Ano kaya 'yun? Parang wala kami no'n ah.

"Bitawan mo na kasi ako! Natutulog 'yong tao e! Alis! Alis!" Sigaw ko sa kaniya. Mukhang naiinis na siya dahil sa ginagawa ko.

"No. Aray, fuck. It hurts. Damn it, Heira."

"Fuck ka rin!" Singhal ko sa kaniya.

"Nakikitulog lang ako sa kwarto niyo, anong masama ro'n?"

"Gago! Anong masama ro'n? Marami! Maraming masama! Pangbabae 'tong kwarto na 'to tapos nandito ka?"

Ngumisi siya. "You didn't tell me that there were women's and men's rooms." Aniya tsaka biglang nilapit ang mukha sa 'kin, iniatras ko na lang ang ulo ko. Akala ko kung ano ang gagawin niya, bubulong lang pala siya sa may tenga ko.

"Walang pangkasarian ang isang kwarto. Basta binibigyan ka niya ng saya, papasukin mo."

Ano raw?

"Aaaaah! Kulapo! Atras! Atras, nakitulog ka na rito tapos ngayon may pabulong-bulong ka pa! Lumayo ka sa 'kin o sasakalin kita?!" Inis na pagababanta ko sa kaniya.

"What if I don't want to?"

"Edi don't!"

Tumawa naman siya. "Wala naman akong gagawing masama sayong masama. I just want to rest."

"Gago!"

"Stop cursing!"

"Gago ka pa rin! Rest, rest mo mukha mo!" Sinasabi ko 'yon habang patuloy pa rin ako sa pagtutulak sa kaniya. "Rest tapos may payakap ka pa?! Sapakin kaya kita ng mata— Aaaaaah!" Sigaw ko ng bigla niyang bitawan ang bewang ko kaya naman nahulog ako sa kama.

Aray, 'yung bewang ko!

Napahawak ako kaagad sa may pwetan ko dahil 'yun ang unang napuruhan ng pagbagsak ko. Anak ka ng tupa. Tupang-ina! Kulapo! Kulapong mukhang amag!

Gumapang muna ako saglit para makalapit sa may kama at itinungkod ang mga kamay ko para makasampa ulit ako ro'n. Aba ang gago parang wala lang sa kaniya 'yon ah. Umupo ako sa kama saglit para pauhapin ang sakit ng bewang ko bago ko kinuha ang tsinelas na nasa isang gilid.

Kahit na masakit ang ulo ko at medyo nahihilo ay tumakbo ako papunta sa may banyo at nilock kaagad 'yon. Naghilamos ako ng mukha at nagmumog ng bibig. Napapikit ako ng mariin ng maramdamang parang nabibiyak ang ulo ko. Gamit ang palad ko ay pinaghahampas ko ng bahagya ang bungo ko.

Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili ko na "hindi na 'ko iinom, last na 'yung kagabi!" Ngumuso ako pagkatapos no'n tsaka sumandal sa may pader. Hinayaan ko lang na dumausdos ang katawan ko pababa hanggang sa mapaupo na lang ako, walling ang ginagawa ko.

Hahanap ako ng gamot mamaya nito. Ano ba kasi talagang nangyari kagabi at bakit ganito kasakit ang ulo ko? Konti lang ang ininom ko e, dapat wala namang epekto 'yon sa katinuan ko. Ayaw ko na! Ang sakit na talaga! Buti nga hindi ako nasusuka ngayon dahil isa pa 'yong pasakit sa katawan.

Lumabas ako ng banyo. Buti na lang at wala ng tao sa loob ng kwarto, ako na lang. Lumabas na siguro si Kayden, dito ba talaga siya natulog? Sa'n naman nagpwesto si Eiya? 'Wag niyang sabihing nakipagpalit siya kay Kayden at do'n kina Elijah siya natulog! Waaaaa- hindi maaari 'to!

Tumakbo ako palabas ng kwarto at nagmadaling bumaba. Masasapak ko talaga si Elijah kapag may ginawa siyang hindi maganda kay Eiya. Kakalbuhin ko naman si Eiya kapag natulog siya sa kwarto nh mga hudlong. Sa 'kin pa naman siya pinagkatiwala ng mga magulang niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now