Pero alam ko naman ang bulong ni Eiya ay parang normal na boses niya lang kaya naririnig ko kahit ayaw kong marinig.
"Ih, kasi naman, may ano... may a-ano siya." Hindi alam ni Trina ang isasagot niya kaya naman kumamot na lang siya ng ulo niya.
"May ano? Ano? Puro ka na lang ano, anohin kita riyan eh."
"May iba siyang gusto, alam ko nagdidate na silang dalawa."
"Sino? Yung Tiffany?"
"Oo, anak ka ng nanay mo, bakit mo pa sinabi ang pangalan niya, nakakainis ka!" Hinampas ni Trina ang balikat ni Eiya.
Sinong Tiffany? Bakit wala akong alam sa mga pinagsasabi nila? Aamin daw si Trina pero kanino? Tapos sino sino yung dinidate ni Tiffany?
"Tama naman ako, ang bagal mo kasi, ayan tuloy ang ending nagseselos ka?" Natatawang sambit ni Eiya.
"Hayaan mo, gusto ko lang naman siya, iiwasan ko lang siya."
"Eh?" Tumabingi pa ang ulo niya.
"Oo, mawawala rin 'to 'no! Nawala na nga yung feelings ko sa ex ko, sure akong mawawala rin ang feelings ko sa bonak na 'yon."
Sinong bonak? Bonakid? Bata? Bata ang gusto niya?! Hala! Hindi pwede 'yon, pedophilia.
"Ilang araw mo na ngang iniiwasan pero nandiyan pa rin. Ayos ka lang?"
"Psh! Kasi naman eh. Ang gulo-gulo, nakakaimbyerna na, kaya nga iniiwasan ko siya kasi nga nalaman ko na gusto ko siya—!"
"Sinong gusto mo?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"A-ah.. Yakie, nandito ka p-pala, kanina ka pa riyan?" Tanong niya sa 'kin, namumutla siya.
"Ayos ka lang? May sakit ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
Nilagay ko ang likod ng palad ko sa leeg niya, pinagpapawisan din siya kahit hindi naman mainit. Wala naman din siyang lagnat.
"Wala... w-wala akong sakit. N-nagulat lang ako d-dahil bigla ka na l-lang sumulpot."
"Bakit ka nauutal?"
"Wala... ano! Basta, hehehe." Wala sa sariling sabi niya.
Tumawa naman si Eiya sa kaniya, nainis naman siya kaya kinurot niya ang tagiliran nung isa.
"We? Sino yung gusto mo?" Bulong ko sa kaniya. "Tayo-tayo lang naman ang may alam."
"Wala 'yon," pagsisinungaling niya, halata naman siya dahil nanlalaki ang butas ng ilong niya.
"Gusto ni si Va— hmmm hmmm!" Hindi ko na maintindihan ang sinabi ni Eiya dahil tinakpan ni Trina ang bibig niya.
Ilang saglit lang 'yon dahil nagpupumiglas si Eiya sa kaniya. "Sige, magsalita ka na."
"Si Va... Valere! Oo, Valere!" Tarantang sagot ni Eiya, tumango-tango pa siya.
"Velere? Sino 'yon?" Takang tanong ko.
Parang wala akong kilalang gano'n ang pangalan, ngayon ko nga lang narinig 'yon eh. Wala kaming kaklaseng gano'n ang pangalan, wala rin naman kaming kaibigan.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 169
Mulai dari awal
