"Wala... kami lang naman ang nagplano nito." Si Shikainah ang sumagot. Napamura na lang si Xavier kaya naman napapikit siya ng mariin.
"Eh, ikaw? Sino naman nagsabi sayong bumili kayo ng ganiyan kalilit na shorts ha? Hindi mo muna pinahaba bago mo bilhin." Panenermon naman ni Vance na nakapamewang pa, kahit na likod lang nila ang nakikita ko, alam kong kinakamot niya ang kilay niya.
"Wala. Gusto kong bilhin 'yon e. Malamang short ang tawag d'yan kaya maikli, kapag humaba 'yan, longs na ang tawag d'yan. Ang tanga mo talaga, Van." Sagot sa kaniya ni Trina.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. 'Yung mga hudlong, nag-bi-busy'han sa pag-iihaw pero tumatawa rin naman. 'Yung iba, nasa harapan ko at humagalpak ng tawa. Buti na lang hindi sila pinapagalitan nung tatlo.
"'Wag mo 'kong pilosopoin, Trina. Hindi ako nagbibiro." Seryosong sabi niya.
Biglang tumahimik ang paligid. Naalala ko na ikinuwento sa 'kin ni Kenji dati na minsan lang daw magalit si Vance dahil palatawa nga siya pero kapag napuno na, para siyang dragon na bumubuga ng apoy. Walang nakakalapit sa kaniya maliban kay Kayden.
Isa rin si Kayden. Ayaw na ayaw daw nila siyang galitin dahil sa may nagagawa siyang hindi maganda kapag nagagalit siya. Walang nakakapigil sa kaniya dahil takot silang masaktan. Sus, ako na lang ang sasapak sa kaniya para matauhan siya.
"Hindi naman kita pinipilosopo ah! Nagsasabi lang ako ng totoo—!"
"Tumahimik ka na!"
"And you. Didn't I tell you earlier not to wear that, you've already dressed but what is this again, why do you remove your cover up?" Madidiin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Elijah.
Pa'no ako magpapaliwanag sa kanila gayong ganito sila kagalit? Baka ako pa ang mapagbuntungan nila kung sasabat ako sa usapan nila. Mali talaga ang ideya na 'yon e. Dapat hindi ko na lang sila pinayagan pero may punto kasi ang sinabi ni Alzhane na...
"Let Elijah get angry. Wear what you want to wear, as long as you are comfortable in your clothes, wear it. Don't think about what others will say. Sa iyo naman ang damit mo, hindi sa kanila."
"Ako! Gusto ko kasi nito e. Tsaka ano bang masama kung ganito ang suotin ko?"
"God damn it! Anong masama? E halos lumabas na ang kaluluwa mo. Look, your cleavage is obvious."
"Hello. Beach po kaya 'to. Ayos lang naman na magsuot kami ng ganito." Tugon ni Trina.
Parang wala lang sa kaniya ang pinagsasabihan ah. Sa lahat, siya ang matapang pagdating sa salitaan. Hindi lang niya napapakinabangan ang boses niya sa pagkanta, kundi pati sa pagsagot lalo na kung may katwiran siya. Walang makakatalo sa kaniya, napapahinto na lang ang mga kinakausap niya.
"Oo nga, ayos lang naman 'to e. Ito naman talaga ang sinusuot kapag may swimming." Depensa naman ni Shikainah.
"Di bale sana kung tayo-tayo lang naman ang nandito. Pero hindi e! Maraming lalaki ang dumadaan dito. Marami ang nagkakagusto sa inyo." Si Xavier nananaman ang nagsalita.
Buti na lang pala at desente ang damit ko ngayon, hindi ako masesermon ng kahit na sino.
"Kita niyo naman 'yung iba na dumadaan kanina, halos madapa pa sila kakatitig sa inyo!" Sigaw ni Vance.
"I want to beat them! Kung ako lang ang masusunod, papaalisin ko sila rito." Sagot ni Elijah.
Grabe naman pala 'tong magalit. Kailangan talagang magpaalis ng mga guests dahil lang dito? Pero hindi malayong hindi niya gawin 'yon lalo na tungkol pa naman 'to kay Eiya. Pag-ibig nga naman.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 163
Start from the beginning
