Ngayon ko lang ata 'to mararanasan. 'Yong bang parang magkakasama... ay hindi. Hindi lang pala 'parang', totoo nga pala 'to. Totoong magkakasama kami sa isang bahay na parang isang pamilya. Nagtutulungan at nagkakakasiyahan. Parang kapag kasama namin sila, kampante kami na walang mangyayaring hindi maganda.
"Sabi sayo e. Bagay na bagay talaga 'yang suot mo sayo. Dapat kanina mo pa sinuot 'yan." Si Trina ang nagpasimula ng usapan.
Umiling lang ako at pinagmamasdan ang suot ko. Hindi sa ganitong damit ako komportable. Hindi 'to 'yung damit na gamay ng katawan ko. Hindi 'to 'yung damit na alam kong gusto kong suotin. Parang naninibago pa ang balat ko sa ganito kakitang damit.
"Sayang naman, dapat pala nagpicture tayo kanina habang suot natin ang mga 'yan." Dismayadong sabi ni Eiya.
"Oo nga e. Then we'll post it on Instagram." Dugtong naman ni Alzhane.
"Hayaan mo, bukas na lang tayo mag-picture. Madilim na sa labas, baka hindi naman tayo nila makuhanan ng maayos." Sabi ni Shikainah na siyang dahilan para mabitawan ko ang mga kubyertos na hawak ko.
"May bukas pa?"
Teka. Kanta 'yon ah.
"...Ibig kong sabihin, hanggang bukas natin 'to susuotin? Hindi na tayo magpalalit?" Pangangalaro ko.
"Gaga! Anong akala mo sa 'min, hindi marunong magpalit ng damit? Hello, pwede naman tayong magpicture bukas na suot ang pare-parehong kulay ng damit, kahit hindi na 'yong style." Tugon ni Trina pagkatapos akong pagtawanan.
Ngumiwi na lang ako. Sumubo muna ako nung pagkain ko bago nagsalita. Ang sarap nito, mukhang bagong luto lang ang mga 'to dahil sa mainit pa. Ang bango pa nito. Sigurado akong hindi sina Trina ang nagluto nito, may pa-plating kasi 'to, ang ayos ng pagkakalagay sa plato.
"Ah... akala ko kasi hanggang bukas natin 'to susuotin e. Mamaya lang tatanggalin ko na 'to, hindi ko na isusuot pa bukas." Sabi ko.
"Ilang minuto mo pa lang na suot 'yang swimsuit na 'yan pero parang kating-kati ka na palitan 'yan ah."
"Eiya... syempre naman, alam mo naman na hindi ganito ang damit na isinusuot ko e. Kayo lang 'tong mapilit"
"Kaya ka nagmumukhang lalaki e. Palaging malalaki at loose ang mga damit na suot mo."
"Hoy, hindi kaya. Mero'n kaya akong sando tsaka mga shorts na sinusuot sa bahay. Hindi mo lang ako nakikitang nakasuot ng gano'n."
"E pa'no kita makikita, palagi kang nasa bahay niyo? Kung hindi pa kita tatawagin hindi mo 'ko dadalawin sa bahay." Ngumuso naman siya.
"Sa'n naman ako pupunta kung gano'n? Maglalakwatsa? Kapag niyan nakipagkita ako sa mga kaaway ko, natatakot kayo e." Nakangising sabi ko.
"Psh! Hindi 'yon, ibig kong sabihin, dapat masanay ka na sa mga damit na pambabae."
"Bakit? Hindi ba pambabae 'yong t-shirt tsaka short."
"Oo!" Sigaw nilang lahat.
"Hindi niyo naman sinabi sa 'kin na may kasarian na pala ang mga damit ngayon." Nakasimangot na sagot ko sa kanila.
"Slow mo, Isha. Gusto lang naming sabihin na dapat gumaya ka sa 'min, gayahin mo 'yong sinusuot namin para magmukha kang babae."
"Bakit ko naman kayo gagayahin? May sarili akong style, kaniya-kaniya tayo ng style hehehe." Sabi ko.
Habang kumakain kami, pinapangaralan nila ako. Kesyo dapat masanay na 'ko dahil sa mga susunod na taon, gaya ng mga damit nila ang susuotin ko. E sa anong magagawa ko? 'Yon ang nakasanayan ko. Bawat mga paglunok ko, isinasabay ko 'yong mga paalala na pinapakain nila sa 'kin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 166
Start from the beginning
