Umakyat muna ako ng kwarto habang hinihintay silang matapos na kumain. Kumuha ako ng damit ko sa bag at dumeretso sa banyo para maligo. Hindi na 'ko nakapaglinis ng katawan kahapon dahil sa nakaligtaan ko na rin.

Masyado akong pagod kagabi kahit wala akong masaydong ginawa maghapon. Buti na lang pala at dala ko ang mga essentials ko, shampoo, pang-hilod at sabon. Mas mabuti na rin naman 'to kaysa naman sa manghiram pa 'ko sa iba.

Pagkatapos ko ay ayaw ko pang lumabas ng banyo, nagdadalawang isip pa kasi ako kung susuotin ko ba 'tong shorts na binigay ni Trina. Kung hindi ko susuotin, sigurado akong magtatampo 'yon. Kung susuotin ko naman, sigurado rin akong mapipingot ako ni Kio.

Maganda naman ang design no'n pero hindi ko gamay ang magsuot ng ganito. Alam ko dati sanay ako at gusto ko ng mga klaseng damit dahil komportable pero iba na ngayon. Hays.

Lumabas ako ng kwarto na nakashorts na hanggang tuhod at t-shirt na kulay pink. Suot ko rin 'yong short na binigay ni Trina pero nakapandoble ako. Tinignan tuloy ako ng mga babaita.

Lahat sila nandito na at naghahanda ng masusuot. Pinupunasan ko naman ang buhok ko gamit ang twalya. Wala namang nagsalita sa kanila kaya naman nilampasan ko na lang sila at umupo sa kama.

"Bakit ganiyan ang suot mo?" Tanong ni Eiya pagkapasok ni Shikainah sa banyo.

Tinignan ko naman ang suot ko. "Bakit? May mali ba sa damit ko?"

"Aisssh! Ang ibig kong sabihin, bakit ganiyan? Lalangoy ka ba?"

"Oo. Pwede naman akong magswimming ng ganito ang suot ko."

"Hindi! Hindi pwedeng ganiyan! Magpalit ka! Para ka namang nasa bahay lang!" Sabi ni Trina

"Bakit? Hindi ba 'to bahay? Tsaka, teka nga! Pwede na 'to. Dito ako kumportable e."

"Isha naman... kahit ngayon lang, maging babae ka naman."

"I can lend you a swimsuit." Prisinta ni Alzhane.

"Ayaw ko," pagtanggi ko. "Pwede na 'to." Tumayo ako pero hinila ni Eiya ang kamay ko at sapilitan akong pinaupo.

"D'yan ka lang! Nasa bakasyon tayo, 'wag kang manarili."

"Jusme! Sabi ko naman sayo suotin mo 'yung binigay ko." Nakangusong sabi naman ni Trina.

"Suot ko naman pero ginawa ko na lang na pandoble!" Masayang sabi ko tsaka ko pinakita ang suot ko.

Natampal na lang nila ang sarili nilang noo. Halos malaglag ang panga ko nang lumabas si Shikainah sa banyo. Nakabra lang siya at suot niya 'yong shorts. Parang hindi man lang siya naiilang sa mga nakakakita.

Kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Isama mo pa 'yong matangkad siya at maputi. Parang model siya ng isang commercial. Akala ko ba pinagbawalan siya ni Xavier na magsuot ng gano'n?

Susme!

"See! Dapat ganito ang suot mo!" Turo ni Eiya sa kaniya.

Huminga ako ng malalim. Isa laban sa lima. Hindi ako magtatagumpay sa kanila. Pinagtutulungan na nila ako e. Ayaw ko man pero malakas ang pwersa nila, siguradong pipilitin pa rin nila ako.

"Sige. Pero magsusuot lang ako niyan kung magsusuot din kayo."

Sumang-ayon naman sila. Nag-unahan pa nga sila sa pagpasok sa banyo. Nailing na lang kami ni Alzhane. Buti pa siya hindi siya nakikisali sa kakulitan ng mga 'yon. Bumaba na lang muna ako ng kwarto habang nagpapatuyo ako ng buhok.

Nasa sala ang mga hudlong kaya naman lumapit ako sa kanila. Iilan lang naman ang nandito. Hindi pa sila nagpapalit ng damit, mukhang nauna na 'yung iba.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now