"Alam ko, hindi naman ako pinanganak ngayon. Teka nga! Bakit ba ganiyan ka magreak?"

"Psh! D'yan ka na nga, bahala ka sa buhay mo!" Sigaw niya tsaka nagwalk out na.

"Anyare ro'n?" Bulong ko sa sarili ko, napakamot batok pa 'ko.

Ano naman ngayon kung kinausap ko si Cale kahit hindi ko pa siya kilala. 'Yung mga hudlong nga hindi ko rin naman sila kilala nung una pero kinausap ko pa rin sila tapos ngayon magkakaibigan na kami. Ano nananaman bang dinadrama nung Rios na 'yon ngayon? May pa-walk-out scene pa siya ah.

Sumunod na lang ako sa kaniya sa pagpasok sa bahay. Kasalukuyang nasa dining area ang mga hudlong kaya naman do'n ako dumeretso para na rin kumuha at uminom ng tubig. Nabitin ako e.

"Heira, kain!" Pang-aaya sa 'kin ni Maurence.

Umiling lang ako.

"Ay, himala! Tinanggihan mo ang pagkain." Ani Trina.

"Tapos na kasi ako, busog na 'ko." Sagot ko bago uminom.

"Ha? E kaninang kaunti pa lang naluto ang pagkain ah." Sabi naman ni Shikainah.

"Oo nga pero... hindi ako r'yan kumain e. Sa... doon, sa labas, doon ako kumain."

"Kaya pala wala ka nananaman. Sa'n ka ba nagpupunta at palagi ka na lang nawawala? Do you want me to tell this to mommy?" Panenermon ni Kio, hindi siya kumakain, sumisimsim lang siya ng kape ata iyon.

"Syempre hindi. Ayaw ko." Sino ba naman ang gustong masermon ng wala sa oras? "Kasama ko naman si Chadley," naibuga ni Eiya ang kinakain niya kaya naman nag-dahan-dahan ako sa pagsasalita.

"Siya 'yung bumili ng pagkain ko." Dagdag ko pa.

"Kaya pala wala rin si Rios! Akala ko naglayas ka na, 'dre e!" Pangangantyaw ni Xavier sa kaniya.

"Why the fuck would I do that?"

"Akala lang naman. Akala. Akala lang, palagi ka kasing nawawala e."

"Alangang sumunod ako sa inyo kahit saan kayo magpunta."

"Tsk." Ayan, palaging napuputol ang usapan dahil sa singhal ni Kulapo na 'yon!

Sasapakin ko 'to, pigilan niyo 'ko!

"Oo naman! Dapat sama-sama tayo 'no! Sama-sama kaya tayong nakarating dito." Sagot ni Vance.

"Wait. Bakit mo kasama ang Yakie ko? Nagdate ba kayo?" Sabat ni Kenji na may nanghihinalang tono.

"Grabe ka! Ako, makikipagdate ka sa kaniya? Asa." Tugon ko.

"Damn it. She's not my type. We just ate outside dahil baka ubusin niyo ang binili ko."

Maka-damn-it naman 'tong isa na 'to. Hindi ko rin naman siya type pero hindi ako nagmura. Sapakin kita 360°.

"Dalian niyo! Mag-su-swimming tayo! Better to use you swimwear." Sabi naman ni Alzhane.

"I agree. Habang maaga pa, hindi pa masyadong mainit." Sabi naman ni Shikainah.

"Uh, sino pong may salbabida sa inyo?" Nahihiyang tanong ni Hanna.
Muntik pa 'kong natawa pero pinigilan ko 'yon.

"Hindi ka marunong lumangoy?" Tanong ni Maurence.

"O-opo."

"Awit, same!"

Ay, puta. Sa laki ng katawan nito, hindi pala siya marunong lumangoy? Sabagay parehas kami. Hindi nga naman tinuturo ang swimming sa mga basketbolista.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now