"Ano? Buhay pa ba kayo?" Natatawang tanong ko sa kanila.
"Wooooah! Kinabahan ako ro'n." Sabi ni Eiya habang pinapaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay niya.
"Napapa-highblood ako ni Vance, takte, sarap niyang pakainin ng mga korales." Sabi ni Trina.
"Grabe 'yung speech niyo ha. Pati ako nadala sa emosyon niyong dalawa." Kumento naman ni Shikainah.
Umupo kami sa tabi nila at tinanaw ang pinakabata sa 'ming lahat. Tumawa ang mga hudlong kaya naman nawala ang mga ngiti ko sa labi. Siguradong pinagchichismisan nananaman nila kami.
"Sa'n mo galing ang mga salitang 'yon, Heira?" Tanong ni Maurence habang nagpapaypay ng mga ihiniiihaw.
"Jupiter." Tugon ko
"Biruin niyo 'yon. Dalawa laban sa tatlo. Natututop 'yung tres marios e." Sambit ni Aiden.
"Palamigin niyo muna ang ulo nila. Magkakaayos din kayo ng mga mokong na 'yon. They can't stand you." Pangungumbinsi ni Lucas.
"Sana nga... pati kami nadadamay sa mga 'to e!" Inambahan ko ng batok ang mga kasama ko, lumayo tuloy sila.
Tanaw ko 'yong tatlo, naroon sila sa mangga kung saan ako nagpunta kagabi. Nakatingin din sila sa gawi namin at ang talim ng tigtig, para bang binabantayan ang mga babaita laban sa mga lalaking lalapit sa kanila. Mga future boyfriend na, baka future bodyguard pa.
Iniwas ko ang tingin ko, baka ako ang pagalitan nila dahil sa mga sinabi ko. Natutop sila e, ni hindi man lang nakapaglabas ng kahit na anong salita pagkatapos naming magpaliwanag sa kanila. Baka nga nagulo pa ang mga braincells nila sa mga sinabi ni Alzhane.
"Alzheimer..." Tawag ni Timber.
Nagtataka naman kaming tumingin sa kaniya. Napakalamig ng boses niya kaya naman nakuha niya ang atensiyon naming lahat. Siya ang nagsasalansan ng mga nalutong barbecue, natakam tuloy ako.
"Anong Alzheimer?" Tanong ko, sinong may sakit na gano'n? Makakalimutin?
"Siya." Turo niya kay Alzhane. "Alzheimer ang pangalan mo, 'diba?"
Sinamaan naman siya 1ng tingin nitong isa. Natawa naman kami dahil parang napahiya si Timber dahil sa sinabi niya. Alzheimer amputa. Ang ganda ng pangalan ni Alzhane tapos gagawin niya lang na sakit.
"Ya!" Sita niya. "Alzhane Reyes is my name, not Alzheimer! Mukha ba 'kong nakakalimot na?"
"Ay, Alzhane ba? Bakit ba kasi ang hirap sabihin ng pangalan mo, ang daming katunog." Paliwanag nung isa.
"All this time you were my classmate. Then you don't even know my name?"
"Alam ko naman pero nakalimutan ko lang talaga ang ano... ano kasi 'yon, uhm... oo, hindi ko nga alam."
"Psh. It's okay, ngayon alam mo na ang pangalan ko kaya 'wag mo 'kong tatawaging 'Alzheimer' okay? Parang hindi tayo nagkikita sa room, ah."
"Ang tahimik mo kasi. Hindi ko nga alam na may kaklase pala kami na kagaya mo, ang tahimik mo kasi." Sinasabi niya 'yon ng hindi nakatingin sa 'min.
"Excuse me?"
"Biro lang. Alam ko naman na kaklase ka namin. Gusto lang naman kitang sabihan na mag-ingay minsan, tignan mo si Trina, ang lakas ng bunganga."
Ayon! Tumpak ka r'yan, Timber.
"Anong sabi mo? Gusto mo bang ihawin ko 'yang dila mo sa may baga, Timber Ponciano?" Pagbabanta ni Trina sa kaniya.
"Ayaw ko nga. Sino bang tao ang gugustuhin na mapaso? Subukan natin sayo?"
Parang ibang Timber ang nakakausap namin ngayon. Nakainom ba 'to ng gamot kaya siya ganito? Palagi kasi siyang tahimik, minsan lang kung magsalita ng marami, nakikipagbiruan siya pero konting salita lang ang lumalabas sa dila niya.
Tapos ngayon, kaya niya na makipagtalastasan kay Trina, biniro niya pa si Alzhane. Nagbabago na ba ang mundo. Teka, speaking of tahimik, nasa'n na 'yung tatlo?
"Alexis, nakita mo 'yung tatlo?"
Lumingon naman siya sa 'kin. Nakaupo kasi siya sa buhanginan at pinapanood ang alon. Ang dami na palang pagkain na nasa harapan namin, nakalatag dito sa telang kinauupuan namin. Pasimple akong kumuha nung cheese sticks, bagong luto pa ata dahil mainit pa.
"Sinong tatlo? Si Elijah, ayun sila—!"
"Hindi 'yan, sina Kulapo, Abo tsaka si Adi." Sagot ko, pinagkunutan niya naman ako ng noo.
"Ha? Wala akong kilalang ganiyan ang pangalan. Mero'n pala pero si Adi lang. Malay ko ba kung sino ang mga sinasabi mo." Natatawang sambit niya.
Kinamot ko naman ang noo ko. Aissssh! Ang tino talaga niyang kausap. Kaibigan este kaklase niya 'yung tatlo pero hindi niya alam ang mga palayaw nila.
"Sina Kayden, Asher at Adriel, 'kako."
Gusto pa ata niya ng buong pangalan, manghiram ka ng birth certificate nila.
"Ah... umalis—!"
"We're here."
Napalingon ako sa nagsalita. Whaaaaat?!
"Let's make a bonfire later."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 163
Start from the beginning
