"Teka nga! Bakit ba nagagalit kayo? Boyfriend ba namin kayo?"
Kahit ako napanganga dahil sa isinigaw ni Trina. Nakita ko naman ang pagbagsak ng balikat nung dalawa. Si Xavier, wala namang naging reaksyon dahil boyfriend naman siya talaga Shikainah. Kawawa 'yung dalawa dahil tagos ang sinabi ni Trina.
"Foul 'yon. Ang sakit talaga no'n." Bulong ni Maurence sa 'kin.
"Tignan mo oh. Ang bilis na nawasak 'yung dalawa." Bulong naman ni Aiden.
"Oo nga naman. Hindi sila 'yung boyfriend pero... hindi naman kailangan 'yon para hindi magalit."
May punto si Jharylle ro'n.
Bago pa may umiyak dito ay lumapit na kami ni Alzhane sa kanila. Kami na ang magpapaliwanag para sa tatlo. Si Hanna kasi ay nando'n na sa may dagat at masayang lumalangoy kasama 'yung mga bata tsaka sina Kenji at Mavi.
"Vance, Elijah, and Xavier. Let them wear what they want." Sabi ni Alzhane.
"Kung iniisip niyo na nababastos sila dahil d'yan. Nagkakamali kayo. Walang mababastos, kung walang bastos. Depende na lang sa iba kung paano nila tatratuhin ang iba." Sagot ko naman, pumalakpak pa ang mga hudlong.
"Every woman has the right to wear whatever clothes she wants. We all deserve to show others what we want."
"Hayaan niyo sila dahil 'yan ang gusto nila. R'yan sila komportable, bakit niyo sila pipigilan?"
"No matter what we wear, others will respect us if they have respect."
"Kung natatakot naman kayong magustuhan sila ng iba. Ano naman ngayon? Gusto lang naman 'yon, lahat naman tayo ay may karapatan na magkagusto sa iba."
"She's right. Heira is right. they are already with you. You already have their hearts, why are you still worried? You just have to trust how they feel about you."
Huminga ako ng malalim bago sabihin ang mga litanya na tumatakbo sa isip ko ngayon. Siguro naman kung masasabi ko 'to sa kanila baka sakaling matauhan ang mga pag-iisip nila.
"Ngayon ko lang sasabihin sa inyo ito. Hindi nakabase o nakadepende ang respeto at pagmamahal sa damit ng isang tao. Nakabase 'yon sa ibang tao kung paano nila ipapadama o ipapakita ang pagmamahal at respeto nila sa kapwa nila."
Hiningal ako ro'n ah. Pero 'yang nga sinabi ko. Totoo 'yan, kaya 'yan ang mga nasabi ko dahil 'yon ang gusto kong iparating na punto. Iba na kasi ang takbo ng utak ng iba, akala nila na kapag maliit ang mga damit mo ay hindi ka na marerespeto. Pa'no naman 'yung mga nakasuot na ng panjama at long sleeves na naboboso pa rin?
Let's normalize people now a days. Hindi dapat 'yon ang nasasabi nila dahil pag-intindi ang kailangan ng mga tao ngayon. May kalayaan tayo, bakit naman hindi natin gagamitin 'yon?
May kalayaan nga tayo pero hindi naman natin nagagawa ang gusto nating gawin. Hindi naman natin naisususuot ang gusto nating isuot. Hindi naman natin maipakita ang gusto nating ipakita.
Pa'no tayo magkakaroon ng kalayaan kung nakakulong tayo sa mga pananaw ng iba? Pa'no nating masasabing may kalayaan tayo kung sinusunod naman natin ang gusto ng iba?
Hays!
Dumarami na ang mga pumapasok sa utak ko ngayon. Kaya gusto kong matulog na muna dahil sa mga ito. Bumuga na lang sila sa hangin at sabay-sabay na umalis sa harapan namin. Mukhang natauhan na dahil hindi na nila pinagpatuloy ang panenermon sa tatlo.
Ang mga hudlong, nagpalakpakan pa. Palakpak na parang nagtatawag ng kalapati sa kalangitan. Inambahan lang namin sila ng batok kaya naman tumigil sila. Lumapit kami sa tatlo na halata sa mukha nila ang ginhawa. Nakakahinga na kasi sila ng maluwang.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 163
Magsimula sa umpisa
