Hmm?

"Ah... y-yung nakabungguan n-namin sa m-mall, oo sa mall." Bakit ba kapag sasagot si Eiya, hindi siya nakatingin sa 'kin, nanlalaki ang mata niyang nakatutok kay Trina.

"Tapos y-yung bahay nila, m-malapit sa 'min." Dagdag naman ni Trina.

"Pumunta kayo ng mall tapos hindi niyo 'ko sinama." Kunwari lang akong nagtatampo, may pasimangot effect pa.

"M-matagal na 'yon, h-hindi ko na nga matandaan k-kung k-kelan." Ani Trina.

"Ahh.." Tumango na lang ako sa kaniya bago sila iwanan at bumalik sa pwesto ko.

Nakabungguan niya lang sa mall tapos ngayon gusto niya na siya? Ang matindi pa no'n may number nila ang isa't isa. Nasundan pa siguro ang pagbubungguan nila. Dapat kotse na ang binunggo nila... Joke lang.

"Pasensya na sa abala, may gustong kumausap sayo." Sabi ni Trina.

["Who?"]

Inilapit ni Trina sa 'min ang cellphone niya pero kaniya-kaniya kami ng iwas ng tingin. Ang dare ni Alzhane tawagan lang siya pero hindi naman kasama 'yong kausapin namin siya. Hindi naman namin siya kilala at isa pa, mas gusto namin si Vance para sa kaniya kahit pa palagi silang may gyera.

Nang makitang walang gustong kumausap sa lalaki, si Alzhane na rin naman ang nagsalita, tutal siya na rin daw ang nagpagawa no'n kaya naman siya na ang makikipag-usap.

"Hi, Valere, I'm Alzhane, uh... Trina is a friend of mine. Gusto ko lang itanong kung may gusto ka ba sa kaniya?"

["Huh?"] Parang naguguluhan pa si Valere.

"I know kung hindi mo pa masasagot 'yan... I just want to say that Trina likes you."

["Huh?"]

"King inang 'to, puro huh na lang ang naging sagot." Bulong ko kay Kenji, sinenyasan niya lang ako na manahimik, parang kinikilig pa siya sa pakikinig sa usapan nung tatlo.

"I dare her to call the boy or should I say... the man she likes and she called you. Now you know." Sabi ni Alzhane at kinindatan pa 'ko.

Kumunot naman ang noo ko. Para sa'n naman kaya 'yon? Dapat si Trina ang kinindatan niya, hindi ako.

["Ah... She said that she likes me? Tama ba?"] Narinig pa namin ang makapanindig balahibong pagtawa niya.

"Hindi lang 'to aning sa kaka-huh? niya, bingi rin pala." Sabi naman ni Eiya ng nakangiwi.

"Yes! I'm happy that my friend is happy because he likes you, I hope you like him back, he will be happier with that."

Lumapit ako kay Alzhane at inakbayan siya. Nagiging madaldal na siya ngayon, hindi ko alam kung pinagseselosan niya ba si Vance o sadyang kay Valere ang boto niya. Wala naman sa 'kin kung kanino siya mas boto dahil ang feelings ni Trina ang nakasalalay dito.

"Tama na 'yan, ayos na..." Bulong ko sa kaniya dahil nakikita ko na ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Vance.

Alam kong gusto niya rin si Trina, ayaw niya lang umamin. Ang torpe kasi. Sabagay, baka takot din siyang mawala ang pagkakaibigan nila gaya ng iba. Kahit ako naman gano'n din... pero hindi ako nagpapakamartyr.

["Don't worry, I like her too..."]

Napasinghap kaming lahat dahil sa naisagot nung lalaki. Mula kanina at tahimik kaming lahat at pinapakiramdaman ang isa't isa. Simula nung tawagan ni Trina si Valere, panay na lang ang pag-inom nila, kung magsasalita man sila, hanggang bulong lang ang ginawa nila.

"Really?! Then I am glad to hear that! I know that Trina is happy right now!" Masiglang sabi ni Alzhane.

Tiganan mo 'tong babaeng 'to. Lasing na ata siya kahit wala pang isang lata ang naiinom niya. Nasa'n na 'yung Alzhane na tahimik at inaalala 'yung mga tao sa paligid niya? Nasa'n na? Ilabas niyo na! Baka sinaniban na siya ng ibang kaluluwa kaya siya ganito.

Ang sama ng titig ni Trina kay Alzhane, samantalang 'yung isa panay lang ang pagpapacute. Anak ng teteng naman. Mukhang pinagtitripan lang talaga kami nitong Alzhane na 'to e. Pero sabi nung lalaki na gusto niya si Alzhane, totoo kaya 'yun? Lahat kami rito testigo kapag hindi siya nagsabi ng totoo.

["Yes. I'm sure she's happy. I'm happy too, if he hears what I'm saying, Trina... I hope you're happy, take care, you'll pay for this, lovelots."]

Ay, bakit parang nagbabanta naman ang tono ng pananalita niya. Huminga ako ng malalim. Parang may naaamoy akong kakaiba rito e. Parang may mali sa tawag na 'yon. Pinatay niya na rin ang tawag pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon.

"Hay, buti naman pinatay niya na ang tawag. Nakakatakot sumabat sa usapan niyo, baka marinig niya pa ang mga sasabihin namin." Sabi ni Aiden.

"Hindi mo nsman sinabing may gusto ka pala ah! Bakit hindi namin alam 'yon?" Parang kuya si Alexis na nanenermon ngayon.

Parang nakahinga naman ng maluwang si Trina dahil napapabuga pa siya sa hangin. Si Vance, nakaupo na sa may gilid ng bonfire, nakalagay ang mga siko niya sa binti niya, may hawak siyang alak sa isang kamay at nakatingin sa malayo. Napakaseryoso ng taong ito ngayon.

May naaamoy talaga akong kakaiba sa mga pagitan naming lahat e. Sininghot-singhot ako at nakita ko si Kenji na nasa tabi lang pala ni Vance at may iniihaw na marshmallows. Kaya pala may naaamoy akong nasusunog.

"Last na. Ituloy na natin tapos nagkwentuhan na lang tayo!" Sigaw ni Lucas.

Ako na ang nagpaikot ng bote, napalakas ata 'yon kaya naman ang tagal bago huminto. Maingay na ulit ang mga hudlong ngayon. Nag-aagawan na ng pagkain. Si Valere lang pala ang makakapagpatahimik sa kanila e. Tumama ang nguso ng bote sa pwesto ni Asher.

"Truth or dare?" Tanong ni Shikainah.

"Truth." Nakangiti ngunit seryosong tugon niya.

"Do you... like, Heira?"

Ako naman ang nanigas sa kinauupuan ko dahil sa tanong ni Maurence sa kaniya. Napalunok ako at pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila at kay Asher na ngayon ay nananahimik lang sa isang banda. Hindi alam ang isasagot.

"Answer us, 'dre." Ani Xavier. Napansin ko lang na hindi siya masyadong nagsasalita ngayon ah.

"I don't know..." Sagot ni Asher ng nakayuko, ayaw kaming tignan.

"Pa'nong 'you don't know?' mero'n bang gano'n?" Tanong naman ni Eiya.

"I don't like her... but she's... she is special to me."

Nakahinga ako ng maluwang sa sagot niya. Pagkaangat ng ulo niya ay tumama sa 'kin ang paningin niya. Nginitian ko siya at nagthumbs up. Sabi na e. Kaibigan ko siya, kaibigan niya 'ko. Magkaibigan kami, wala ng mas hihigit pa ro'n.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora