Tangina... iligtas niyo 'ko rito sa kapahamakan na 'to.
Pinilit ako nung iba. Kahit anong gawin ko, hindi ako mananalo sa kanila. Sino nga bang mananalo kung lahat ng mga hudlong kakampi ni Kulapo? Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Kinuyom ko ang mga palad ko at timambol ang lamesa.
Nagsitilian pa sila dahil sa gulat.
"Isang linggo lang. Isang linggo. Hindi sosobra, hindi kukulang!" Pagdidiin ko, tumawa lang naman siya at tumango.
Gusto ko siyang sapakin, suntukin at sipain hanggang sa madurog siya ng pinong-pino. Tatawa-tawa pa siya sa gusto niyang mangyari huh?! Sina mommy nga hindi ako ginagawang alalay tapos heto?!
Bwisit.
"‘Yon! Ipagpatuloy ang laro!" Sigaw ni Alexis at siya na ang nagpaikot ng bote, tumama 'yon sa pwesto ni Trina.
"Truth or dare?"
"Uhm... sige, dare. Siguraduhin niyo lang na madali lang 'yan dahil hindi ko kayo papatahimikin buong taon kapag nagkataon." Nagbabanta na kaagad siya, wala pa nga e.
Si Alzhane ang nagbigay ng dare niya. Siguradong hindi naman mahirap 'yon, hindi kagaya nung sa 'kin. Utos pangkaibigan lang 'yon.
"I dare you to... call the one you like."
Nakita kong natigilan si Trina at napanganga pa. Namutla siya bigla at parang kahit na anong oras ay pagpapawisan na siya. Anong nangyari rito? Kinuha niya ang beer at saka ininuman 'yon.
"Ha?!" 'Yon na lang ang nasabi niya, nakita ko naman ang natunog na pagngisi ni Vance. Ang lakas ng komyansa nito sa sarili niya.
"Tawagan mo na, wala ka bang load?" Tanong ni Eiya.
"Pahiramin na lang po kita ng cellphone, may load po ako." Sabi ni Hanna na kaagad naman niyang inilingan.
"Hindi. Ako na lang ang tatawag... I mean gagamitin ko na lang ang cellphone ko." Utal na sabi niya sa 'min. Kinakabahan 'to dahil sa parang nanginginig pa ang mga kamay niya.
Pinanood namin siya kung paano niya kunin ang cellphone niya sa may bulsa niya hanggang sa buksan niya 'yon at may dinial na numero. Nasa taas lang ng lamesa ang cellphone ni Vance. Hinihintay namin na magring 'yon pero hindi nangyari ang inaasahan namin.
Nagring ang cellphone ni Trina at hinihintay na lang na may sumagot no'n. Nakita ko ang pagkalukot ng mukha ni Vance at parang dumilim ang mga mata niya. Ngayon lang namin siya nakitang ganito ang awra niya, napa'no nananaman kaya 'to?
Ilang saglit lang ay may sumagot na. Binaba ni Trina ang cellphone niya sa lamesa tsaka niya ini-loud-speaker 'yon para marinig naming lahat. Tanging pagbuntong hininga lang ang bumungad sa 'min. Tinanguan namin si Trina at tinuro ang cellphone niya.
Lahat kami ay bagsak ang balikat dahil sa ginawa niya. Akala talaga namin si Vance ang gusto niya pero nagkamali kami. Baka nasanay lang kami na palagi silang magkasama... magkaaway.
"Hello, Valere..."
["Lady..."]
Ano?! Si Valere? Totoo siya? Buong akala ko palusot niya lang 'yon, akala ko walang taong gano'n ang pangalan. Siya 'yung sinabi niyang nagugustuhan niya noong nasa university pa kami, mga panahong nagrereview kami para sa exams.
"Dapat kasi umamin ka na lang sa kaniya." Narinig kong bulong ni Eiya, nasa malapit lang kasi siya.
Si Trina pala ang kausap niya, masyado silang malapit kaya naman alam kong may sikreto silang tinatago, hindi naman sila magbubulungan kung wala.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 169
Start from the beginning
