"Ay, hala! Bakit ganiyan ang suot mo?" Tanong ni Kenji at parang nandidiri siya habang nakaturo damit ko.

"Bakit? Ayos lang naman 'to ah."

"Akala ko naman mag-to-two-peace swimsuit ka." Sabi naman ni Aiden.

"Asa! Tsaka wala ako no'n."

"Gusto mong pahiramin kita?" Tanong ni Timber.

Nanlaki ang mga mata ko. "Mero'n ka no'n?"

"Oo! 'Yung kay ate, dala ko. Alam ko namang wala kang balak magsuot no'n."

"At bakit mo naman dinala? Susuotin mo ba?"

"Hindi. Pero ikaw oo."

"Sino namang nagsabi sayo no'n."

"Ako." Lumingon ako kay Mavi ng magsalita siya.

"Pasensya naman pero wala akong narinig." Palusot ko.

"Anong kakainin natin mamayang gabi?" Tanong ko.

"Ewan ko. Magbobonfire tayo! Masaya 'yon!" Sabi ni Kenji.

"Ji. Magsimula ka ng maghanap ng panggatong kung gagawa ka ng ganon."

"Ayaw ko nga. Ikaw na lang, ikaw naman ang nakaisip e."

"Sapak gusto mo?"

"Tim. 'Yung mga barbeque na ginawa natin kagabi, ilabas na raw natin." Sigaw ni Alexis mula sa may hagdan.

Nagmamadali pa siyang bumaba. Nakasando lang siya at nakabukas ang beach polo niya tapos may suot din siyang sumbrero. Cowboy na nakasando. Gano'n din pala ang suot ni Timber. Gaya-gaya ata 'to o baka naman sadyang magkadikit ang bituka nilang dalawa?

Tumayo naman siya. "Sige. Sa'n ba ipupwesto 'yung ihawan?"

"Do'n, do'n sa may lamesa sa may bandang gilid. May puno ro'n kaya naman masalilong."

Sumabat ako. "Sama ako sa inyo, wala naman akong gagawin dito." Sabi ko, nakataas pa ang isang kamay ko na parang nanunumpa.

"Ako rin! Basta kasama si Yakie." Sabi naman nitong batang hapon.

"Baka naman hindi pa naluluto ang mga 'yon, nilalantakan mo na." Pagbibiro ni Aiden.

"Yakie, oh..."

"Tara na nga! Ang dami niyo pang sinasabi e."

Sumunod ako sa kanila sa may kusina. Ang dami pala nilang namarinade kagabi. Ang pinagtataka ko lang kung saan nila nakuha ang mga karneng ito. Wala naman kaming biniling ganito. Pero sabagay, baka nag-utos lang si Elijah ng mga staff dito.

May isaw, betamax, paa at ulo ng manok, mero'n ding laman ng baboy. Ako ang nagdala nung isang tray. Hindi naman siguro namin mauubos ang mga 'to ngayon, pero pwede pa rin naming ihawin bukas. May bagoong din pala at mga mangga.

Sigurado akong hindi kakasya ang mga 'to sa sinasabi nilang lamesa. 'Yon yong pinagkainan namin kanina. At tama nga ako, hindi nga nagkasya. Tumakbo ako pabalik ng rest house at hinanap si Elijah.

Nakita ko siyang nasa pinto ng kwarto namin at nakacross arm pa. Nakasandal siya sa amba ng pinto, hindi ko tuloy alam kung magtatanong pa ba ako sa kaniya, ang dilim kasi ng mga mata niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, sinilip ko muna kung sinong tinitignan niya. Si Eiya lang ang nakita ko, nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya. Nakasuot siya ng malinaw na cover-up. Mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari.

Kinalabit ko si Elijah. Bahala na kung magalit din siya, itutumba ko na lang siya kapag sinigawan niya 'ko. Tumingin naman siya sa 'kin at pinagtaasan niya 'ko ng mga kilay na para bang nagtatanong.

"May tela ka ba? 'Yung pwedeng ilapag sa buhanginan."

