"Bumalik ako sa kwarto no'n," tugon ko.
"Bakit naman? Tumakbo pa naman kami, halos madapa na 'ko tapos 'yong leader namin bumalik pala ng kwarto. Ang galing."
"Nawala sa isip ko e. Malay ko bang mahuhuli kaagad kayo, akala ko naman naliligo 'yong mga 'yon kaya nga pinalabas ko na kaagad kayo para makapagtago kayo saglit."
"Kahit na!" Sumimangot siya. "Dapat sumunod ka pa rin sa 'min, sayang 'yong beauty rest ko, nahaggard lang ako kay Vance."
"May beauty ka ba?" Pang-aasar ko, nakakuha tuloy ako ng isang sapok mula sa kaniya.
Amazona ba 'tong babaeng 'to?
Panay ang paghampas e. Kung hindi hampas, batok naman. O kaya naman kurot at sabunot ang inaabot ko sa kaniya. Isa pa 'yong bunganga niyang torture sa tenga naming lahat. Pwede siyang mag-apply na announcer sa isang kumpanya.
"Tse! Bumalik ka sa kwarto dahil magpapalit ka na ng suot 'no?! Sus, kunwari ka pang ayaw mong magsuot ng ganito." Turo niya sa suot niya.
Nginiwian ko lang naman siya. "Hindi, kaya ako bumalik kasi matutulog ako. Gusto kong matulog, hindi magbabad."
"Ay gaga! Ang aga pa lang, inaanok ka na? Hindi ka naman puyat ah?!"
"Takaw tulog 'yan." Sabat ni Eiya. "Kahit saan ata, kahit na nakaupo lang siya nakakatulog 'yan."
"Parang dalawang oras pa lang tayong nakagising kanina. Hoy! Baka hindi ka talaga natutulog kapag gabi ah?"
"Siraulo. Bakit naman ako hindi matutulog kapag gabi? Immortal ba 'ko para hindi magpahinga?"
"Kasi aswang ka. 'Diba kapag gabi nahahati ang katawan ng mga aswang, oo, aswang si Yakie." Boses ni Kenji, nasa tabi ko na pala. Nakiupo pa siya sa duyan.
Inaalala ko, baka biglang bumigay ang duyan na sinasakyan namin, hindi na nga namin ginagalaw dahil parang mindali ang paggawa nito. Basang-basa pa ang katawan niya, buti na lang at may twalya na siya, baka bukas mapulmunya pa siya.
"Mukha ba 'kong aswang—?"
"Oo!" Sagot nilang lahat, napanguso na lang ako. Gano'n ba talaga kapangit ang itsura ko para sabihan nila ako ng gano'n? Porke ba hindi ako madalas na magsuklay, mukha na 'kong aswang?
Mga judger ang mga 'to ah.
"Pa'no, busagsag 'yang buhok mo, hindi mo nga ata sinusuklayan 'yan." Komento ni Shikainah.
"Pahiramin kita ng suklay, marami akong dala." Sabi naman ni Hanna.
Sumaka na sila, mukhang nagutom na. Panay kasi ang pagtakbo sa dalampasigan. Narinig ko pa nga na paunahan daw silang makakuha ng isda. Jusme. Pating na lang sana ang mahuli nila para worth it ang pagod.
"Hindi na." Pagtanggi ko. "May suklay ako sa bag."
"Then use it. I will comb your hair. Subukan nating pusurin." Prisinta ni Alzhane.
"Bakit ba pinipilit niyo 'kong magsuklay?"
"Kami ang naaalinsanganan sayo e."
"Alam mo, Trina. Marami ka ng problema, marami ng problema ang mundo, 'wag mo ng idamay 'tong buhok ko." Natatawang tugon ko.
Gano'n ang pwesto namin sa loob ng isang oras. Naghihintay lang kami na painitin ang tubig sa dagat. Sabi nila na magpipicnic kami ngayon, magpapahatid na lang sila ng pagkain para hindi na kami magluto. Natawa pa nga ako nung makita ko si Aiden na nasa taas ng puno ng buko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 164
Start from the beginning
