Kalahating oras na ata kaming nagkakatinginang lahat dito. Wala kaming mga maisip na magawa. Naglalaro nga kami pero nahinto naman. Nag-iisip pa sila e. Kinalikot-likot ko na lang ang dulo ng buhok ko gamit ang mga daliri ko.
Ang tigas.
"Sige, ako na lang ang magde-dare kay Yakie!" Si Kenji ang bumasag ng katahimikan.
Gusto ko siyang batukan ngayon dahil sa sinabi niya. Pinapahupa ko lang ang oras e para makaligtas ako sa dare tapos hindi ko pa iinumin 'yong lason na ginawa niya. Tapos ngayon sasabihin niya sa 'kin na may naisip siya?!
"Yakie..."
"Hmm?" Sagot ko habang nanlalaki ang butas ng ilong ko. Pinagbabantaan ko na siya sa ginagawa ko.
"I dare you to say—!"
"I am the only one who will give her dare." Putol ni Kayden sa sinasabi ni Kenji.
'Yon naman pala e! Siya rin pala ang magpapataw ng parusa ko, bakit pa niya pinatagal? Trip niya lang paghintayin kaming lahat? Trip niya lang na sumabat kay Kenji ngayong may alam na siya na ipagawa sa 'kin?
"Sige ikaw na lang." Masiglang sabi ni Kenji tsaka bumaling sa 'kin. "Yakie, siya ang magbibigay ng dare mo! Humanda ka na!" Pagbabanta niya.
Pinagtaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot. Tumingin ko kay Kayden na ngayon ay nakangiti at umaaktong may iniisip. Subukan niya lang na kalokohan ang ipapagawa niya sa 'kin, sasapakin ko siya... 360°.
"Bilisin mo, oy. Ang lalim na ng gabi ko oh." Reklamo ko sa kaniya.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot sa 'kin. Mas lumawak ang mga ngiti niya sa labi, kahit hindi magkalapat ang mga balat namin, parang kinukuryente ako. Nagsitaasan ang mga balahibo ko.
"Patay ka, Heira..."
"Ready your self!"
"Kayden, pahirapan mo siya. Malakas naman 'yan kaya hindi 'yan aatras."
"Patakbuhin mo siya sa itaas nung dagat na 'yon."
"Halikan mo na lang para matapos na!"
Sinamaan ko sila ng tingin. Ang lakas ng topak ng mga hudlong na 'to, nanakot pa talaga. Akala ba nila masisindak ako sa kulapo na 'to, dahil sa mga pangisi-ngisi niya? Pwes hindi! Kinakabahan lang ako pero hindi ako natatakot sa kaniya. Bakit, sino ba siya sa akala niya?
"I dare you to... be my slave for one week."
Whaaaaat?!
"Ano?!" Napatayo ako ng wala sa oras dahil do'n.
Napakasama niya. Bakit ko naman siya susundin? Magiging alalay niya sa isang linggo, ano, para pahirapan niya lang ako? Tagain niya na lang ako bago niya magawa 'yun.
"I dare you to be my slave for one week." Nakangising pag-uulit niya.
"Bakit ko naman gagawin 'yon, aber?"
"Because you choose the dare... it's a game, kailangan mong maging patas."
"Bakit 'yung sa kanila ang dadali lang tapos 'yung sa 'kin—!"
"if you don't want to do the dare, just drink that."
Mana ba 'to kay Adi? O baka naman magkatuglong ang mga pusod nila kaya naman parehas ang mga sinasabi nila?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 169
Start from the beginning
