Pinapakinggan ko lang sila pero wala akong balak na sundin ang mga 'yon, parang pasok sa unang tenga, lalabas sa pangalawa. May sarili akong trip sa mga damit ko e. Walang basaganbng trip.
Pagkatapos naming kumain, sina Eiya at Shikainah na ang nagprisinta na maghugas ng plato. Hindi naman namin sila iniwan sa may kusina para may kausap sila. Nag-uudjust pa kasi si Shikainah sa pakikitungo sa 'min.
Ayaw niya mang ipakita, nahahalata ko siya na nahihirapan pa siya sa pakikipag-usap at pakikihalubilo sa 'min. Minsan nakikita ko siya na kasama si Madison, wala naman akong magagawa dahil siya 'yong uan niyang naging kaibigan kaysa sa 'min.
Pero ang nakakapagtaka lang, bakit parang patago ang ginagawa nilang pagkikita? Kapag magkasama sila, hindi nila kasama 'yong sina Porpol, Clown #1, #2, at #3. Baka silang dalawa lang ang nagkabati, hindi kasama 'yong apat.
"Ano kayang magandang gawin bukas?" Tanong ni Trina habang nagbabalat ng pongkan.
Nagpapahinga na rin naman kami dahil kakatapos lang naming kumain. Nakaharap kami sa mga likod nung dalawang naghuhugas ng pinggan. Ganiyan din ang tanong ko sa sarili ko, ano pa ba ang magandang gawin maliban sa pagtulog at pagswimming?
"Jetski." Sagot ni Eiya. "Mero'ng jetski sina Elijah, pwede raw hiramin. 'Yon na lang ang subukan natin bukas."
"Do they have a boat here? Or the ones that can be rented? Can we go island hopping? May nakita kasi ako sa google na may mga isla pang marami malapit dito." Ani Alzhane.
"Sige, itatanong ko na lang sa kaniya." Tugon ni Eiya.
Minsan, napapakinabangan din pala ang lovelife ng mga kaibigan ko. Hanggang cheer na lang ako sa kanila, tutal wala naman ako no'n, at wala akong balak na magkaro'n.
"Tapos na! Papatuyuin na lang!" Masiglang sabi ni Eiya, parang ngayon lang naghugas ng plato.
Tumayo kami, ako ang panghuli dahil lamya ang mga paghakbang ko, nakayuko pa 'ko dahil sa nagpapabalat ng dalangita ni Hanna. Maliit daw ang mga kuko niya kaya nahihirapan siya sa pagbabalat. Nahiya naman ang mga kuko kong pudpod na. Hindi ko alam kung nasusundan ko pa ba sila o hindi na. Basta nakikita ko ang mga hinahakbangan ko.
Wala ng tao rito, baka nasa labas na silang lahat. Bakit ba naiiwan ako palagi rito? Palaging nahuhuli. Hindi makapaghintay? Palabas na sana ako ng pinto nang may humaklit sa braso ko dahilan para mapaatras ako.
"Kayden, bitawan mo nga ako." Sabi ko habang nagpupumiglas.
Hindi niya 'ko sinagot, nanatiling madilim ang mga mata niya. Gamit lang ang paningin niya parang pinagbabantaan niya na 'ko. Sumimangot naman ako. Inaano ko nananaman 'to? Hindi naman mahigpit ang paghawak niya pero sakto lang 'yon para hindi ako makawala sa hawak niya.
"Labas na tayo oh. Bitaw na." Sabi ko ng mas mahinahon.
"Bakit ganiyan ang suot mo?" Malamig na tanong niya pero ramdam kong inis sa tono ng pananalita niya.
"Pinasuot sa 'kin 'to nina Trina—!"
"Sinuot mo naman?!"
"Oo, bakit naman hindi? Ngayon ko lang naman 'to susuotin."
"Palitan mo 'yan, magpalit ka." Nagtangis ang bagang niya, panay pa ang pagbuntong hininga niya.
"Ayaw ko. Mamaya ako nagpapalit, magagalit sina Trina sa 'kin kapag kaagad akong nagpalit ng ibang—!"
"Magpapalit ka ba o huhubaran kita?"
Napanganga ba lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya 'yung tipo ng tao na nagbibiro sa ganitong oras. Ramdam ko ang galit niya pero bakit naman siya nagagalit sa suot ko? Gusto ba niya na siya na lang ang magsuot niyo?
Wala sa sariling napatakbo ako pabalik ng kwarto namin at nagmadaling naghanap ng damit. Kamalas-malasang nawawala ang bag ko. Pinatong ko lang 'yon sa cabinet ah, hindi ko naman ginalaw.
"Nasa'n na 'yun..." Bulong ko sa sarili ko.
