watch it." Natatawang sabi ni Adriel tsaka inabot sa 'kin ang cellphone niya. Lahat sila humalukipkip, nagtataka ako sa mga pinagsasabi niya, siraulo talaga.
Pinindot ko ang video na pinakita niya sa 'kin, kahit ako ay parang lumabas ang kalukuwa dahil sa nakikita ko ngayon. Nakatayo ako sa itaas ng lamesa. May hawak akong baso sa isang kamay at isang kahoy na may apoy sa kabila. Posisyong tagumpay amputa.
"Alu-hawa-alilaluha!" Sabi ko habang sumasayaw ng pantribo sa itaas ng lamesa.
"...Ikaw!" Turo ko sa kanila. "Sasama kayo sa aking paglalakbay! Pero bago mangyari iyon, kailangan kong hanapin ang bag ni Dora para may magamit tayo sa paglalakbay!" Sigaw ko pa. Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa ginawa ko.
Ako ba talaga 'to?
Tumatawa pa ang mga hudlong at ang mga babaita habang pinapanood ako. Sino kaya 'tong kumukuha ng video na 'to? Si Kenji naman, ginagaya pa niya ang sayaw ko habang umiikot sa bonfire.
"'Yung bulsa ni Doraemon ay kunin niya, tanggalin niyo muna sa damit niya! Maraming bagay ang nailalabas no'n! Kailangan natin 'yon sa ating paglalakbay!"
"Alu-hawa-alilaluha!"
"...Si Izzy! Nakawin niyo ang pixie dust niya! Hiramin niyo muna ang barko nina Jake and the Neverland pirates! Hayaan niyo na si Captain Hook, kababa lang iyon! Hindi natin siya kailangan sa ating paglalakbay!"
"Alu-hawa-alilaluha!"
"Mag-ingat kay Captain Hook dahil magnanakaw siya, baka nakawin niya ang mga gintong itlong ng butiki na ating hinahanap!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 170
Magsimula sa umpisa
