"Talaga bang ugali mo ang makinig sa usapan ng iba?"
"Hindi ah. Aksidente ko lang namang narinig ang usapan niyo kaya naman pinagpatuloy ko na. Sayang naman ang pagkakataon—!"
"Okay, okay. Sabi ko nga mananahimik na 'ko." Sabi ko at zinip ang bibig ko.
"Lumabas na nga tayo. Akala mo ba hindi ko nakita ang suot nila?"
"Nino?"
"Nung mga kasama mo. Kaibigan mo. Pati si Zycheia."
"Oh? Napa'no ang suot nila? Nasira ba?"
Mas pinanliitan niya pa 'ko ng mata. "Subukan mo lang na magsuot ng gano'n, ipapalapa kita sa mga pating." Pagbabanta niya tsaka nagpaunang lumabas.
Patay! May usapan pa naman kami ng mga babaita. Sigurado akong magagalit sila nito sa 'kin. Pero mas nakakatakot magalit si Kio. Hindi ko na alam ang gagawin ko! 'Wag na lang kaya akong lumabas? Matulog na lang kaya ako?
Oo tama!
Nang mapansin kong wala namang naghihintay sa 'kin. Wala rin namang nakatingin sa gawi ko. Tumakbo ako tsaka bumalik sa kwarto namin. Ni lock ko na 'yon para hindi nila ako maistorbo. Imposible namang mapansin pa nila ako dahil lalangoy na niyan sila.
Humiga ako sa kama at nagtago sa kumot. Binalot ko ang katawan ko. Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa sa magpakapagod sa pakikipaglaro kay Kenji ro'n sa dagat.
Huminga ako ng malalim at nakangiting pumikit ako. Ngayong bakasyon, tama nga, gusto kong umalis ng bahay. Pero hindi pa rin mawawala sa 'kin ang palaging inaantok kahit pa nasa tabing dagat ako.
Hindi naman ako sumama rito para lumangoy ng lumangoy. Sumama ako rito para magpahinga at ang pagtulog lang ang tanging pahinga ko. Basta may pagkain at tulog, mabubuhay ako. Nahuhulog na 'ko sa antok ng may kumatok sa pinto.
Halos mabagbag pa 'yon dahil sa lakas nun. May naniningil na ba kaya ganito siya makakatok? Parang siya lang si Kio ah. Kulang na lang matanggal ang amba ng pinto.
"Ate Heira! Nandiyan ka ba?" Boses ni Hanna pero hindi ako sumagot.
Siguro naman sa ginawa ko mahahalata niya wala ako kunwari sa loob ng kwarto na 'to. Malaya na 'kong makakatulog.
"Ate Heira! Kung nandiyan ka, sumagot ka naman!"
"Wala siya rito." Sagot ko at pumikit pa ng mas mariin.
"Ay gano'n... sayang naman, nasisigawan na kasi sina Ate Shikainah doon, kailangan na nila ang paliwanag niya."
Sheeeet! Patay! Oo nga pala! Bakit ba nawala sa isip ko 'yon.
Napabalikwas ako ng higa at dali-daling lumabas. Nilampasan ko na si Hanna. May nadala pa nga akong unan. Lumabas ako ng bahay ng nakayapak at hinanap kaagad 'yung apat na babaita.
Nakarating ako sa pinagkainan namin kanina ni Chadley. Ayun, do'n ko sila nakita na nakaupo sa isang tela. 'Yon ata ang telang hiningi ko kanina kay Elijah. Buti na lang at nailatag na nila.
Nakayuko ang tatlo, nasa harapan nila si Elijah, Vance at si Xavier.
Si Alzhane naman ay prenteng nakaupo sa gilid at pinagtatawanan 'yung mga tuta... este mga kaibigan namin na parang natutop. Nakayuko sila at hindi alam ang gagawin, kinakalikot lang nila ang mga kamay nila.
"Sinong nagsabing magsuot kayo niyan?!" Sabi ni Xavier, hindi naman sigaw 'yon pero dahil sa lakas ng boses niya, nakakatakot ng lumapit pa.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 163
Start from the beginning
