Tumingin ako sa baba habang naglalakad kami papunta sa hagdan. Nagkakagulo nga sila pero ngayon, nakatshirt at panjama ata ang suot nilang lahat. Baki hindi kaya gumaya ang mga babaitang mga 'to. Hindi ba sila nilalamig? Kasi ako oo, nasa loob pa lang kami ng bahay pero dumadampi na sa balat ko ang malamig na hangin.
Niyakap ko na lang ang sarili ko at kiniskis ang mga palad ko sa braso ko. Kung malamig ngayon, ano pa ba ang ilalamig nung nasa labas? Tabing dagat pa naman 'yon. Do'n pa naman nila gagawin 'yong bonfire. Pero sabagay, mainit naman ang apoy.
"Oh, nandito na pala kayo— hala, bakit gan'yan ang suot mo?" Tanong ni Kenji at parang nandidiring tinuro ang suot ko.
Tinampal naman 'yon ni Trina. "Ang ganda kaya tignan mo, pare-pareho kami oh!"
Sumipol 'yong iba kaya naman parang nanliit ako sa kinatatayuan ko. Lupa, bumuka ka at lamunin mo muna ako. Mas pumunta ako sa likod nila 'yong tipong hindi ako makikita ng iba. Namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan ngayon. Isinusumpa ko 'tong mga kaibigan ko na 'to.
"Heira... nakaswimsuit ka?" Takang tanong ni Timber, sinubukan niya pa nga akong tignan pero humakbang ako para makatago sa mga katawan nina Eiya.
"...Nakaswimsuit ka nga, patay na." Bulong niya na siya namang pinagtaka ko.
Anong ibig niyang sabihin?
Hala! Oo nga, si Kio. Patay ako nito. Sana lang tutok na lang siya sa cellphone niya para hindi niya na lang mapansin ang suot ko. Buti na lang wala siya rito sa loob, baka nasa labas 'yon at nagpapahangin. Ayaw kong makukuha ng sermon ngayong bakasyon.
"Bakit niyo pa dinamay si Yakie r'yan sa suot niyo?" Alanganing sabi ni Xavier at nag-iwas ng tingin.
Kung para sa iba, normal lang na ganito ang suot namin dahil sa nasa resort kami. Para sa kanila, hindi. Palagi nila kaming nakikitang naka-t-shirt o kaya naman naka-uniform. May balak pa talaga silang lumangoy ngayong gabi.
Lumapit sa kaniya si Shikainah at inangkla ang kamay sa braso ni Xavier. Ngumiti pa ito ng malawak, parang barbie tuloy siya sa itsura niya. Barbie'ng gumagalaw. Ngumiwi naman ni Xavier.
"Mahal... ngayon lang naman 'to e. Hindi na mauulit bukas." Nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinabi ni Shikainah, buti na lang. Buti na lang at ilang oras lang ang mga pasakit ko.
"Talagang hindi na mauulit. Baka nga hindi magtagal 'yang suot niyo e."
"Huh?" Tanong namin sa kaniya.
"Wala. Nevermind. Kumain na kayo, ang tagal niyong mag-ayos e!" Pagmamaktol niya.
Pumunta kami sa kusina. Rinig ko pa ang bulungan ng mga hudlong pero hindi malinaw sa 'kin kung anong mga salita ang lumalabas sa bibig nila. Masyadong mahina 'yon tapos parang mga ngongo pa kung magsalita. Hindi ko na lang inintindi ang usapan nila.
"Kumain na 'yong iba?" Tanong ko ng mapansing nabawasan na ang pagkain sa lamesa.
Tumango naman si Xavier. "Oo, kanina pa. Hinihintay nga namin kayong bumaba pero ang tagal ninyo." Sagot niya.
Kaniya-kaniya kami ng kuha ng makakain. Tabi-tabi na lang kami sa mga upuan, kaysa naman umokopa pa kami ng malaking espasyon. Baka sigawan lang kami ni Trina dahil sa layo namin sa isa't isa.
Konti lang ang kinuha ko dahil bawal akong mabusog. Kakain pa kami mamaya sa may bonfire, mas maganda 'yon habang nagkukwentuhan sa ilalim ng buwan.
Kanin, manok na pinirito, gulay na iginisa sa sarsa at sinigang na baboy lang ang kinuha ko. Oo, konti lang 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 166
Start from the beginning