Pumunta ako ng banyo at hinaluglog ang mga gamit, kabinet pati na ang bathtub. Wala akong nakita kahit zipper man lang ng bag ko. Bumalik ako sa loob at gumapang para hanapin sa ibaba ng mga mata. Dumausdos na nga ako sa mismong ilalim no'n pero wala akong nakita kahit alikabok man lang.
Huminga ako ng malalim. Naghanap ako sa mga cabinets at sa kung saan-saan pa. Tanging mga bag lang nila Trina ang nakita ko, wala rin 'yung kay Eiya. Mukhang wala na 'kong pag-asa rito lalo na ng marinig ko ang malalakas na katok mula sa labas.
"Magpalit ka na... then get out of here." Seryoso ang boses ni Kayden.
"...Just make sure the clothes you wear are proper or else..." Nagbabanta ang boses niya kaya naman wala na 'kong nagawa kundi hilahin ang nakatuping kumot at 'yon ang itinalukbong ko sa katawan ko.
Ayaw kong pakialaman ang gamit nina Trina. Kahit na kaibigan ko sila, hindi pa rin maganda na hawakan ko ang pagmamay-ari nila ng walang paalam, mahirap na kasi kapag may kagalitan ka tapos kaibigan mo pa.
Nagmadali akong lumabas ng kwarto, nadatnan ko si Kayden na nakasandal sa pader habang nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Seryoso ang mga mata at nakatingin sa harapan. Napatingin din tuloy ako ro'n.
Wow ilaw.
"What are you doing?"
"Ay palaka!"
Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa... tsaka ngumiwi. Grabe naman 'tong lalaking 'to, akala mo naman nakakadiri ang suot ko. Kumot lang 'to oy, malinis, bagong laba!
"Ano 'yan?" Parang naiinis na tinuro niya pa ang kumot.
Para kasi akong nasamalamig na lugar. Mukha at paa lang ang nakikita sa 'kin, pati kasi ulo ko tinalukbungan ko. Nakangising aso naman akong sumagot sa kaniya.
"Kumot, hindi mo ba nakikita—?"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng hapitin niya 'ko tsaka niya ako sinandal sa pader na kaninang sinasandalan niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin, isang maling galaw... mahahalikan niya 'ko.
Pumupungay ang mga mata niya na para bang lasing. Tinikom ko naman ang bibig ko, natatakot sa pwede niyang gawin. Sinubukan kong tumakas sa pwesto ko pero hinarang niya ang dalawang kamay niya sa gilid ko.
"One sarcastic answer, one kiss..." Bulong niya sa tenga ko kaya naman nagsitaasan ang mga balahibo ko dahilan para matanggal ang pagkakatikom ng bibig ko.
Putangina...
Ginawa niyang daan 'yon para mas ilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Gahibla na lang ng buhok ang pagitan ng mga labi namin, hindi na nga ako humihinga dahil sa kaba. Tinutulak ko siya pero sadyang malakas siya, nababalik lang ako sa pader e.
Akmang hahalikan niya 'ko ng may humagikgik sa may hagdan. Do'n ko nakita si Kenji na nakadapa na animong nahuhulog dahil nakahawak lang siya sa ibabang bahagi nung hawakan ng hagdan. Kanina pa siya rito?
"Ay tapos na... sige ituloy niyo na, bababa na 'ko." Sabi niya tsaka nagpadausdod pababa.
Ako ata ang nasaktan dahil sa ginawa niya. Hindi kaya nakalas ang mga buto niya dahil sa pagkakasaldak sa mga steps ng hagdan? Habang nakatingin si Kayden sa may hagdan, na para bang sinisigurado kung nandon pa ang batang hapon ay yumuko ako at lumabas sa nga bisig niya.
Muntikan pa 'kong matawa dahil nung pagkabaling niya ulit sa harapan niya... nagtataka siya kung saan ako pumunta. Pinanliitan niya pa 'ko ng mata, ginaya ko rin siya. Akala ba niya masisindak ako?
"Remember what I said, Heira. Hindi ako nagbibiro. Naririnig kita, 'wag kang bumulong ng bumulong."
Ay, narinig niya pala 'yon? Sabi ko kasi sa sarili ko... "Bakit, bayani ka ba para tandaan ko ang mga sinabi mo? Sana lahat hindi nagbibiro..." ang hina lang naman no'n pero narinig niya.
Ang lakas naman ng pandinig mo, Kulapo.
"Bumaba ka na. 'Wag mong tatanggalin 'yang kumot, alam kong hindi ka nagpalit."
"O-oo... mauna na 'ko." Utal kong sabi tsaka nagmadaling bumaba. Nakakatakot siya kung magbanta!
"One sarcastic answer, one kiss..."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 166
Start from the beginning