Tumango naman siya bago tumalikod, tinignan niya muna ng masama si Eiya bago niya gawin 'yon. Narinig ko ang pagbuntong hininga nung isa ng makaalis siya. Dali-dali naman akong pumasok at hinawakan ang kamay niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko dahil nakasimangot siya.

"Wala."

"Isa."

"Wala nga, Isha."

"Dalawa."

"Promise! Wala talaga, nag-uusap lang kaming dalawa."

"Tat—!"

"Oo na, oo na! Magsasabi na 'ko." Nakangusong sabi niya at marahas na kinamot ang ulo.

"Sige, magsalita ka na."

"Nakita niya 'ko na ganito lang 'yung suot ko." Sabi niya at binuksan ang cover-up.

Nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa ginawa niya. Nakabra lang kasi siya na kulay itim. Kahit ako, naiinis din ako dahil sa suot niya, pa'no pa kaya 'yung manliligaw niya?

"Kaya pala. Sige, takpan mo na."

"Kaya ayun nagalit. Gusto niyang magdamit ako, 'yung swimwear na long sleeves at kulay itim, e wala naman akong dalang gano'n."

"Ah..." Tumango ako. "Kahit ako wala rin e. Kahit na anong klase ng pagswimming wala akong dala."

Dahil wala naman akong balak na lumangoy ngayon. Magbabad, pwede pa pero 'yung paa lang. Ayaw kong lumangoy, mula noong bata ako ay ayaw ko na ng gano'n. Natatakot ako sa malalim na tubig. Natatakot ako na baka hindi na 'ko makaahon gaya ng mga napapanaginipan ko.

"Pa'no na 'to? Ayaw niya 'tong suot ko, ayaw niya 'kong palabasin. Ayaw ko rin namang lumangoy na ganiyan ang suot. Mabigat sa katawan."

"Alam mo, ang arte mo, Eiya. 'Wag kang lumangoy para masaya."

"Isha naman..."

"Let Elijah get angry. Wear what you want to wear, as long as you are comfortable in your clothes, wear it. Don't think about what others will say. Sa iyo naman ang damit mo, hindi sa kanila." Lumabas si Alzhane sa banyo.

Hindi lang pala siya, kundi pati sina Trina, Hanna, at Shikainah. Nagtatago pala silang lahat sa banyo. Tapos pare-pareho pa ng suot. Iba-iba nga lang ang kulay. Si Hanna, medyo mahaba ang sa kaniya dahil hindi pa pwedeng maexpose masyado ang katawan niya.

Bata pa e.

Bata rin naman ako e. Kaya hindi ako magsusuot no'n. Kahit na sinabi ko na "Sige. Pero magsusuot lang ako niyan kung magsusuot din kayo." Hindi pa rin ako magsusuot niyan.

Prank lang 'yon.

"Anong ginagawa niyo r'yan?" Tanong ko.

"Nagtatago. Narinig namin ang boses ni Fafa Elijah kanina e kaya naman nagtago kaming lahat sa banyo, naiwan si Zycheia." Sagot ni Trina.

"Narinig namin 'yong panenermon niya kay Zycheia. Nakakatakot." Natatawang sabi ni Shikainah.

May sa baliw din 'tong babaeng ito e. Nakakatakot daw pero tumatawa. Sige lang, ipagpatuloy mo lang 'yan, wala namang pumipigil sayo.

"Pa'no niyan kayo lalabas? Nagagalit pala siya e." Sabi ko.

"Uh... maybe we can talk to them naman." Sagot ni Alzhane.

"Sige-sige. Ako na ang kakausap sa kanila. Kapag hindi sila pumawag, hayaan niyo na lang sila."

"Hep! Pa'no ka?"

"Anong pa'no ako?"

"Akala ko ba magsusuot ka ng ganito? Mandaraya ka ah!"

"Oo na, Trina. Mamaya na lang ako magsusuot niyan."

"The swimsuit is next to your bag, don't worry it's just new."

Ngumit ako kay Alzhane. Hindi ko alam kung susunod din ba ako sa kanila. Maliit na nga ang short na binigay nila tapos papasuotin pa nila ako ng gano'n. Pinapahirapan ba talaga nila ako?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now